Chapter Ten
"Bar," maikling sabi ni Yuan pagkapasok ng sasakyan.
Tumango naman ako at sinunod nalang kung saan niya gustong pumunta.
Lagi namang ganito, pagkatapos sa opisina ay pupunta kaming bar at magpupumarty siya doon.
Nung una ay pinigilan ko siya dahil ang sabi ko ay malalagot ako sa lolo niya pero hindi siya pumayag.
Kung ayaw ko daw na ihatid siya doon ay siya na lang ang pupunta mag-isa.
Alam din naman daw ng lolo niya kung anong ginagawa niya gabi-gabi kaya ayos na daw 'yun, kung papagalitan man daw ako ay siya na ang bahala.
Naging mabait naman siya sa akin kapag nagmi-meeting o nagpi-present ako sa kaniya ng mga proposals at hindi ako sinasabon kaya hinayaan ko na lang din.
Buhay naman niya 'yan, anong karapatan kong makialam kung driver lang naman niya ako?
Pero nakakapagtaka na kung anong kinaistrikta at kinaseryoso niya kapag nasa opisina ay para naman siyang babaeng nakawala kapag nasa bar.
Sayaw dito, sayaw doon.
Buti na lang at lagi ko siyang natatanaw kung hindi ay malalagot talaga ako kay Lolo Ren 'pag nagkataon.
At isa lang ang napapansin ko sa tuwing nagba-bar siya.
Hindi siya umiinom ng kahit anong alak.
She just drinks juices but never liquor.
Di ko rin maintindihan, magba-bar tapos hindi naman iinom kundi makikipag-flirt lang.
Tapos pagkapauwi naman ay ayon na naman ang seryosong mukha niya na parang walang nangyari.
Ewan.
Ihininto ko na ang kotse sa harap ng bar at bumaba na kaagad siya.
Habang ako naman, ipaparada ang sasakyan sa parking lot at susundan siya dahil maligalig 'yung babaeng 'yun.
Bumungad sa akin ang amoy ng alak at madaming tao pagkapasok ko pa lang ng bar.
Kahit-ilang beses na kaming pumupunta sa bar na 'to ay hindi pa rin ako kumportable.
Hindi naman kasi ako party-goer nung college kaya hindi rin naman ako sanay sa mga ganito.
Inililibot ko ang tingin ko sa paligid para hanapin kung nasaan si Yuan pero biglang may babaeng naramdaman ko na dumikit sa akin.
"Wanna dance, babe?" She smirked.
Walang-gana kong nilingon siya at bumuntong-hininga, "I'm sorry, but I don't do this shits." Saka umalis sa lugar na 'yun.
Hindi ko alam kung anong trip ng mga babaeng katulad niya, pero pakialam ko naman e buhay nga nila 'yan?
Hays.
Mula sa malayo ay patuloy kong inililibot ang paningin sa mga taong nandoon sa gitna at sumasakotse.
Nasaan na ba 'yung babaeng 'yun?
And then I saw her, mukhang may kaaway o kung ano dahil kitang-kita kong nakakunot ang noo niya habanv kinakausap 'yung isang lalaki.
Sasaglit lang na nawaglit ang paningin ko sa kaniya, ito ngayon at may kaaway na kaagad.
Sumingit ako sa mga tao dahil ang dami talaga nila at karamihan ay nakainom na talaga.
Ayoko pa man din ng amoy ng alak ampucha.
Unang beses 'to na lapitan ko siya habang nasa isang bar dahil dati ay lagi lang naman siyang nakikipag-flirt at walang kaaway.
Kaya hindi din ako nakakalapit sa mga taong lasing.
"Get the hell off me!" Sigaw ni Yuan dahil hawak-hawak siya nung lalaki.
Wala namang ibang pumapansin sa kanilang dalawa dahil may kani-kaniyang ginagawa ang mga tao dito sa bar.
"I thought that you want to flirt?" Ngisi nung lalaki.
"Yeah, but not with you! You disgusting maniac!" Sigaw ulit ni Yuan.
Naki-eksena na ako, "Brad, tama na 'yan, babae 'yan o." Sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak niya kay Yuan.
"At sino ka ba ha?" Maangas na sagot niya sa akin.
"Sorry p're, 'di tayo talo. 'Di ako pumapatol sa mga pangit at walang modo." Ngisi ko.
"A-Anong?!" Sabi pa muna niya at saka ako sinuntok.
"Triton!" Napasigaw si Yuan at napansin ko din na nabaling sa amin ang atensyon ng ilan.
Hinawakan ko ang gilid ng labi at nakitang may dugo dito kaya napahinga ako ng malalim.
"Ampucha," saka gumanti ng sapak sa pangit niyang mukha.
Nasapul ko ang ilong niya kaya napahawak siya dito.
"Badtrip, dapat sa mata tatama 'yun ah?" Napabulong ako.
Bago pa siya makasugod sa akin ay naunahan ko na siya at sinapak sa panga.
Bulagta.
Mauunang manapak tapos una din palang babagsak, ampucha.
Tinignan kong maigi ang mukha niya, "Anong karapatan mong bangasan ang g'wapo kong mukha? Mga inggitero talaga, oo."
Inilipat ko naman ang tingin sa babaeng maldita na nga basagulera pa.
Nabangasan pa tuloy ako dahil sa kaniya, pero ayos na din kaysa siya 'yung mabangasan
Baka palayasin pa kami ni Lolo Ren.
Hinawakan ko siya sa braso, "Tara na," saka siya hinila papalabas ng bar.
"Ano ba?!" Angil niya at pilit na inaalis ang kamay ko sa braso niya.
Ano na namang problema nito?
Inis ko siyang tinignan, "Tara na sabi."
"'Wag mo nga akong utusan!"
Pabagsak kong binitiwan ang braso niya, "Ano bang trip mo? Bakit parang galit na galit ka na naman sa akin?"
"Why do you have to act like a knight in shining armor, ha?"
I sighed in disbelief, "Ikaw na nga 'tong niligtas doon, galit ka pa? Ibang klase ka rin, e."
"Well I can handle myself!" Sigaw niya.
Ngumisi ako, "Grabe imbes talaga na magpasalamat ka, magagalit ka pa. Ampuchang 'yan."
"Sana hindi na lang kita pinagtanggol ano? Baka sakaling matuwa ka pa kapag ganoon ang ginawa ko." Dagdag ko.
"Yuan?" Napalingon kami pareho ng may tumawag sa kaniya.
Mapaklang ngumiti ang babaeng may kakaibang ugali, "Zeo,"
"May problema ba? Mukhang nag-aaway kayo, ah?" Sabi niya.
Hindi ako umiimik kaya walang pagpipilian si Yuan kundi kausapin si Zeo.
Nakita ko siyang umirap, "Could you drive me home, Zeo?"
"Kapag ako pinagalitan ng lolo mo, ikaw ang ituturo ko." Napilitan na akong makisabat.
Ngumiti si Zeo, "She's fine. Ako na ang magsasabi kay Don Renato na kasama ko siya."
Napataas ang kilay ko, "Bahala kayo," saka iniwanan silang dalawa doon at dumiretso na sa kotse.
Pero s'yempre hindi ako muna ako umalis, sa halip ay tinignan ko munang silang dalawa.
At kitang-kita ko mula dito sa kotse na nangingiti na ang babaeng maldita.
Kaya naman pala ayaw sa akin, iba pala ang gusto niyang magtanggol sa kaniya.
E 'di magsama silang dalawa.
YOU ARE READING
Underneath These Memories
Teen FictionMemories makes all of us up. It helps us to grow and learn from the most of it, and cherish all the happy ones. But will you be the same if some of them fade away? -Between Those Pages Spin-Off Story ©to the rightful owner of the photo.