Aishlou's POV
Hart University"Okay na ako dito Ma, thank you sa paghatid." wika ko kay Mama matapos niyang ihatid ang kindergarten niyang anak.
Isang matangkad na gate na gawa sa bakal na kulay uling ang bumungad sa akin. It was said that this is the best University na pwedeng pasukan, yet it is hard, entrance exam palang at karamihan sa mga nag-aaral dito ay magagaling. The best among the best. At isa ako sa mapalad na nakapasok.
"Sunduin ulit kita sa uwian niyo." saad niya, sumang-ayon nalang ako, hindi ko masakyan yung baby ko kasi matagal nang hindi nagagamit kailangan namin ipa-ayos. Umalis na ang kotse ni Mama pero nanatili parin ako sa labas.
"Aishlou! Ano pang ginagawa mo dito, pumasok ka na sana at doon mo nalang kami hinintay." tawag ni Honey sa akin. Kasama niya ang iba naming kaibigan.
Nang magkalapit kami isinabit ni Evan ng kanang kamay niya sa balikat ko.
"How was your morning?" tanong niya.
"Good, mamaya pupunta ako sa Principal's Office. Kayo?"
"Well, nakuha na namin ang mga schedules namin. Baka iyon ang ibibigay sa iyo." tugon naman ni Regine.
Sa aming magkakaibigan ako lang ang sa Medicine. They are all in Business.
Wala akong hilig sa larangang mga negosyo at dahil may hospital naman kami ginamit ko na common sense ko.
Dalawang taon ang tanda ni Evan at Regine sa akin mas matanda naman ng isang taon si Hank at Frank. Kami naman ni Honey ang pinakabata sa amin.
Parang mga pulang langgam kaming pumasok sa loob ng campus at at nirampa ng kahabaan ng pathway nang makita namin sila Theodore kasama ang girlfriend niya, kapatid niya at 2 pang sidekick ni Super Blind-man.
Sinalubong nila kami at nakasuot ng plastik na ngiti ang girlfriend nito, tulad ng ahas na naka-pulupot siya sa braso ng lalaki.
"What a coincidence, we met again, anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Honey sa kanila na nakapamewang.
"Siguro naglalakad-lakad lang, sa kabilang university kasi yung papasukan namin eh." pilosopong tugon ng isang sidekick na kasama nila.
"Hey, huwag ka ngang makialam, hindi ikaw tinatanong. Kaya better know your place, kahit kasama mo sila wala ka paring karapatang sumagot." Pangangaral ni Regine.
Dinampian ni Theodore ng malamig niyang kamay ang balikat ng lalaki na mas mataas pa sa ulo niya.
"Dito kami nag-aaral at kayo rin diba? Matagal na pala tayong schoolmates." Maayos na sagot ni Theodore.
"Ganoon ba? Sorry ha? Wala kasi kaming oras para paglaanan kayo ng atensiyon." sumbat ni Regine, ako naman ang pumigil sa kanya.
"Siguro naman malinaw na sa iyo na malabong may mabuong pagkakaunawaan sa pagitan natin, we should take our own paths, a parallel one, without any intersections." saad ko at hinila sila upang lagpasan ang grupo nila Theodore nang...
"Aishlou wait lang."
Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "What?"
"Seryoso ako sa plano nila Mama at Papa, I want to help them, I need to at kailangan kita. Ikaw lang ang solusyon dito. Please, sorry sa pakikitungo nila kanina."
Narito nanaman siya, nakikiusap in a sincere and serious voice. Kahit boses lang niya kaya nang mapaniwala ang mga tao.
"If you want me to help you, don't get in our way."
BINABASA MO ANG
You're The One
Romance✓COMPLETED✓ A love story that begins with an unexpected incident, And last with an unexpected accident. • • • • • Si Aishlou Abel ay magbabakasyon lang sana sa isang resort kasama ang mga kaibigan niya nang mangyari ang hindi to pretend until they...