Theodore's POV
Abel's ResidenceAbutin man ako ng umaga, hindi ako aalis hanggang sa hindi ko nasisiguradong okay lang siya.
“Theo.” Mahinang tawag ni Ate kambal sa akin.
“Is she okay?”
Tumango lang sila at umupo sa tabi ko.
“Okay na siya, nadulas lang siya kanina at nawalan ng malay. Akala nga namin kung malala na. She'll be fine by tomorrow. Gabi na, hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo.” Tugon ni Kuya kambal sa akin.
That's all I wanna hear before going home, to hear that she's okay. She will be.
“Sige Ate at Kuya Kambal. Uuwi na ako. Pakisabi nalang kay Aishlou.” Paalam ko at lumabas ng bahay.
Ngayon panatag na akong umuwi sa amin.
******
Kinabukasan
Talagang inagahan ko para maabangan ko si Aishlou. Sabi niya papasok na daw siya.
“Aishlou!” Sigaw ko sa papalapit na sasakyan.
Lumabas siya sa kotse ng mga kapatid niya at ngumiti na parang walang nangyari kahapon.
“Theo! Sorry pala kung pinag-alala kita kahapon. Pero okay na ako ngayon.” Tugon niya at lumapit sa akin.
“Sige, Theo alagaan mo kapatid namin.” Tagubilin ni Kuya Kambal.
“Makakaasa kayo. Usapang kalbo.” Joke ko para mapangiti si Aishlou na siya namang nagyari.
“Na gwapo.” Dugtong ni Kuya Kambal at naki-fist bomb sa akin.
******
Aishlou's POV
Todo alaga si Theo sa akin, inalalayan niya pa ako kahit sa pag-akyat lang ng hagdan.
“Thanks Theo for everything.” Pasasalamat ko.
“Anything for the person I love. Mag-iingat ka. Hintayin mo ako kapag break time at susunduin kita. Don't go anywhere unnecessary.” Bilin niya bago ako niyakap at iniwan sa tapat ng room namin.
I like his way of caring. Panliligaw na hindi halata, na hindi lang puro rosas at chocolate. Kahit pamilya ko nililigawan niya. The kind of person na alam kong mamahalin ako kahit anong mangyari.
******
After that day mas naging maalaga na siya sa akin. Araw-araw niyang ipinaparamdam ang pag-aruga at pagmamahal at mas napamahal na ako sa kanya.
We went on dates, we went on family dinner, we went on parks, beaches, orphanages, and home of the aged.
At wala araw na hindi ako naging masaya. Makita lang siya napapangiti na ako. Just his head napapangiti na ako.
He even asked Kuya to teach him how to make his pudding para sa akin.
I appreciate his efforts and everything. How I wished those moments would stay.
Pinagtagpo kami ng pagkakamali pero itinama iyon ng puso naming nagmamahalan.
“Aish, okay ka lang ba? Malalim iniisip mo.” Tawag sa akin ni Theo mula sa realidad.
BINABASA MO ANG
You're The One
Romance✓COMPLETED✓ A love story that begins with an unexpected incident, And last with an unexpected accident. • • • • • Si Aishlou Abel ay magbabakasyon lang sana sa isang resort kasama ang mga kaibigan niya nang mangyari ang hindi to pretend until they...