Chapter 7: Negotiation

99 9 0
                                    

Aishlou's POV
Hart University

Hayysst this is the second day, and my baby is fixed, sabi pa ng mekaniko na matanda na si baby at kailangan nang palitan.

My baby is a mustang at regalo sa akin ito ng lolo ko, it was his car at gustong-gusto ko kasi kaya iniregalo na niya, hindi ko pa yun nagagamit mula noong umalis ako.

And now my baby is broken pero in the meantime tatagal parin daw siya basta maalagaan lang.

Naka-parking na ang sasakyan ko and I was about to enter the campus when I saw Satan's face.

"Hey! Goodmorning!" Masayang bati ni Theodore na may pakaway-kaway pa.

Hindi ba niya talaga napapansin na ayaw ko sa kanya? Basta kasama ko siya, o kahit makita man lang nasisira ang araw ko.

Let's just say that I saw a ghost wandering around.

"Wait? What the? Dededmahin mo nalang ba ako? I even greeted you 'Goodmorning' wala bang kahit anong bati rin?" Harang niya sa akin. I'm starting to get pissed.

"What is good in the morning? You? Bakit ka ba nandito? Asan yung mga kasama mo? Pumunta ka doon sa kanila at sila istorbohin mo." tugon ko at pilit siyang nilalayuan, pero wala, para siyang tuta at ako ang mama niya.

"I can't, nakiusap sila Mama at Papa sa magulang ni Chelsea kahapon and ask a favor na layuan niya ako, para sayo lang ang atensiyon at pokus ko I can't be with her, kung gusto man naming magkita kailangang palihim like yung nasa bahay lang. Kaya heto ako sa ayaw o sa gusto mo kasama mo ako, I will be your fiancé, hindi lang ako ang nakikiusap sa iyo, si Mama at Papa rin, please tulungan mo kami." Paliwanag niya na kasabay ko habang naglalakad sa pathway, nakasalubong namin sila Evan at iba pa naming kaibigan.

Akala ko papansinin ako ni Evan at hihilahin niya ako palayo sa mokong na ito pero mali nanaman ako. Nilagpasan lang nila ako, like I'm Miss nobody, na parang wala kaming pinagsamahan.

"What happened?" I asked myself in disbelief, now I know what it feels na ma-dedma and its not funny at all.

"Well, I can explain it to you, in exchange treat me for lunch." Theodore offers.

Hinila ko siya papunta sa isang bench at desperadong malaman ang anumang sasabihin niya.

"Deal, now speak, anong nalalaman mo sa nangyari kanina?" tanong ko.

He inhale exhale before opening his mouth, "Hindi lang mga magulang ni Chelsea ang kinausap nila Mama."

Alam ko na ang ibig niyang sabihin, napangiti nalang ako and I chuckled as the idea forms inside my head.

"Kayong mga high class na tao talaga gagawin ang lahat para manalo, para makuha ang gusto. Ano pa ang mga sinabi ng magulang mo sa magulang nila?" saad ko sa kanya, I really can't believe this, ngayon lang ako nakakita ng ganito.

"Ang alam ko lang ay nakiusap sila Mama at Papa na bigyan sila ng oras at panahon, para ayusin ito, nakiusap sila na hangga't maaari huwag humadlang ang mga anak nila sa plano nila." paliwanag niya.

Inilipat ko ang mata ko sa damuhan, "Pumayag sila?" mahina kong tanong.

"As you can see yes, my parents offered something to them. Hindi ko alam kung ano iyon." Pagpapatuloy niya.

"Money, it should be money, lahat naman nasisilaw sa salapi." sagot ko at tumayo.

"No, I'm positive that it's not money, this problem is way too serious para pera ang i-alok nila Mama."

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon