Chapter 8

32 20 5
                                    

Gabriel's POV

Friday ngayon at maaga akong nagising para mag aral dahil nalalapit na ang 2nd sem at nalalapit na rin ang exam. Pagkatapos kong mag aral ay naligo na ko at nagbihis, tinatamad ako mag ayos kaya nag white t-shirt lang ako at pants, kinuha ko na nag bag ko at lumabas na ng kwarto

Tulog pa si ate at mamaya pa siguro ang pasok niya kaya nauna na ako,
umuwi rin lang kagabi si Carlo sa bahay nila, wala tuloy akong kasabay ngayon. Badtrip naman

Pagbaba ko sa jeep ay nakita ko agad si trina na kakababa lang din kaya tinawag ko siya para sabay na kaming pumasok

"aga mo ah" sabi niya agad nang makalapit ako

Tinawanan ko lang siya at naglakad na kami papasok. Marami nang tao ng makarating kami sa room at maya maya lamang ay dumating na ang Prof namin at nag simula na ang klase.

Lunch time na kaya naglabasan na kami para kumain, si Carlo at Daisy ang nag order kaya naiwan kami ni tatlo dito sa table. ako, si trina, at tatin.

"thalia's here" bulong sakin ni trina
at tinuro si thalia na may kausap na lalaki

Todo kwento yung lalaki at tawa ng tawa naman si thalia, psh di sila bagay

Bakit ba ako naiinis?

Dapat wala akong pakialam eh

Dumating na sila Daisy dala ang order namin, nawalan tuloy ako ng gana dahil sa nakita ko.

Pagkatapos naming kumain lumabas na agad kami ng canteen. Nang madaanan namin ang table nila thalia, ngumiti siya sakin pero inirapan ko siya kaya gulat na gulat siya sa ginawa ko

Nakangisi akong pumasok sa loob ng room namin, naaalala ko palang ang asar na asar na mukha ni thalia gusto ko nang matawa

ThaliaMargarette: HEY WHAT THE FUCK

ThaliaMargarette: IS YOUR PROBLEM

ThaliaMargarette:  BAKIT ANG ARTE MO NGAYON HA?!

ThaliaMargarette: SASAPAKIN TALAGA KITA PAG NAKITA KITA!

Hindi ko napigilan yung tawa ko ng mabasa ko yung sunod sunod na message ni thalia, mabuti nalang kami kami palang yung tao dito sa room dahil baka mapagkamalan pa kong baliw dito

GabSalvador: galit na galit?

ThaliaMargarette: ewan ko sayo!

GabSalvador: tangina naririnig ko boses mo hahahaha

ThaliaMargarette: nababaliw kana ata

GabSalvador: nababaliw na ata sayo



Inantay ko pa ang sagot niya pero di na nagreply amp, naku naman
yun pa nga lang kinikilig na siya

"tangina pre tinamaan kana nga" sigaw ni Carlo sakin at binatukan ako

Para na nga akong tanga na nakangiti habang hawak hawak ang cellphone.







Thalia's POV

Tapos na ang klase ko kaya dumiretso na ko sa gym para sa training.
Nandun na ang lahat pag karating ko so i guess ako nalang ata ang hinihintay, dali dali akong nag bihis sa CR para makapagsimula na kami.

8 pm na nang matapos ang training. hindi naman na bago sakin yun, minsan nga 10 pm na kami natatapos

I texted Mang Ben to pick me up sa parking at after one hour dumating na  rin siya

Adventure Of A Lifetime Where stories live. Discover now