Chapter Six
Nang pinag-impake ko si Reese kahapon ng mga damit niya, hindi siya kumibo, sa halip ay sumunod lang.
Pero pansin ko din na kahapon pa siya walang kibo at sasagot lang kapag tinatanong.
It's really unusual.
Tinanong ko naman siya kung may masama ba sa pakiramdam niya pero ang sabi niya ay wala.
Masiyahin naman siyang tao kaya talagang nakakapanibago.
Hindi ko pa tuloy nasasabi sa kaniya ang tungkol doon sa iniaalok sa akin ni Don Renato.
Hindi siya umiimik kaya hindi ko alam kung galit, malungkot, o kung anong nararamdaman niya kaya hindi ko din alam kung paano siya kakausapin.
Badtrip, ako 'tong mas matanda pero takot sa batang kapatid.
Nakita ko siyang nakaupo sa pool at nakatingala sa langit.
"Reese," I called.
Lumingon naman siya at matipid akong nginitian.
"Mag-isa ka na naman dito?" Tanong ko at umupo na din sa tabi niya.
"I'm fine, Kuya." Ngumiti siya.
Bumuntong-hininga ako at nanahimik na lang.
Paano ko naman kasi siya kakausapin kung ayaw niyang makipag-usap?
"Kuya, saan tayo titira kung aalis tayo dito?" Biglang niyang tanong kaya napalingon naman ako.
Hindi ko pa din nasasabi sa kaniya kung anong tunay na problema kaya nagulat ako.
"Kuya Phil told me about our situation, that we only have this day and then lilipat na tayo bukas, pero saan tayo lilipat?" She teared up.
Inakbayan ko siya, "I got an offer, trabaho saka bahay ang ipo-provide ng nagha-hire." Ngiti ko.
"Ano? Sino namang magbibigay ng gano'ng offer?" Kumunot ang noo niya.
"Basta, I just have to be the marketing manager of their company."
Lalong kumunot ang noo niya, "Is that legal?"
Nagulat naman ako, anong akala naman niya papasok ako sa illegal na kumpanya?
E 'di damay pa ako kapag nagkahulihan.
"I checked the background and whereabouts of the company and its legal. Actually, it's one of the most promising company in hotels and bars." I explained.
"Pero ano 'yung tungkol sa sinasabi mong bahay na lilipatan natin na ipo-provide nila? Don't tell me we're moving into a penthouse in one of their hotels?" She asked.
"Wala kang kasama kung sa penthouse tayo titira." Sabi ko.
"Yeah, you're right. Pero saan nga?"
"Sa mansiyon daw nila." Sabi ko.
Natigilan siya, "What? Anong mansion?"
"It seems like that man who offered me a job is the owner of the company and they have a mansion." Paliwanag ko.
"Oh my God, hindi ako makapaniwala." Napatingin siya sa tubig.
"Kung hindi ka naman kumportable, 'wag na lang. Hahanap na lang ako ng ibang trabaho."
Napatingin siya sa akin, "Ano? Bakit ka pa hahanap ng ibang trabaho if someone offered you? Pwede naman na sa iba na lang tayo tumira, right? Nakakahiya kasi sa kanila."
"He didn't negotiate with me that way. Kung hindi tayo titira sa mansiyon nila, wala ring trabaho para sa akin."
Napatahimik kaming dalawa matapos noon.
Bakit ba kasi ganoon ang gustong mangyari ni Don Renato? Gaano ba kahirap na ihatid ng ibang driver 'yung apo niya?
"What's the catch?" Tanong niya.
"Ha?"
"Imposible namang ang laki ng ibibigay niyang opurtunidad sa atin tapos marketing manager lang ang trabaho mo, Kuya."
Napabuntong-hininga ako, "They want to be some sort of marketing manager slash driver slash tagabantay ng apo niya."
"Babysitter ang labas mo?"
Umiling ako, "I'm not babysitting a baby, I'm adultsitting, something like that I guess."
"Kung ayos lang sa'yo, ayos na din sa'kin. Sino ba naman ako para tumanggi, right?" She smiled.
"We could move out if we're financially stable already, it's only for the meantime." Ngiti ko pabalik.
Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang number na ibinigay sa akin ni Don Renato.
"Hello?" I heard him said.
"Hello, Don Renato Frias." I greeted.
"Ikaw pala 'yan," I heard him chuckle.
"Tinatanggap mo na ba ang inaalok ko, hijo?" He asked.
"Yes,"
"Kailan niyo balak lumipat?"
Napaisip ako, "Maybe later? Kung ayos lang naman sa inyo."
"Mmm, it's fine. You could go here right now if you want to." He replied.
"We're already there on 8 P.M." Huling sabi ko bago ibaba ang tawag.
Nilingon ko si Reese at nakita ko siyang nakatingin sa akin.
"Siya ba 'yung nag-offer sa'yo?" Tanong niya at tumango ako.
"Kapag dating natin doon, I would really thank him. He's a life saver." She smiled.
Tama naman siya, kung hindi niya ako nilapitan kagabi sa coffee shop ay malamang hanggang ngayon ay aligaga pa din ako sa paghahanap ng malilipatan at trabaho.
Pero nakakapagtakang nilapitan niya ako kagabi.
Ganoon ba talaga kaproblemado ang itsura ko?
"You know I'm wondering," I heard Reese said.
"Bakit kaya ganoon na lang ang nangyayari sa buhay natin?
"We lost everything we had. Family, friend, money, our house, everything." She smiled.
"But I'm thankful for the Lord that he still didn't left us hanging, kasi may nagbigay ng magandang opurtunidad sa atin.
"And that's what giving me courage to keep on fighting, especially with my condition."
Natigilan ako.
Kung ako ngang walang sakit ay hirap na hirap na sa sitwasyon namin, mas lalo na siguro siya.
At ang lakas ng loob niyang patuloy na harapin ang buhay sa kabila ng lahat ng nangyayari.
I'm really blessed to have her.
Siya na lang pati ang natitira sa akin kaya gagawin ko ang lahat para mabawasan man lang ang mga paghihirap niya.
"I'm sorry if I'm not good enough brother to you, Reese." Malungkot na sabi ko.
"Kung nalaman ko lang kaagad kung anong nangyayari sa kumpanya at hindi itinuloy ang kagustuhan kong maging artist, e 'di hindi na sana nangyari pa ang mga ito."
"You're a great big bro, Kuya. Hindi mo naman kasalanan na ginawa mo ang gusto mong gawin, hindi mo din naman alam na mangyayari ang lahat ng ito.
"But I hope that things will get better after this." She smiled.
Sana nga.
Sa dami ng kamalasang nangyari sa buhay namin nitong mga nakaraang buwan, sana naman ay maging masaya na ulit kami.
Na sana simula ngayon, sa paglipat namin at pagsisimula ng bagong buhay, maging maayos na ang lahat.
YOU ARE READING
Underneath These Memories
Genç KurguMemories makes all of us up. It helps us to grow and learn from the most of it, and cherish all the happy ones. But will you be the same if some of them fade away? -Between Those Pages Spin-Off Story ©to the rightful owner of the photo.