Aishlou's POV
Abel's ResidenceNapagplanuhan namin na si Theo naman ang bibisita sa amin ngayong araw. Inaasahan kong maaga siya but I didn't expect he was this early... 7:19 am palang kumatok na siya sa pinto, that time sila Mama at Papa palang ang naka-ayos at kaming tatlo ay parang bruha.
Halos pangilabutan ako nang sabihin ni Mama na nandito na siya.
Hindi ako naligo since hindi naman talaga ako naliligo sa umaga kapag walang pasok. Unting ayos lang sa buhok at palit sa pantulog sumugod na ako sa salas kung saan nakaupo na sila Ate.
“Aishlou, bulaklak para sa iyo.” Lahad ni Theo ng tatlong piraso ng rosas.
“Thank you Theo.”
“Uyy si Sisy nakatanggap ng bulaklak kahit hindi pa naligo.” Pang-aasar ni Ate sa akin magsusumbong sana ako kay Kuya pero tumatawa rin siya. Mga demonyo.
“Atleast mabango.” Laban ko.
Umupo na ako sa tabi ni Ate habang si Kuya naman ang katabi ni Theo.
“So anong gusto niyong gawin natin buong araw magtitigan? Well atleast di naman kami nakakasawang titigan. Mga lahi kami ng gwapo,” wika ni Kuya.
“Ang hangin... huuu. Baka tangayin pa itong buong bahay. Huwag masyado Gai natatandaan mo yung nangyari sa dating restaurant mo?” Biro naman ni Ate sabay acting na palang tinagangay ng hangin.
"Bagyo ang gumawa noon hindi ako!" Laban ni Kuya.
"Ikaw kaya yun, basag nga lahat ng bintana," pilit ni Ate at binigyan lang siya ng nakakamtay na tingin ni Kuya.
“Truth or Dare nalang tayo.” Rekomenda ni Kuya at ibinigay sa akin ang tingin niya.
“Sige ba, make sure the dare should be a punishment... Sisy go and get a bottle.” Utos sa akin ni Ate.
Sinunod ko naman iyon at kumuha sa kusina. Pero bago ako bumalik at kumuha muna ako ng transparent vase at nilagyan ng tubig saka ko inilagay yung tatlong rosas.
Bumalik ako na bote nalang ang hawak bago umupo sa upuan. Kaharap ko si Ate habang si Theo at Kuya naman ang magkaharap para pantay.
Inilapag ko yung bote sa lamesa at tinignan si Ate na seryoso ang tingin sa amin.
“Get ready to lose, losers. Sigurado akong magsisisi kayo na ako pa ang kinalaban niyo.” Pagmamayabang niya.
“Only kung matalo mo ako.” Tugon naman ni Kuya. Halatang nag-eenjoy na sila kahit hindi pa nagsisimula.
Then Ate spun the bottle, nakatitig lang kami doon hanggang sa bumabagal na ang pag-ikot nito and finally it stopped while the neck is pointing at Kuya at katapat niya si Theo na siyang mapagtatanungan.
“Truth or Dare?” Tanong ni Kuya.
“Truth.” Mabilis niyang sagot.
“Virgin or not?” Tanong ni Kuya.
Napatingin kami kay Theo, waiting for his answers. I expected na hindi na siya virgin. Well hula ko lang.
“Not virgin,” sagot niya at tumingin sa akin bago ngumiti... and I was right.
Naiintindihan ko naman. Kaya nginitian ko nalang siya pabalik, mas nakakagulat pa mga revelation ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
You're The One
Romance✓COMPLETED✓ A love story that begins with an unexpected incident, And last with an unexpected accident. • • • • • Si Aishlou Abel ay magbabakasyon lang sana sa isang resort kasama ang mga kaibigan niya nang mangyari ang hindi to pretend until they...