Nakangiti ang magkapatid habang pinagmamasdan ang mga litratong maayos na naka-sabit sa puting dingding ng tahanan.
“Mama sino po yung lalake na nasa litrato? Bakit po kamukha niyo?” tanong ng panganay na anak ni Lycah habang tinuturo ang litrato ng isang lalaking nakangiti at halata ng tuwa sa mga mata.
“That's because he's your Tito Theodore, kapatid ko siya at talagang magkamukha kami,” Nakangiting sagot ni Lycah sa anak niya.
“Sino naman po yung babae na kasama ni Tito?”
“Siya ba? She's your Tita Aishlou. Maganda siya diba?”
“Yeah, she looks so nice!” banggit ng bunso niya at umupong nakatitig sa litrato ng dalawa.
“Mama, where are they now? Hindi ko pa po sila nakikita. Sa kanila ba tayo pupunta?” Pagsisiyasat ng bunsong anak ni Lycah.
Napangiti na lamang si Lycah habang inaalala ang Kuya niya, “Oo,” sagot niya, “ganito nalang, bago natin sila bisitahin, gusto niyo bang magkwento muna si Mama?”
Masayang tumango ang magkapatid at umupo sa malambot at kulay uling na sofa.
“Sheo! Come here!” tawag ng bunso sa kanilang alaga.
Abot tenga ang ngiting ibinungad ng aso matapos marinig ang kanyang pangalan.
Pinagmasdan ni Lycah ang mga anak at tila mga magagaling na mag-aaral ang dalawa at sa kanya lang makatulong ang atensyon nila.
“Once upon a time...”
BINABASA MO ANG
You're The One
Romance✓COMPLETED✓ A love story that begins with an unexpected incident, And last with an unexpected accident. • • • • • Si Aishlou Abel ay magbabakasyon lang sana sa isang resort kasama ang mga kaibigan niya nang mangyari ang hindi to pretend until they...