Chapter 32

3 1 0
                                    

CHAPTER 32





GABRIEL'S POV




Kakatapos lang ng school year at sabi ko ay ayokong handaan dahil hindi pa naman graduation pero napakulit ng pamilya ko at ng girlfriend ko.

Girlfriend ko...


Napangiti ako. Parang panaginip pa rin ang lahat. Girlfriend ko na ngayon si thalia at pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Yung babaeng pinapangarap ko noon, girlfriend ko na ngayon. Maraming nangyare at maraming pwedeng mangyare pero hindi ko isusuko 'to. Mahal na mahal ko si thalia.

Kinabuksan, maaga akong nagising para sa date namin ni thalia. Sobrang naging busy ko nung nakaraan at medyo nawalan ako ng oras sakanya pero babawi ako ngayon. Naligo ako at nagbihis. Suot ko ang red t-shirt ko at black shorts, nag sapatos ako at kinuha ang susi ng kotse para umalis na. Tinext ko si thalia nang makarating ako sa kanila. Naabutan kong paalis na ang Daddy niya, hindi naman niya napapansin kahit madalas kong naabutan silang paalis at nakapark naman ang kotse ko sa may bahay nila. Medyo natatakot ako sa Daddy niya dahil malaki ang respeto ko sakanya. Lagi kong inaaya na lumabas si thalia kapag may oras kami pareho dahil alam kong ayaw na ayaw niyang nasa bahay lagi, ayaw ko rin na lagi siyang mag-isa dahil madalas siyang inaatake ng anxiety niya kapag mag-isa at nasa bahay. Nangako ako sa sarili ko na hinding hindi ko sasaktan si thalia dahil alam ko ang pinagdaanan niya.

"hi love" bati niya

Automatic na napangiti ako, napakagandang babae ang nasa harapan ko.

"hi love, ang ganda mo"


Napanguso siya "Bolero"

Halos isang oras kami bago makarating sa mall dahil sa sobrang traffic. Napagdesisyonan naming kumain muna dahil mamaya pa naman yung movie na papanoorin namin at nagugutom na rin daw ang prinsesa ko.


"what do you want, love?"
Tanong niya habang nakatingin sa menu sa taas

"ikaw" bulong ko

Narinig ako nang matanda na katabi namin at natawa sila, si Thalia naman ay nagblush dahil sa sinabi ko at hinampas ako ng mahina.


Umupo kami sa may table na nasa may pintuan. Kung noon ay mas gusto niyang umupo sa dulo dahil mas tago at wala masyadong tao, ngayon gusto kong maranasan niya ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa, hindi niya na kailangang matakot dahil nandito na ako lagi. Parehong chicken barbecue ang order namin dahil pareho namin tong paborito. Ilang minuto pa kaming tumambay sa restaurant at nang malapit nang magsimula ang movie na gusto naming panoorin ay dumiretso na kami sa cinema.


Sobrang ganda ng pelikulang napanood namin kaya naman hanggang makauwi ay panay kwento pa rin siya tungkol don, hindi ko inakalang magiging ganito siya kadaldal. Hinatid ko siya pauwi at umalis din ako agad pagkapasok niya, gabi na nang makarating ako samin at tulog na sila mama kaya nagpahinga na rin ako. Nakakapagod ang araw na ito pero sobrang saya ko na siya ang nakasama ko buong araw.


Kinabukasan, nagising ako sa dahil sa bango ng niluluto ni Mama kaya bumangon na ako at bumaba. Ngayon ang balik ni Papa sa ibang bansa at ihahatid namin siya ngayon sa airport. Sobrang nakakalungkot na aalis na naman siya. Pagkababa ko ay nakita kong nakayakap si ate kay papa at konti na lang ata ay iiyak na siya. Nung magtrabaho si papa sa ibang bansa ay parang ako ang mas naging panganay dahil babae si ate at pareho ko silang dapat protektahan. Ako rin ang inatasan ni Papa noon bago siya
umalis na mag alaga kay Mama at ate dahil mahina ang puso ni Mama at si ate naman ay bawal mag boyfriend hanggat hindi pa siya nagiging ganap na nurse. Pangako niya yun kay Mama at Papa.


Kumain kami ng almusal at tahimik lang kaming lahat. Nalulungkot kaming tatlo dahil maiiwan na naman kami dito, limang taong gulang ako nang umalis si papa para mag trabaho at umuuwi lang siya sa tuwing pinapayagan siya ng amo niya na makapagbakasyon ng matagal. Driver ang trabaho ni Papa sa ibang bansa pero nagawa nilang itaguyod ang pag-aaral naming dalawa kaya naman nag-aaral kami nang mabuti. Naligo kami at nag-ayos para pumuntang Airport. Naabutan namin si thalia sa Airport at nauna na pala siya samin, matagal kaming nakarating dahil sa traffic kaya naman konting oras nalang ang natitira para makapag paalam kami. Madaming habilin si Mama kay Papa na kumain siya sa tamang oras, wag magpapalipas ng gutom at kumain ng marami kahit hindi kasingsarap ng luto niya ang ulam doon at naluluha na si Mama habang sinasabi yon. Marami rin siyang sinabi kay ate para tumigil siya sa pag iyak pero mas lalo lang humagulgol si ate dahil sa mga sinabi ni Papa. Ang pag uwi ni Papa ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay namin pero ito naman ang pinaka mahirap, pinaka masakit, pinaka nakakalungkot.

"Gabriel anak, alagaan mo ang Mama mo, alagaan mo sila ha? proud na proud sayo ang Tatay" niyakap niya ako at pareho naming pinipigilan ang mga luha namin


Bumaling siya kay thalia "Maraming salamat thalia, si Gabriel ang sandigan ng Mama at Ate niya kapag wala ako at ikaw ang nagiging sandigan niya kapag hindi niya na rin kaya, kaya't nagpapasalamat ako sayo" niyakap niya papa at naluluha na rin si thalia dahil sa sinabi ni papa


"Titoooo!!" sabay sabay kaming lumingon kay Carlo na kakarating lang at pawis na pawis sa kakatakbo, umiiyak na rin siya at niyakap niya si Papa. Mas madalas niyang nakakasama si Mama at Papa dahil laging busy si tito at tita kaya naman masakit rin sakanya ang makitang umalis si Papa.

Maraming habilin saming lahat si Papa pero narinig namin ang announcement na kailangan niya nang umalis dahil ilang minuto na lang ay boarding time na. Niyakap niya kaming lahat bago umalis, lumingon pa siya ng isang beses at kumaway samin habang may luhang tumutulo sa mga mata niya. Sa mga panahong ganito ay lagi kong hinihiling na sana ay makatapos na akong mag-aral para kami naman ang magtatrabaho para sa mga magulang namin.

Lumabas na kaming lahat at napagdesisyonan na umuwi na. Sumabay sila Mama kay Carlo at kami naman ni thalia sa sasakyan ko para mag grocery, alam kong gusto na nilang umuwi kaya nag pasya akong kami nalang ang mag grocery ngayon.
Pumasok kami sa sasakyan at nakatitig lang sakin si thalia ngayon, ngumiti ako para hindi siya mag-alala.

"come here" sabi niya at lumapit ako ng konti at lumapit din siya para yakapin ako

"i know that you've been holding it up for too long.... so now, you can cry in my arms" hindi ko napigilan ang luha ko kaya umiiyak ako ngayon habang nakayakap sakanya

"K-kailangan kong maging...matatag"
gumagaral na ang boses ko kakaiyak


"of course you need to, but you can also cry. It's okay to cry when life gets tough, it's okay to cry when you feel like everything is not going well, it's okay to cry when you feel tired of everything. Its okay to cry, love"

"Because I'll be always here, I'll never ever let you face those hard moments alone" dagdag niya








---------------------------------------------------

Thank you so so much : ((
Words can't explain how thankful I am for all of these reads and votes, i love you all <3

Xoxo.


















Adventure Of A Lifetime Where stories live. Discover now