09

2 0 0
                                    

Chapter Nine

"Ang tagal naman ng babaeng 'yun." Bulong ko.

Kanina pa ako nandito sa kotse at iniintay ang bratinela na lumabas pero ni anino niya ay hindi ko pa rin nakikita.

Iwanan ko kaya 'to?

I heaved a sigh then connect my phone to the cars' speakers, para naman malibang ako kahita papaano.

Maya-maya pa ay nakita ko na siyang lumabas ng bahay pero tumigil sa harapan ng pinto ng sasakyan.

Nakatingin lang siya sa pinto nito na parang may hinihintay na mangyari.

Anong problema nito?

Ibinaba ko ang bintana sa shotgun seat, "Anong ginagawa mo d'yan?"

Tumingin naman siya sa akin, "Pagbuksan mo kaya ako ng pinto?"

Ampucha.

Hindi naman sinabi na kailangan ko pa siyang pagbuksan ng pinto.

Ano ba niya ako, alalay?

At isa pa may mga kamay naman siya, bakit hindi niya gamitin?

Nangako ako kay Reese na hindi ko na papatulan, kaya sige, pagbubuksan ko na ng pinto.

Peke akong ngumiti at bumaba ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto.

Pero s'yempre, dahil bratinela nga, inirapan pa ako imbes na magpasalamat.

Dukutin ko 'yang mga matang 'yan, e.

Kayamot.

Nakasimangot akong pumasok uli ng sasakyan at nagmaneho na papuntang opisina.

Nang makarating kami sa opisina ay idineretso ko na ito sa parking lot at pinauna siyang bumaba.

"Baba ka na, Miss Rhiane Yushanti Frias." I said.

Hindi siya umimik at nakatingin pa rin sa harapan.

Ang sarap makipag-usap sa hangin.

"E 'di ako na unang bababa." Sabi ko saka iniwanan siya sa loob ng sasakyan.

Habang naglalakad papuntang elevator, narinig kong may mabibilis na yapak sa likuran ko.

Malamang badtrip na 'yun.

At tama nga ako, kunot-noo siyang humarang sa dinadaanan ko at tinignan ako na parang papatay.

Napataas ang kilay ko, "Bakit, Miss Rhiane Yushanti Frias?"

Nasanay na din akong tawagin siya ng buong pangalan dahil lagi kong naaalala ang pagkakasabi niya noon sa pangalan niya nang una kami magkakilala.

At mukhang lalo siyang naba-badtrip kapag ginagawa ko 'yun kaya tinutuloy ko lang.

Mukha siyang kuting na mangangalmot kapag naiinis siya, ang cute.

"Bakit mo 'ko iniwan doon sa kotse?" Malumanay na tanong niya kahit nakakunot ang noo.

Nakakapagtaka.

Siguro kung kahapon 'to, baka sinigawan na naman niya ako tapos ngayon, parang ang hinahon.

Sudden change in way of treating me?

Nginingitian ko lang, e unti-unti nang nagiging malumanay? Ang lakas ko talaga ampucha.

Ngumiti ako, "Ayoko kasing sabayan ka, Miss."

Mukhang natigilan siya pero nakabawi naman kaagad, "And why is that?"

Underneath These Memories Where stories live. Discover now