08

3 0 0
                                    

Chapter Eight

"Hello po!" Bati ni Reese kay Yuan nang ipakilala kami ni Don Renato sa kaniya.

Umagang-umaga, kaharap ko kaagad 'tong malditang 'to.

Pero ano ba naman ang magagawa ko? E araw-araw simula bukas, tuwing umaga ay makikita ko siya.

Kamalasan nga naman, oo.

"They're staying here and Triton will be the one who'll take you everyday to the company and back." Ngiting-ngiti naman si Don Renato.

Siya lang ata at si Reese ang natutuwang magkakasama kami ngayon dito sa mesa na nag-aalmusal dahil maya't maya akong iniirapan ng maldita.

Napakamaldita talaga, sarap dukutin 'yung mga mata.

Pasalamat siya at boss ko siya, kung hindi... nako lang talaga.

"Mauuna na ako at maggo-golf pa kami ng mga kaibigan ko sa country club." Paalam ni Lolo Ren.

Lolo Ren na nga pala ang gusto niyang itawag namin sa kaniya dahil hindi daw siya kumportbleng maya't maya ay tawaging 'Don'.

Patuloy sa pakikipag-usap si Reese kay Yuan at nakakapagtaka na parang ang bait-bait nung maldita kapag si Reese ang kausap.

Mapapa-sana lahat ka na lang talaga.

Hindi ko din alam kung bakit parang kapag nakikita niya ako ay kumukulo ang dugo niya dahil bigla-bigla na lang talaga siyang nang-iirap.

Tinanong ko naman siya kanina kung tungkol pa din ba 'yun sa nabasag niyang cellphone pero hindi naman ako pinansin.

Binaba ko na nga 'yung pride ko dahil ang sama sa pakiramdam na laging may naiirita sa'yo tapos ii-snob-in lang ako.

Bratinela talaga.

"You're too hyper, hindi ka pa nga naliligo." Sabi ko kay Reese.

Napatingin siya sa akin at sumimangot.

"Let her be." Sabat naman ni Yuan.

Tinignan ko naman siya, "E 'di ikaw na kuya," bulong ko.

Mukhang hindi naman niya narinig dahil hindi nagbago ang reaksyon niya.

"Aakyat na ako, sumunod ka na Reese." Paalam ko kay Reese.

"Ah, paalam na po Miss Rhiane Yushanti Frias." Nginitian ko pa muna siya bago umakyat.

Alam ko namang amo ko siya, alam ko din malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya, kaya nga nag-sorry ako ulit kanina 'di ba?

Pero badtrip talaga 'yung pagiging mayabang at mataray nitong babaeng 'to.

Hindi ko kinakaya, ampucha.

Hindi naman ako nagtrabaho sa kanila para artehan niya ako ng ganoon.

Alam ko ding nangangailangan kami, pero sana may kaunting respeto naman siya sa ibang tao.

At mas lalo ko pang hindi matanggap ay 'yung puntong napakabait niya kay Reese.

I mean, okay lang naman na mabait siya sa kapatid ko dahil baka mas lalo akong hindi makapagtimpi kung aalipustahin niya si Reese.

Pero kung kaya niya kay Reese na maging mabait, bakit sa akin hindi?

Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa utak ng babaeng 'yun.

Naligo muna ako at nagbihis, maya-maya pa ay pumasok na din si Reese sa kwarto.

"Why are you acting like that, Kuya?" Biglang tanong ni Reese habang nagpupunas ako ng buhok.

"Acting like what?" Balik tanong ko.

"Bakit ka ba galit kay Ate Yuan? She seems nice." She pouted.

"Sino namang maysabing galit ako? Hindi naman ako galit, ah?"

"Hindi ka nga galit, pero parang lagi ka namang aborido sa kaniya." Irap niya.

"Siya nga 'tong aborido sa akin, ako pa ang may kasalanan? Bait-bait ko nga sa kaniya, e."

Napangiwi siya, "Binabara mo nga 'yung tao."

"So, what do you want me to do 'lil sis?" I asked.

"Atleast be civil to her? Kung naiinis ka man sa kaniya at some points, 'wag mo na lang patulan." Sermon niya.

"Besides, tinulungan nga nila tayo."

I sighed, "I'm civil to her, but I'll try to be nicer..."

"If she became nice to me," I whispered.

"Kuya!" Angil niya kaagad kaya natawa naman ako.

"Fine, fine. You know, I am nice to her. Pero sige hindi ko nalang papansinin if nainis ako or something." Ngumiti ako.

Tumingin siya sa akin, "Look at that glamorous smile you have, Kuya." She smiled.

"Imposibleng hindi lumambot ang puso ni Ate Yuan sa magaganda mong mga ngiti." She chuckled.

Napangiwi naman ako.

Kahit magkagusto sa akin 'yung babaeng 'yun, wala akong pakialam.

Ekis tayo sa spoiled brat na maarte at masungit sa akin.

"And come to think of it, you'll look good as a couple!" She exclaimed.

"Anong pinagsasabi mo? Mandiri ka nga, Reese."

Biglang may nag-flash na imahe sa isip ko kung saan kami ni Yuan ay isang 'couple'.

"Uy, nag-isip! Baka mamaya kaya ka pala ganoon kay Ate Yuan kasi may gusto ka na sa kaniya, ah?" Pang-aasar niya pa.

"Tumahimik ka na nga." Sabi ko at napatahimik nga siya.

Yuan and I? There's no way in both heaven and hell that that's gotta happen.

Ayaw ko sa kaniya at mas lalo namang ayaw niya sa akin, kaya talagang imposible 'tong mga sinasabi ni Reese.

Nanggugulo lang talaga, e.

At isa pa, mataas ang standards ko no?

"May Ate Yuan na, Kuya. Siguro, pwedeng siya 'yung maging way para tuluyan kang makapag-move on kay Ate Sean?" She suggested.

"Nope," sagot ko.

Napataas naman ang kilay niya, "Bakit naman? She has the looks, the beauty, and brains din naman, tapos mayaman pa!"

"Still a no."

Masiyado kayang pinataas ni Sean ang mga standards ko pagdating sa babae, kaya hinding-hindi ako magkakagusto sa babaeng 'yun.

"Grabe ang arte," she whispered but I heard it.

"But at least tell me why?"

Bumuntong-hininga ako, paniguradong hindi naman niya ako titigilan hangga't hindi ko sinasagot ang tanong niya.

"First of all, malayong-malayo siya kay Sean. With her attitude and all, tingin mo ba pareho sila?

"Hindi ko rin tipong magpaamo ng tigre." I said.

"Kapag ikaw lang nagkagusto kay Ate Yuan, sinasabi ko lang sa'yo Kuya. Baka kainin mo lahat ng sinasabi mo ngayon." Irap niya.

"Yes, I can't deny that she's beautiful, smart, classy, and rich.

"Pero hindi ko din alam, kung mangyayari e 'di mangyayari." Sabi ko na lang para matahimik na siya.

Hindi siya katulad ni Sean because Sean is one of a kind, pero hindi ko din naman makita ang sarili kong nagkakagusto sa babaeng 'yun.







Underneath These Memories Where stories live. Discover now