Chapter 29: Surprise

68 5 0
                                    

Aishlou's POV
Break Time

      Nasa silong kami ng mga puno na malayo sa mga estudyante. Ito rin yung lugar kung saan ako inatake nila Chelsea.

     “Bakit tayo dito? Hindi naman ganoon kainit sa canteen ah. Marami ring upuan doon.” Tanong ko at umupo sa damuhan.

     Dito na kami dumiretso at di pa kami nakakabili ng meryenda.

     “Mas maganda dito. Oo nga pala I bake something,” saad niya at may box na kinuha sa bag niya.

      It was cookies. Chocolate cookies my favorite! Naglabas din siya ng Sprite sa bag niya... matagal na rin akong hindi umiinom ng softdrinks.

     Then naglabas ulit siya ng isang box, and it was a mini grash cake.

      “Wow! You bake this?” Masayang tanong ko sa kanya at kumuha ng cookie.

     “Yep, I want to make something para sa iyo, Happy birthday Aishlou.” Bati niya.

     What? Birthday ko? Ngayon na ba? I totally forgot the date.

     But Theo didn't he was the first one to greet me.

     “Thank you Theo, actually hindi ko talaga natatandaan na birthday ko pala ngayon, ikaw ang unang bumati sa akin at napakasaya ko dahil doon. Thank you! For the effort and for the love.” Pag-amin ko at niyakap siya, niyakap din naman niya ako ng mahigpit at puno ng lambing.

     “I love you Aishlou. I will prove myself to you. I want you to be by my side and grow old with you.”
   
     “Me too Theo. I wished that too.”

     Magkasama naming inubos ang cookies na ginawa niya pati na yung napakasarap na cake. I never knew that Theo can bake. Nakakabilib lang na nagluluto pala siya.

      Hindi ko na pala kailangang magluto kapag kinasal kami... Joke...

     “Thank you pala ulit sa masarap na cookies at cake. Sa susunod ulit,” wika ko kay Theo habang sabay naming tinatahak ang hallway pabalik sa room.

       “Sige ba. Ako na pala ang maghahatid sayo mamayang uwian. Utos nila Ate at Kuya Kambal,” tugon niya. Ngumiti nalang ako at humiwalay sa kanya.

      “In that case, I can't wait to go home.”

******

While Driving Home

     “Alam mo ba ang weird hindi naman nakakalimutan nila Mama yung Birthday ko pero ni hindi pa nila ako binabati. It was kind of disappointing.” Kwento ko kay Theo habang nagmamaneho.

     “Baka naman busy lang. Hindi matapos ang araw na ito hanggang hindi ka nila binabati. Ano palang handa mo?” Tanong niya naman. Mas weird to, nakangiti siya habang sinasabi ang mga salitang iyon. Masaya ata siya masyado?

     “I don't know. Hindi ko pa nga alam kung naaalala nila, paano ko pa malalaman ang handa ko.” Humahaba ang nguso ko kapag naiisip kong nakalimutan na nila kaarawan ko.

     I was already 20 years old. Matanda na rin ako. I was hoping na sana may magandang mangyari habang kaya ko pa.

     “Nandito na tayo.” Tawag ni Theo sa akin. Tinignan ko ang bahay namin at kumunot nalang ang kilay ko.

     Walang ilaw sa loob ng bahay. May pinuntahan ba sila. Lumabas kami at sinubukan kong buksan yung pinto at nagulat ako nang hindi siya lock.

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon