03

5 1 0
                                    

Chapter Three

"Kailan pa po? Nasaan po kayo ngayon? Are you still in the hospital, Tito?" Nanginginig ang boses ko habang nagtatanong.

Tinawagan ko kaagad si Tito matapos kong mabasa ang text niya tungkol kay Sean.

And I still can't believe it.

"It's the first day of her burial. Kung hindi ka makakapunta, ayos lang. I know you have things to do." Malungkot na sabi niya.

"No, no. I'm going there, paki-send na lang po sa akin kung nasaan ho nakaburol si Sean para makapunta ako." I said then I hung up.

Nagmadali na akong nagbihis at umalis sa resort, hindi na nakapagpaalam pa doon sa caretaker.

Habang nagda-drive pauwi ng Rizal, para akong lumulutang.

Nawawala ako sa sarili, my mind can't function properly.

Gulat, lungkot, at inis sa sarili ang sabay-sabay kong nararamdaman.

Kaya pala nagpa-flashback ng paulit-ulit sa utak ko ang araw na 'yun, 'yun na kasi pala ang huling beses ko siyang makikita.

Nakaka-badtrip.

Ni hindi ko man lang siya nakausap nung gising pa siya.

At alam kong nag-aalala siya sa akin nung mga panahong wala ako sa tabi niya dahil lagi niya akong tinatawagan.

Napakawalang-kwenta ko namang kaibigan.

Mabilis muna akong dumaan sa bahay para kausapin si Reese, she deserves to know what happened to Sean.

"Kuya?!" She exclaimed as she saw me.

"Bakit ang aga mong dumating? Wait, bakit namumula ang mga mata mo, Kuya?" Napansin niya kaagad ang mga mata ko.

Nakita kong papalapit sa amin si Kuya Phil, siguro ay para kumustahin din ako pero sinenyasan ko muna siyang iwan kami ni Reese.

Hindi ko alam kung alam na niya ang nangyari kay Sean nang tumawag si Tito sa kanila pero nakita ko si Kuya Phil na malungkot na ngumiti bago tumalikod.

"What happened? Hindi ka ba nakakatulog sa resort, Kuya? Are you okay?"

"Reese... " Hindi ko na mapigilan na yakapin siya.

I want to release what I'm feeling right now.

"Kuya, what's wrong?" She asked.

"Si Sean... " I trailed off dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya.

She's really close with Sean, she actually treats her as her true sister. And I couldn't just say it to her dahil paniguradong masasaktan siya.

"Come on, Kuya. Tell me. If that would hurt my feelings, it's fine. You can't avoid to do that if it's really a sad thing, you know?"

She's right, I'm just delaying the inevitable.

"Sean's gone Reese."

"Umalis siya?" She innocently asked.

"She past away,"

"Oh my God." She blurted.

"Noong sinabi ko sa'yong madami lang siyang ginagawa, she really has a brainy tumor." I smiled sadly.

"Hindi ko na nasabi pa sa kaniya kasi baka lumala 'yung sakit niya kapag inalala pa niya ako."

She sighed, "So you're carrying all these things on your own? You can tell me naman."

"Come on, change your clothes. Let's go see Ate Sean, okay? I miss her."

Tumango ako at sumunod na sa sinabi niya.

Nang matapos naman ay bumaba na ako at si Kuya Phil na ang nag-drive sa amin papunta doon dahil wala daw kami pareho ni Reese sa sarili.

Wala na akong nagawa dahil totoo naman ang sinabi niya.

Nagulat ako nang pagdating namin doon ay si Tito lang ang naabutan namin.

Sa pagkakaalam ko ay marami din naman silang magkakamag-anak kaya bakit siya lang ang nandito?

At nasaan din si Nyx pati na 'yung mga kaibigan niya?

"Tito," I called.

"Triton," Bati naman niya.

"I'm sorry kung naistorbo ko pa ang pagbabakasyon mo, gusto ko lang talagang malaman mo ang nangyari sa kaniya."

"It's okay, kaya ko namang isantabi ang lahat para kay Sean." I smiled.

Ngumiti rin siya at naupo na, si Reese naman ay hinayaan munang ako ang unang makapalit kay Sean.

As I saw her, all could I ever say is that she looked peaceful.

Pero mas gugustuhin ko naman na makita siyang laging makulit basta buhay siya.

"Ang daya mo naman," Panimula ko.

"Sabi ko sa'yo 'wag mo akong iiwan, tapos ngayon nand'yan ka? Napakadaya mo talaga, e." Pinipigilan kong umiyak kaya pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko habang nagsasalita.

"Dapat magpapagaling ka pa, e. Kukulitin mo pa ako kung bakit missing in action ako noong nagti-treatment ka.

"Dapat iinggitin mo pa ako kasi may love life ka na, habang ako wala." Mat tumakas na butil ng luha sa mga mata ko kahit anong pigil ko.

"Ito na naman ako, magso-sorry sa'yo. Sorry ulit, ah? Sorry... sorry... sorry..."

Naramdaman kong may lumapit na sa akin kaya napalingon ako at nakitang hinihimas ni Reese ang likuran ko.

"Tara na, Kuya. Upo ka muna. Alam mo naman na nalulungkot si Ate Sean kapag may nakikitang umiiyak, 'di ba?"

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko bago ako iupo ni Reese sa tabi ni Tito.

"Nasaan ho sila Nyx?" Tanong ko makalipas ang ilang minuto.

"Hindi ko pa siya nakikita simula kagabi. Kaninang umaga naman ay dumaan ang mga kaibigan niya, sinabing hindi pa daw natatanggap ni Nyx ang pagkawala ni Sean." He explained.

"Kailan at bakit po siya namatay? Sabi noong kaibigan niya ay successful naman ang operation."

"Yes successful ang operation, but the death certificate shows that it's because of drug overdose, sedatives. Kagabi lang siya namatay."

Sedatives?

Hindi ba ang sabi nung kaibigan niya ay magte-take siya ng ganon noong isang linggo?

"Sinong doktor ang nagrekomenda na turukan siya ng sedatives?" I asked

"It was Nyx, dahil siya rin naman ang nag-opera sa kaniya." He simply said.

Para akong nabingi sa narinig.

Hindi ko alam na si Nyx pala ang nag-opera sa kaniya kaya naman nagulat ako, pero mas nagulat ako sa unang sinabi ni Tito.

Si Nyx ang nagrekomenda na turukan si Sean ng sedatives?

Natulala ako sa harapan kung saan makikita ko si Reese na kinakausap si Sean.

Biglang nagsulputan ang mga paghihinala sa utak ko.

Kaya ba siya wala dito? Dahil nakokonsensya siya?

Siya nga ba ang dahilan kung bakit wala na si Sean?

Underneath These Memories Where stories live. Discover now