Chapter Eleven
"I don't really know what you're up to." Narinig kong sabi ni Zeo sa loob ng pantry.
Madalas na nga 'yang lalaking 'yan dito sa opisina, laging sinusundo si Yuan, kaya ako, easy lang.
Ihahatid ko na lang siya pagpasok, tapos pag-uwi naman ay 'yung Zeo na ang sumusundo sa kaniya.
Parang nawalan na nga ako halos ng trabaho sa pagiging driver, pero ewan ko ba kung bakit badtrip ako doon sa Zeo'ng 'yun.
E 'di siya na driver, tch.
"I know what I'm doing," Nagulat ako ng marinig ang boses ni Yuan.
Hindi naman ako tsismoso pero parang may nag-uudyok sa akin na makinig muna.
"Well you're hassling me, I got life you know?" Sarkastikong sagot ni Zeo.
"It's better if you just act on something, hindi 'yung lagi mong sinusungitan 'yung tao." Dagdag niya.
Masungit naman kasi talaga 'yang babaeng 'yan, sa'yo at kay Reese lang naman hindi.
May kinikilingan.
Pumasok na ako sa pantry dahil tatanungin ko kung kay Zeo ba sasabay ang babaeng maldita kasi mauuna na akong umuwi kung hindi.
Nakita kong nagulat si Yuan ng makita ako at si Zeo naman ay napangisi.
"Mauuna na ako, Miss Yuan kung hindi ka sasabay sa akin." I coldly said.
"I'm not--"
"Hindi siya sasabay sa akin, may pupuntahan daw kayo." Putol ni Zeo kay Yuan.
Pinandilatan naman ni Yuan si Zeo pero ngiti lang ang iginanti nito.
Anong trip naman ng dalawang 'to?
"Mauuna na 'ko sa kotse, mag-iintay ako doon in ten minutes." Sabi ko na lang at umalis na.
Hindi ko talaga alam kung anong namamagitan sa dalawang 'yun, parang sila na hindi.
Parang may gusto 'yung babaeng maldita sa Zeo'ng 'yun, kahit mas g'wapo naman ako doon no?
Hindi naman sa may gusto ako doon kay Yuan, nagsasabi lang naman talaga ako ng totoo.
Nang makasakay sa kotse ay nagpatugtog na lang ako sa Spotify ng Disney songs.
Sakto namang tumugtog ang I Won't Say I'm in love ng Hercules at sinabayan ko naman ito.
No chance no way I won't say it, no no
(You swoon you sigh why deny it oh oh)
It's too cliche I won't say I'm in love
I thought my heart had learned its lesson"A Disney song, really?" Narinig kong may nagsalita sa likuran ko at nakita si Yuan na papasok.
"Walang basagan ng trip," sabi ko.
Umirap naman siya, "Whatevs."
"Saan ba tayo pupunta at sa akin ka pinasabay nung Zeo mo?" Nagulat ako nang 'yun ang lumabas sa bibig ko.
What the hell I just said?
"Zeo ko, huh?" Ngumisi siya.
"Saan nga? Daming pinapansin."
"Actually, wala talaga dapat akong pupuntahan but since Zeo insisted it, I'll show you where." She smiled.
Unang beses ko 'yatang makita siyang ngumiti sa akin.
I shrugged the thoughts off my mind at nagmaneho na lang kung saan niya ituro.
Hanggang sa makarating kami sa isang ospital.
Ano namang ginagawa namin dito?
Bumaba na siya at sinundan ko lang naman kung saan siya pupunta.
Baka mamaya may kung ano na namang mangyari dito sa babaeng maldita.
Pumasok siya sa isang kwarto, siguro ay bibisitahin ang kaibigan niya.
Inililibot ko ang tingin sa paligid at masasabi kong ayoko talaga sa mga ospital.
I have the worst memories around hospitals.
"Do you want to come in?" Sabi ni Yuan pagkabukas niya ng pinto.
"Ayos na ako dito,"
"Well, it's better if you interact with the kids." Ngiti niya.
Kids?
Pero ang nas mahalaga, anong nakain nito at ngumingiti ngayong araw?
Naningkit ang mga mata ko, "Kung sino ka mang gumagaya sa mukha ni Yuan, 'di mo ako maloloko. Hindi ngumingiti 'yung babaeng 'yun sa akin."
Sinamaan naman niya ako ng tingin, "It's me, you moron!"
Ngumiwi ako, "Balik ka na naman d'yan sa beast mode mo."
She groaned, "Argh, kung ayaw mong pumasok e 'di wag!" at iniwang nakabukas ang pinto.
Wala din naman akong gagawin dito sa labas, makapasok na nga lang.
Pero mali ako nang inakalang kaibigan lang niya ang bibisitahin dahil andami ngang mga bata dito.
Sila ba 'yung tinutukoy ni Yuan kanina?
"Sino siya Ate Yuan?" Tanong ng isa.
"He's Triton, and he's my friend." Ngiti niya sa bata.
Friend? Friend pa niya ako sa lagay na 'to ah?
Paano pa kaya kapag kaaway na niya ako? Baka ipa-shoot out na lang ako nito.
O baka naman iba ang depenisyon niya ng kaibigan?
Hays.
"Hello po, Kuya Triton!" Bati nung batang babae.
"Hi," ngiti ko.
Maya-maya ay may dumating na mga pagkain at laruan na siguro ay para sa mga bata.
"O, ingatan niyo 'yang mga toys, ah? I don't know kung kailan ako ulit makakapunta kasi busy, e." Sabi ni Yuan sa mga bata at nagsitanguan naman ang mga ito.
Busy? Busy kamo sa kaka-party at kay Zeo.
"Ako hindi ako busy, pwede ko kayong puntahan dito kahit tuwing Linggo." Sabat ko.
"Totoo po ba 'yan, Kuya Triton?" Tanong nung isa at tumango naman ako.
Although hindi ko pa alam kung anong dahilan kung bakit sila naka-admit dito.
"Ano bang sakit nila, Yuan?" Tanong ko sa kaniya habang pinapanood ang mga batang tuwang-tuwa sa mga laruan.
Mapakla siyang ngumiti, "They have congenital heart disease,"
Napatingin ako sa kaniya at kitang-kita sa mga mata niya ang lungkot at awa.
"They're too young to experience that, but life being itself, look at them.
"It's like their whole life is just evolving on the four corners of this room because they can't afford to have a heart transplant or a heart surgery." Bakas ang lungkot sa boses niya.
Tama naman siya, unfair talaga ang buhay.
"The least I could do is to cheer them up, lalo pa at karamihan sa kanila ay nalulungkot." Tumingin siya sa akin.
Namangha naman ako sa sinabi niya, parang ibang-iba itong Yuan na kaharap ko ngayon.
As I look at her, she really looks an angel right now, na tumutulong sa mga bata.
Maaaring masungit siya sa akin, pero siguro may mabuti naman talaga siyang kalooban.
YOU ARE READING
Underneath These Memories
Teen FictionMemories makes all of us up. It helps us to grow and learn from the most of it, and cherish all the happy ones. But will you be the same if some of them fade away? -Between Those Pages Spin-Off Story ©to the rightful owner of the photo.