Chapter Seven
"Aalis ako, may ipapabili ka ba?" I asked Reese.
I'm planning to buy some stuff, pagkain, toiletries, and personal hygiene products dahil nakakahiya naman kung iaasa pa namin 'yun sa kanila.
"I'm okay, ikaw na lang Kuya ang bahala." She said as she scrolls on her phone.
"Magpahinga ka na, puro ka cellphone." I said.
Natawa naman siya, "Para kang 'yung mga nakikita ko sa memes on socmeds. Just go, already. Magpapagabi ka pa talaga ng husto."
Tch.
Lumabas na ako ng kwarto namin at dumiretso na sa kotse.
Buti na lang at akin mismo ang biniling kotse kung hindi ay baka pati ito ay wala na rin ngayon.
Habang nagmamaneho naman ay kung saan-saan napadpad ang utak ko.
Naalala kong hindi ko pa nga pala nakikita ang babantayan, este ipagmamaneho ko sa trabaho araw-araw dahil bukas pa daw uuwi 'yun.
Subsob daw kasi sa trabaho kaya gano'n.
Sana naman hindi ma-attitude.
Baka mairita lang ako at iwanan siya mag-isa sa sasakyan kapag nagkataon.
Sabi naman ni Don Renato, tahimik lang naman daw at hindi umiimik.
Pero mahirap na, baka mamaya pa-good girl 'yung Yuan na 'yun sa harap ng lolo niya pero sutil sa iba.
Hays, ewan.
Ipinarada ko na lang ang kotse sa parking at pumasok na sa loob ng supermarket.
Kumuha na ako ng cart at nagsimula ng bumili.
'Hindi na kayo mayaman, magtipid ka.' Paalala ko sa sarili ko dahil baka magwaldas ako ng magwaldas ng pera.
Paikot-ikot lang ako at naglalagay sa cart ng mga bagay na maiisip kong kailangan namin ni Reese sa bahay.
Nasa bread section ako nang makita ang dairy and yoghurts kaya naman agad akong nagpunta doon para makakuha ng Dutch Mill.
'Anim na Dutch Mill lang.' Paalala ko ulit dahil pakiramdam ko ay gusto ko ng isang buwang supply.
Saka na lang ako bibili ng marami kapag nakasweldo na ako bilang marketing manager.
Itinabi ko muna ang cart at lumapit na sa isa sa mga fridge nang may mabangga ako.
"What the fudge?!" Angil nang nabunggo ko.
"Sorry, Miss." I apologized.
Hindi niya ako pinansin at napako ang tingin niya sa cellphone na nasa lapag.
"Fudge," she murmured.
Natataranta niyang kinuha ang cellphone at natulala dito.
"Look what you did!" Sabi niya sabag pakita sa akin ng screen na may basag.
Ampucha, nabasag ko pa yata ang isang iPhone 11 Pro.
Napakabobo mo talaga, Triton.
Pero nagtaka ako nang makitang natigilan siya pagkakita sa mukha 'ko.
Kilala ba niya ako? O baka may dumi lang ako sa mukha?
"Sorry, hindi ko naman sinasadya at saka hindi ka rin naman yata nakatingin sa dinadaanan mo, Miss." Sabi ko.
"A-Ako pa ang may kasalanan? Ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan!" Sagot naman niya.
"Pareho lang naman tayong may kasalanan dito, kahit bayaran ko na lang 'yung kalahati ng presyo niyang phone mo."
YOU ARE READING
Underneath These Memories
Teen FictionMemories makes all of us up. It helps us to grow and learn from the most of it, and cherish all the happy ones. But will you be the same if some of them fade away? -Between Those Pages Spin-Off Story ©to the rightful owner of the photo.