04

4 1 0
                                    

Chapter Four

Weeks pass by at nailibing na si Sean, nalaman ko din na hindi pala talaga si Nyx ang may kasalanan kundi 'yung baliw niyang ex.

Nasuntok ko pa tuloy si Nyx ng wala sa oras, nakakahiya ako.

Kung buhay lang siguro si Sean, inupakan na ako no'n dahil sinapak ko si Nyx.

Ito na naman ako, naiisip na naman siya na tipong hanggang sa panaginip, nandodoon siya.

But I really miss her.

Everything about her. Her laugh, her smiles, her sobs, her screams, everything.

Pero wala na akong magagawa pa, nangyari na ang dapat mangyari.

Siguro sasabihin niya na may dahilan ang lahat ng ito kung bakit, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip.

"Sir Triton?" Narinig kong kumakatok si Kuya Phil kaya agad ko namang pinagbuksan.

"Bakit Kuya?"

"May naghahanap po sa inyo sa baba, abogado daw ho ng mga Cuerva."

Parang nagpanting ang tenga ko sa narinig, ano na namang kailangan nila?

Matapos patayin ng isa nilang baliw na kamag-anak ang kaibigan ko, ang lakas naman ng loob nilang pumunta dito?

Bumaba na ako at nakitang nakaupo ang sinasabi ni Kuya Phil na abogado.

"Sinong may sabi sa'yong maupo ka?" Tanong ko kaagad sa kaniya.

"Ah, good morning--"

"Walang maganda sa umaga lalo na kapag kaharap ko ang sinumang malapit sa mga Cuerva." Sarkastiko kong panunupalpal.

Huminga siya ng malalim at ngumiti, "I'm Atty. Frederico de Lumiere at naparito ako para sabihin sa inyo ang ilang mga bagay-bagay tungkol sa kumpanya ng pamilya niyo."

"I don't want to be rude, attorney. But please get out of our house."

"Your house? Sa pagkakaalam ko ay hindi niyo na pag-aari ang bahay na ito, Mr. Calidez." Ngisi niya.

"Anong pinagsasabi mo? Sa amin nakatitulo ang bahay at lupang kinatatayuan mo ngayon kaya kung pwede, umalis ka na habang nakakapagtimpi pa ako."

"Ito ang mga papeles, kasama na ang titulo ng bahay at lupang kinatatayuan ko ngayon pati ang kumpanya niyong wine and distillery na nagsasabing sa mga Cuerva na ang lahat ng iyon."

Hindi ko alam kung nasisiraan na ba ng bait ang abogadong 'to, pero paano mapupunta sa mga Cuerva ang properties namin.

"Nahihibang ka na." I said.

"Nahihibang nga ba? Bakit hindi mo basahin ang mga papeles na dala-dala ko para malaman natin kung ano ang totoo." Ngisi niya ulit at sa totoo lang, gusto ko na siyang sapakin.

Kaso nakasalamin siya, baka makasuhan pa ako ng two counts of physical injury o frustrated murder, mahirap na.

Kaya wala sa loob kong hinablot sa kaniya ang mga papeles at binasa ito.

Habang binabasa ay mas lalo akong nagtaka dahil pakiramdam ko ay may katotohanan lahat ng sinasabi niya.

Pero paano?

"Naniniwala ka na ba, Mr. Calidez?" Tanong niya.

"Kung gusto mong ipaberipika ang mga dokumento, pwede mo pang ipagtanong sa mga eksperto kung tama at 'yan nga ang pirma ng mga magulang mo."

"Dadalhin ko 'to sa korte."

"Nakikipag-usap kami ng maayos dito,  hindi nga namin kayo hina-harass, bakit parang kami pa ang may kasalanan?" Nagulat ako nang biglang pumasok si Fortunato Cuerva.

"At isa pa, baka nakakalimutan mong wala na kayong kayamanan, hijo?" Tawa niya.

Napakademonyo talaga.

"May pera pa kami sa kani-kaniyang mga bangko, kaya ko kayong harapin." Matapang na sagot ko.

"But how about your little sister, as I know may sakit siya. Are you that selfish to ignore her? Paano kung maubos ang pera niyo sa bangko? Paano mo pa siya maipapagamot? Magsasayang lang pati kayo ng pera."

Nang banggitin niya si Reese, saka ko nareyalisang talo talaga kami.

"Ang mga dokumentong ito ay sapat na para paburan kami ng husgado, kaya paano kayo mananalo?" Tawa niya ulit.

"Nandito lang kami para sabihin sa inyo dahil lahat ng 'yan ay nakaayos na. Kayo na lang ang kailangang umalis."

Lahat nakuha na nila? Pero bakit hindi sinabi sa amin ng acting CEO? At isa pa, bakit naman ibibigay sa kanila nila Mom ang kumpanyang ipinundar ng pamilya namin?

"Paano? Bakit hindi man lang sinabi sa amin ni Mr. Ildefonso?" I asked, pertaining to the acting CEO.

"At bakit naman niya sasabihin sa inyo? Paano niya sasabihin na iba na ang mamamahala sa kumpanya? Labas siya sa trabahong 'yun."

"Hindi totoo ang mga 'yan! Imposibleng ipaubaya nila Mom ang lahat sa inyo!"

"Ang nanay mo, maaaring hindi. Pero ang tatay mo? Handang isugal ang lahat para maisalba ang papalugi niyong kumpanya."

Natigilan ako.

Nalulugi na ang kumpanya? At wala man lang silang sinabi sa akin?

Ni hindi man lang ako nakatulong para maisalba 'yun?

"Paano?" Tanong ko.

"Anong paano, hijo?"

"Papaanong nalugi ang kumpanya? At mas lalong paano sa inyo ito mapupunta, kasama ng ari-arian namin?!"

Ngumisi muna siya bago sumagot, "Hindi na mabenta ang mga alak niyo, wala nang may gustong bumili pa nito dahil unang-una, masyadong mahal at hindi sulit sa ibabayad.

"At dahil ang tatay mo ay masyado nang desperado para maisalba ito kahit papaano, nag-casino.

"Itinaya lahat ng mayroon kayo at kung siya naman ang mananalo ay popondohan ko ang naluluging kumpanya niyo."

Ginawa 'yun ni Dad?

Nakakabobo.

"Halika na attorney, umalis na tayo dito." Biglang sabi ni Fortunato.

Pero iilang hakbang pa lang ang nagagawa niya ay napatigil siya, "Siya nga pala, binibigyan ko lang kayo ng isang araw, mula bukas, para makaalis sa bahay na ito."

Bukas? Bakit bukas kaagad?

"Hindi mo man lang ba naisip na mahihirapan kaming gawin kung anong gusto niyo?" Tanong ko.

Hinarap niya ako at ngumisi, "Hindi pa ba sapat ang mahigit limang buwan na ibinigay kong pakunswelo?"

"Kung naririto pa rin kayo pagdating ng makalawa, wala kaming magagawa kundi palayasin kayo kasama ng mga gamit na naririto." Huling sabi niya bago umalis.

Hindi ko na alam kung anong gagawin.

Paano ako makakahanap ng lilipatan bukas na bukas?

Paano ko matutustusan ang pagpapagamot ni Reese?

Nang makita ko ang iilang maids na patuloy pa rin sa paggawa ng gawaing bahay, nagtaka ako.

"Kuya Phil, bakit parang hindi man lang naapektuhan ang mga maids?"

Bumuntong-hininga siya, "Nagtaka rin ako noong una dahil makalipas ang limang buwan mula ng mamatay ang mga magulang niyo ay hindi pa sila sumusweldo.

"Pero ni isa ay walang nagreklamo.

"Hanggang sa nalaman-laman ko na lang mula sa isa sa kanila na may nagpapasweldo naman sa kanila, pero ang sabi daw ay galing sa susunod nilang amo."

Ang tanga ko.

Ang tanga-tanga ko.

Ibig sabihin planado nila ang lahat? Pero wala man lang akong nahalata?

xxx

♡: Sorry kung mabilis 'yung mga pangyayari. I just fast forward to things na magpi-play ng important role sa buhay ni Triton at syempre sa sarili niyang story. ♡

Underneath These Memories Where stories live. Discover now