Chapter 16

29 13 3
                                    

Gabriel's POV

Lunch time ngayon kaya nandito kaming lima sa Bonna's, kasama na namin si justin dahil pumunta siya sa room kanina at nag aya na kumain


at dahil siya ang nag aya, siya rin ang mang lilibre.

Dumating na si Carlo at justin dala ang order namin. Nag-order ako ng chicken with rice, fries, iced tea at isang slice ng cake para sa dessert. Nilubos-lubos ko na dahil minsan lang mangyari ang ganitong milagro na manglilibre ang isang Justin Cortado.

"Diet ako pero minsan lang manlibre si tatin kaya kakain ako ng marami" sabi ni daisy

"share mo lang?" sagot sakanya ni Carlo


"Oo, share ko lang bat ba" 


Tinawanan lang namin sila dahil walang araw na hindi sila nagbabangayan. Magka-edad silang dalawa kaya minsan ay magkasundo tapos minsan naman magkaaway.

"uy tatin ayun si Emily oh!" turo ni trina sa grupo ng mga archi students at nakita nga namin na kasama nila si Emily

umiling lang si tatin.


"ay, LQ?" pang-aasar ko


tumawa siya.

"ayan! dyan ka magaling! naaalala mo lang kami kapag hindi kayo bati ng volleyball player mo! pareho kayo ni Gabriel!" pag-aarte ni trina

.
"oh? bat nasali na naman ako" komento ko

"Ang drama mo, kaya wala kang jowa eh" sagot ni tatin kay trina at hindi ko napigilan ang tawa ko kaya tiningnan niya kami ng masama


"Ouch ha!" sagot niya at inirapan kami

"Alam niyo, iinom nalang natin yan!"
suhestiyon ng masamang impluwensiya kong pinsan

binatukan ni trina si Carlo, inom na naman ang puta

"Inom na naman, maawa ka nga sa
atay mo Jian Carlo"

"maawa rin kayo sa ulo ko! lagi niyo nalang akong binabatukan ha! pag ako hindi naging abogado dahil sa kakabatok niyo sakin sasakalin ko talaga kayong apat!"

Tumatanda ata ng paurong ang mga kaibigan kong 'to dahil para silang mga bata ngayon, bangayan ng bangayan. 




Inuubos ko na yung cake na inorder ko at hindi ko alam kung bakit kahit kumakain ay hindi maalis ang ngiti ko.
Siguro ay dahil matamis yung cake o kaya dahil magkikita kami ni Thalia mamaya.


Mag-didinner lang naman kami, bigla nalang din yun pumasok sa isip ko kanina dahil nakita kong parang wala siya sa mood ngayong araw.

Iniisip ko kung sa restaurant kami kakain o ipagluluto ko nalang siya, mukhang gusto naman niya yung mga luto ko eh.


At yun nga ang nangyari, pagkatapos ng klase ko ay umuwi agad ako para magluto at pumunta ako sa dati naming bahay kung saan ko dinala si Thalia nung birthday ni Ate. Sobrang ganda kasi ng view dito. 

Pagkatapos kong ihanda ang mga gamit don, pumunta na ko sa school para sunduin si Thalia. Alas-syete na at siguro ay tapos na rin naman ang training nila.

Pumunta ako sa gym at nakita kong nasa labas na yung iba niyang ka-team, lumapit ako kay Denise dahil siya lang yung kilala ko dito.

"Uy Den! si thalia?" tanong ko

Adventure Of A Lifetime Where stories live. Discover now