Chapter 6: Try

97 7 0
                                    

Theodore's POV
Canteen

Tumatakbo parin sa utak ko ang mga sinabi nila Mama at Papa kaninang umaga, na sisimulan ko na daw. Sumang-ayon din naman kasi si Lycah kaya ngayon siya ang kailangan kong kasama.

'It's okay, kung hindi ko sisimulan ngayon hindi ito matatapos.' Pagpapatatag ko sa sarili ko.

"Let's go inside, sabay na tayong mag meryenda." aya ko sa kanya.

"Pumasok ka na, hindi ikaw ang hinihintay ko, isa pa samahan mo nalang yung girlfriend mo. I insist." tugon niya at nanatiling rebulto sa harap ng canteen.

"Alam mo namang hindi pwede, dahil sa publiko ikaw ang fiancé ko. Kaya kailangan magkasama tayo. Don't worry, we already made the front page means marami nang nakaka-alam it's a good beginning for both of us. Hindi rin magtatagal mapapaniwala na natin yung mga tao." paliwanag ko sa kanya.

"Hindi ba magagalit yung girlfriend mo?" tanong niya.

Nakataas man ang kilay niya, kasing lambot naman ng ulap ang boses niya.

"Maiintindihan niya iyon. Ikaw yung boyfriend mo baka ipa-salvage niya ako." biro ko.

"He won't do such thing, naipaliwanag ko na sa kanya and I don't need to repeat it para maintindihan niya. I know to myself that he will understand." Kampanteng sagot niya.

"We don't know, huwag ka masyadong magtiwala sa kanya, kahit boyfriend mo pa, lalaki pa man din siya. Men hides many things, masasabi ko yan dahil ganoon din ako." saad ko, hinarap niya ako at diretsong tinignan sa mga mata.

She have a cognac brown eyes, at mas tumitingkad ang kulay nito dahil nakaharap siya sa liwanag ng araw.

"At bakit ko naman ako maniniwala sa sinasabi ng isang lalaking hindi ko pa kilala, do you think I would believe in you over my boyfriend?"

Umiling-iling ako at nginitian siya, "I didn't say that you must believe in what I said, binibigyan lang kita ng kaalaman, a warning."

"You don't need to, cause I won't believe in you. Iwan mo na ako, baka kung ano pang sabihin nila sa akin kapag makita ka nanaman nila." tulak niya sa akin palayo.

"Hindi mo pa ba nauunawaan? Kailangan ko ng tulong mo, kailangan kita. Kung patuloy mo akong ipagtatabuyan anong magiging silbi ng usapan? Look it can help us both, kapag nalaman na nila na ikaw nga ang fiancé ko maraming kukuha sa papa mo, maraming pupunta sa hospital niyo. Sa tingin mo ba madali lang din para sa akin ito, for God sake hindi ko sinasamahan ang girlfriend ko para ikaw ang samahan ko, we can't go on a date kasi malalaman nila. Nahihirapan din ako." galit kong tugon sa kanya.

Nasigawan ko siya nang hindi ko sinasadya, lahat na tuloy ng mga tao ay nakatingin sa amin. Nagulat din siya sa naging tugon ko.

"Buhay ko rin ang nadamay, buhay ko! Sa tingin mo ganoon parin ba yung pakikitungo ni Evan sa akin matapos yung ginawa mo? No, I feel the same way too kaya wag kang magsalita na parang ikaw lang ang biktima dito." sumbat niya, pabulong lang ang ginawa naming sagutan at hindi ito naririnig ng mga ibang tao.

"Anong nangyayari rito?" Tanong ni Evan na kararating lang kasama ang iba pa nilang kaibigan.

"Anong ginawa mo kay Aish?" Madiing tanong niya.

We are making a commotion right now, parami na ng parami ang mga taong nakatingin sa amin.

"Nothing Evan, nagkasagutan lang kami, it was my fault ginalit ko kasi siya. If you'll excuse me, go on with your snack hindi na muna ako makakasama sa inyo, I lost my appetite." sagot ni Aishlou sa kanya at iniwan kami.

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon