01

8 2 0
                                    

♡: The coming chapters are events that happened before the prologue (baka kasi may malito), associated din sa BTP kaya I really suggest na basahin niyo ang first story para hindi kayo ma-spoil :)

-:-:-:-:-:-

Chapter One

Umuwi muna ako para magpalit ng damit dahil nandoon naman si Tito sa ospital.

Hindi ko pa alam kung anong findings ng mga doktor kung bakit siya nahimatay kaya babalik ako doon mamaya para alamin.

Hindi naman kasi palakwento 'yung babaeng 'yun tungkol sa buhay niya.

Madaldal siya, oo.

Pero kung tungkol sa buhay niya, hindi siya magkukwento kung hindi mo siya tatanungin at kukulitin.

Typical Sean.

I took my bath at hindi ko maiwasang mag-isip habang naliligo about Sean and Nyx.

When I saw Nyx earlier, hindi na ako nakaramdam ng lungkot. Instead, I was happy for him and Sean.

Hindi pa rin ako sigurado kung iisa silang dalawa ni Sebastian pero kung iisa man, all could I ever feel is to be happy for them dahil nagkita na ulit sila even though Sean lost some of her memories.

Back when I was still in my 5th year in college and Sean's attending her medschool, lagi akong nalulungkot whenever I saw Sean looking at that Sebastian's way.

Ang sakit kasi na kapag sinusurpresa ko siyang pinupuntahan doon para kumain sa labas, makikita ko siyang nakatingin doon sa Sebastian kapag nakakasabay namin.

Hindi ko nga lang laging nakikita 'yung mukha pero kapag tumitig si Sean doon, paniguradong si Sebastian 'yun.

Hindi niya ugaling tumitig sa tao. Sa langit at sa mga makalumang bagay, pwede pa.

Kaya nga masakit... kasi kapag tinitigan ka niya, paniguradong importante ka.

Naiisip ko pa noon na bakit kailangang tumitig pa siya sa iba kung ako naman ang nasa harap niya?

But when the heavens gave me an opportunity for her to love me back, konsensya ko naman ang kinalaban ko.

Bigla akong nainis sa sarili ko pati na rin sa tadhana ng maisip ni Sean na ako ang gusto niya, because that was too unfair for her and I didn't want to take advantage from it.

I want her to love me back pero 'yung kusa, hindi 'yung dahil wala lang siyang maalala.

Kaya hindi ko na lang rin sinabi ang nararamdaman ko sa kaniya, sa halip ay sinabi kong may mahal na siyang iba.

I love her to the point that I could be so selfless when it comes to her happiness.

Hindi ko alam kung may feelings pa din ako para sa kaniya, but I'm cool.

Kung meron pa, hindi ko naman sila guguluhin ni Nyx.

Kung wala na naman, then I could move on and wait for the right one to come.

Sana nga lang ay hindi matagalan dahil naunahan na ako ni Sean na magkaroon ng love life.

Unfair 'yon.

Nang lumabas naman ako ng bathroom, na-realize kong ang tahimik ng condo kapag wala 'yung babaeng 'yun dito.

Walang sisigaw-sigaw dahil sa pinapanood niyang anime.

Walang tatalon-talon sa couch kapag nag-release ng bagong album ang paborito niyang banda.

In other words, ang tahimik ng buhay.

Nagbihis muna ako bago umupo sa couch para manood ng Stranger Things Season 3 sa Netflix, maya-maya na siguro ako babalik ng ospital.

Wala pa ako sa kalahati ng episode 4 ay bigla namang nag-ring ang cellphone ko.

I answered it immediately nang makita kong si Mom ang tumatawag.

"Oh, Ma? Nakauwi na ba kayo sa Rizal?" I asked.

"Hello, kamag-anak niyo po ba ang may-ari nitong phone?" Nagulat ako nang lalaki ang nagtanong.

"Sino kayo? At bakit hawak niyo ang cellphone ng mama ko?" Tanong ko.

"Ah Sir, naaksidente ho kasi 'yung mama niyo."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.

Naaksidente? Sila Mom?

"Pinagloloko niyo ba ako? If this is some sort of prank, better quit because I'm not buying any of these."

"Sir, this is not some sort of prank. Theresa Calidez is one of the victims in an accident."

Nahugot ko ang hininga nang banggitin niya ang pangalan ni Mom.

"Accident? Anong aksidente? Teka, nasaan ba kayo? Ayos lang ba sila?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Mas mabuti pong pumunta na lang po kayo dito sa ospital." Sabi niya at binanggit sa akin kung saang ospital ko matatagpuan sila Mom.

Nagmamadali akong nagmaneho papuntang ospital pero hindi ito sa St. Michael's.

Maraming tao sa labas ng ospital, ang ilan ay umiiyak, ang ilan naman ay sugatan at duguan, habang ang mga medics ay kani-kaniyang asikaso sa bawat pasyente.

What the hell happened?

Lumapit ako sa isa sa mga nakasuot ng uniform ng rescue team para magtanong.

"Sir, nasaan po sila Theresa at Angelo Calidez?" I asked.

"Ikaw po ba 'yung natawagan namin kanina? Are you Mr. Triton Calidez?" Balik tanong niya.

"Yes, yes. Ako po 'yun, pero nasaan ang mga magulang ko?"

Hindi siya sumagot, sa halip ay naglakad siya at sinenyasan naman ako ng kasama niya na sumunod.

Bawat hakbang habang sumusunod ako sa kaniya ay para akong nanlalambot na hindi ko maintindihan.

Hanggang sa dalhin kami ng paglalakad namin sa pintuan ng morge.

"Nasa loob sila." He simply said.

Ayaw rumehistro sa utak ko lahat ng mga nangyayari.

I'm in front of the morgue, does that mean that they're already dead?

Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko para makapasok sa loob.

Inalis niya ang puting telang nakatakip sa isang tao, at tumambad sa akin ang driver namin.

Sunod naman niyang inalis ang puting telang nandoon sa kabilang mesa.

And there, I found my parents, cold and lifeless.

"Mom? Dad?" My voice broke as I called them.

"Paano nangyari? Bakit sila namatay?" I asked him.

"Nabangga ho sila ng overspeeding bus, ina-assume ho namin na pauwi na sila galing airport dahil may mga bagahe silang dala." He replied.

He's right, galing silang airport.

Pero ayaw tanggapin ng utak ko ang lahat ng mga naririnig at naiisip ko.

It's too early for them too leave us, hindi ko pa kayang patakbuhin ng mag-isa ang kumpanya.

Hindi ko pa kayang maging magulang kay Reese.

We still need them, pero mas lalo silang kailangan ng kapatid ko.





Underneath These Memories Where stories live. Discover now