Chapter 10: Allen Hao

73 5 0
                                    

Aishlou's POV

Matapos ang huling klase ko dumiretso ako sa suite na binili ni Theo at doon na muna nagpahinga. Mamayang pa yung party na dadaluhan namin siguro okay lang kung magpahinga muna.

When I finally could get some rest, I heard a knock coming from the door. Pilit akong bumangon at pumunta sa pintuan.

I twisted the doorknob and Theo appeared presentable.

"Pupunta na ba tayo? Maaga pa ata." tanong ko.

"Hindi pa naman, pero dumiretso na ako dito. Sabay tayong pupunta sa party. Kaya inagahan ko na. Alam ko namang hindi ka pa nakapag-ayos." tugon naman niya at tinignan ang itsura ko. I'm still wearing my uniform dahil magpapahinga pa sana ako.

"Come in. Diyan ka muna habang nag-aayos ako." bilin ko sa kanya at iniwan siya sa sala.

Kahit ayaw ko pang maghanda wala naman akong magagawa nandito na siya, kinuha ko ang tuwalya at pumasok sa banyo upang maligo.

"Aishlou, may gagawin ka ba sa sabado?" tanong ni Theo.

"Umm ako? Meron eh, bakit mo naman natanong?" May lakad kay ako kada sabado.

"Ganun ba? Aayain sana kitang mamasyal, next time nalang siguro."

Is he asking me on a date? A f_ck_ng date? Gusto kong tumawa pero pinigilan ko. Don't tell me nagugustuhan na niya ako?

"Bakit may kailangan ba ulit tayong puntahan as couple?" inosenteng tanong ko.

"Hindi, bonding as a friend sana. Kasama naman natin si Lycah." sagot niya, kasama pala si Lycah akala ko pa naman kung date at buti nalang at hindi ako nagsalita ng kung ano-ano.

"Si Chelsea nalang kaya ayain mo." wika ko.

"May pupuntahan din daw siya. Hindi naman ako pwedeng sumama." tugon niya.

"Ganun ba? Pero busy kasi ako bukas, after ng gagawin ko pwede. Mga tanghali na siguro." tugon ko, did I just agree to go with him? Aaaiiisshh! Bakit ko naman ginawa yun?

"Sure, thanks." tugon niya.

Lumabas ako sa banyo only to realize na kailangan kong dumaan sa salas papuntang kwarto.

"Theo kung gusto mong magkaintindihan tayo at pumunta sa party ng walang itim ang mga mata pumikit ka at hangga't hindi ko sinasabing buksan mo, huwag kang didilat." I instruct as I ready myself to run.

Ipinikit ni Theo ang mata niya, and like a lightning bolt I dash to the room.

"Open your eyes." utos ko at tinakpan ang pinto ng kwarto.

"Dove... you smell sweet," saad niya, "Do you like the dress? Si Lycah mismo yung pumili niyan."

Tinignan ko ulit yung dress na hanger. It was delivered 2 hours ago.

It's a 5 inch below the knee dress na medyo balloon, it has a sweetheart neckline, kulay pink din ito it's a plain simple dress yet it was so elegant.

"Hindi pa ako nakakapag suot ng mga dress na strapless kaya hindi ko masisigurado na bagay sa akin." babala ko.

"Try it on." utos niya.

Isinuot ko iyon at dumating ako sa point na kailangan ko ng tulong, hindi ko maitaas ang zipper sa likuran. At isang tao lang naman ang pwede kong hingan ng tulong.

"Theo, can I ask some favor, paki-zip yung zipper sa likuran ko." Nahihiyang utos ko, narinig kong bumukas yung pinto at naramdaman ko ang mga kamay niya sa likuran ko at itinataas ang zipper.

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon