Prologue

17 2 0
                                    

Prologue

"Walang maids?" I asked.

Nakakapagtakang walang maids na lumalabas para buksan ang gate sa mansyon ng mga Frias.

"Maybe they're asleep already? But where's Kuya Gino?" Takang tanong din ni Yuan, pertaining to their guard.

Kakadating lang namin mula sa Tanay kaya wala kaming kaalam-alam sa mga nangyari sa mansyon.

"Ako na lang ang magbubukas." Sabi ko at bumaba na ng sasakyan.

Habang binubuksan ang gate ay napansin kong bukas pa ang ilaw sa kwarto ni Reese.

Gising pa siya?

Napatingin naman ako sa relo ko at nakitang mag-a-ala una na ng madaling araw kaya naman imposibleng gising pa siya.

Bumalik na ako sa kotse na nagtataka.

"What's wrong?" She asked.

"I think Reese's still up dahil bukas pa ang ilaw sa kwarto niya. Dapat nagpapahinga na siya ngayon, it's bad for her condition." Sabi ko.

"Baka nakalimutan lang patayin 'yung ilaw, check her later na lang." She said.

Napatango na lang ako at nang nasa tapat na kami ng main door, nagsalita muna ako.

"By the way, kailan natin sasabihin sa kanila?"

"Ang alin?" She chuckled.

"Na tayo na?" I smirked.

"Tomorrow, promise. And besides, Zeo wasn't in the Metro right now so wala na rin silang magagawa."

I kissed her forehead and said, "I love you."

"Tsh, matagal na kaya kitang mahal." She rolled her eyes and chuckled.

"Alam ko."

"Talk about boastfulness." Pareho na kaming natawa at bumaba na ng kotse.

"Ma'am Yuan, Sir Triton!" Nagulat kami pareho nang may sumalubong sa amin na maid bago pa kami makapasok.

"What is it? / Bakit?" Sabay naman naming tanong ni Yuan.

"Si Ma'am Reese po..." She trailed off and I felt the nervousness enveloping me.

Nagkatinginan kami ni Yuan at kitang-kita kong siya rin ay nag-aalala na.

"Anong nangyari kay Reese?" I asked.

"Nahimatay daw po siya kanina doon sa party." Sagot ng maid.

"What?" I almost shouted from what I heard.

Nagmamadali akong umakyat sa kwarto ni Reese to check on her pero pagkapasok ko ay walang tao.

I even checked her bathroom but there's still no sign of her.

Nakita ko na lang na sumunod pala sa akin si Yuan kasama 'yung maid.

"Nasaan siya?" I asked.

"Dinala na po siya sa ospital nina Don Renato, hindi daw po kayo matawagan kanina kaya ang sabi po ng Don, hinatayin ko daw po kayo dito ni Ma'am Yuan."

Shit, dapat hindi ko pala pinatay 'yung phone ko kanina.

"Saang hospital?" Yuan asked.

"Sa St. Michael's po." The maid replied.

"Yuan dito ka na lang, I'll go to Reese." Baling ko kay Yuan.

"Sasama na ako, I'm also--"

"You're tired at baka mas lalo ka lang mapagod. Don't worry I'll inform you about Reese's condition once I get there." I cut her off.

Underneath These Memories Where stories live. Discover now