Chapter 2

73 33 7
                                    

Gab's POV

kanina ko pa tinitingnan si thalia,
yung babaeng nakausap ko kanina sa may balcony

Daddy niya pala yung may birthday ngayon. Nakangiti yung Papa niya at yung.. Mama niya ba yon? Hindi niya masyado kamukha eh pero kamuka niya yung Papa niya, siguro dun siya nagmana pati yung kapatid niya medyo hindi niya rin kamukha.

Tinitingnan ko talaga siya hanggang sa makaupo siya sa table, ang cute niya rin eh noh
Napangiti ako ng makita siyang nag iisa at halatang na bobored na parang bata

Napatingin siya sa gawi ko kaya napaiwas ako ng tingin tae yan!
Napapansin kong nakatingin parin siya kaya tiningnan ko siya pabalik at tinaasan ng kilay para tanungin kung ano bang problema niya at kanina niya pa ko tinitingnan, baka mamaya isipin kong crush niya ko

Nang tingnan ko ulit siya ay wala na siya sa table, nag teteleport ba siya? O baka naman multo siya?
Ang ganda niya namang multo kung ganon..

Gusto ko siyang asarin kaso mukhang ang sungit niya, baka mamaya sipain niya nalang ako bigla.
Mga kaibigan ko kasing babae kung aasarin ko aasarin din ako pabalik

Nakita kong papalapit yung pinsan ko, nakangisi pa ang kupal

"nyare sayo?" tanong ko sakanya at nagets niya naman

"ha?" sagot niya. Kahit narinig niya naman ang sinabi ko

"hakdog"

"ko malaki"

"kadiri ka" sabi ko sakanya at
tinawanan lang ako

binalik ko ang tingin ko kay thalia na bumalik na sa lamesa kung saan siya nakaupo kanina

"crush mo?" napalingon agad ako kay carlo na tumatawa parin

"hindi noh, gago ka talaga"
binatukan ko siya
"ayoko sa mayaman, baka mamaya bigla nalang akong bigyan ng isang million ng magulang niya para lang lumayo sa anak nila" pag dedepensa ko

"crush lang naman eh, para namang aasawahin mo agad"
Sagot niya at tinawanan ako

Oo maganda siya pero ayokong magustuhan yung isang babae dahil lang sa ganda, gusto ko yung makilala ko muna at makilala niya rin ako

"uy! Thalia!" nag panic ako ng tawagin ni carlo si thalia at naglalakad na siya papalapit samin ngayon, shit! Hindi ko alam kung bat ako kinakabahan. Magkakilala ba sila?

"hi!" nakangiti pa ang kupal
Kinakabahan ako lalo eh

"uhm.. H-hello?" sagot niya kay carlo

gusto kong matawa dahil mukhang hindi naman sila close ni thalia, kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang tawa ko. Ang feeling nitong pinsan ko

"ito nga pala si Gab, pinsan ko"

Nawala yung kapal ng mukha ko kanina dahil magkaharap na kami ngayon at hindi ko alam ang gagawin.

"hi.. Uhm i-im sorry about earlier, i think i was a bit rude? by the way, I'm thalia" akala ko makikipag shake hands siya pero nagpakilala lang siya, ang cute niya tingnan

"ah, hello" tipid kong sagot

Nawala yung ngiti niya labi hahaha parang na disappoint siya dahil ang tipid ng sagot ko

"ateee!!"

"oh, bella" lumapit samin yung kapatid niya "i'm going home na,
i'm tired. Sumabay kana lang kila Dad"  lumuhod pa siya para maging pantay silang dalawa.

Adventure Of A Lifetime Where stories live. Discover now