Chapter Five
Hindi ko na alam ang gagawin.
Hindi pa nag-i-email sa akin ang mga kumpanyang pinag-apply-an ko dahil aabutin daw ito ng mga dalawang araw.
Pinag-impake ko kanina si Reese ng mga gamit niya kasama ang mga gamot at kung ano-anong kailangan sa sakit niya pero wala pa kaming malilipatan.
Nang mamatay kasi sila Mom, ibinenta ko na din ang condo dahil sa bahay na ako nag-stay.
Nakakainis.
May isang araw pa kami, isang araw pa.
Kailangan makahanap ako ng maayos-ayos na apartment bukas na bukas din.
I can't afford to let Reese suffer from all of this, hindi niya kaya at baka makaapekto pa sa sakit niya.
Mag-a-alas diyes na ng gabi, si Reese ay tulog na pero ako hindi ko magawang makatulog.
Paano naman ako makakatulog kung sa bawat pagpikit ko ay andami kong inaalala?
Nawala sila Mom, nawala si Sean, tapos ngayon wala na din kaming pera at mga ari-arian.
T-anginang buhay 'to.
Yamot kong kinuha ang laptop at nag-drive papunta sa isang coffee shop.
I want to drink some coffee, para naman magising na ako sa bangungot na 'to.
I ordered my usual drink and find some place to sit to check my emails.
Pero wala pa rin talaga.
I have high credentials, bakit walang tumatanggap kaagad?
Hanggang sa maisip kong imposible naman talaga ang hinihiling kong ora mismo ay tanggapin ako kahit kaka-submit ko lang ng application letter kanina.
This is really frustrating.
I took a sip on my cup of coffee and looked outside to see droplets of rain on the glass.
Nakikiramay pa ang panahon sa kamalasan ko.
"Pwede bang maki-upo, hijo?" Napalingon ako nang may magsalita sa tagiliran ko.
An old man smiling at me, ano namang pwedeng mangyari?
Mukha naman siyang disente, mukhang hindi din gagawa ng kung ano kaya tumango na lang ako at ibinalik ang tingin sa labas.
"Mukhang problemadong-problemado ka, ah? May maitutulong ba ako?" Tanong niya at ngumiti.
Kumunot ang noo ko. Paano naman siya makakatulong sa problema ko?
"You couldn't help me." Maikling sagot ko.
"Hindi ka sigurado sa bagay na 'yan, hijo." He chuckled.
"Malay mo naman ay may maitutulong ako, sabihin mo lang kung ano." Pangungumbinsi niya.
Should I tell him?
Inilibot ko ang tingin sa paligid at ang bawat tao naman na nandidito ay may kani-kaniyang pinagkakaabalahan.
Hindi rin naman ako kilala nitong lalaking 'to, sana naman ay 'wag niya akong husgahan.
"Kailangan ko ng trabaho at ng matitirhan, kaya mo bang mag-provide ng mga 'yun?" Tanong ko.
Hinawakan niya ang baba at nag-isip, "Kung sabihin kong kaya ko, handa ka bang magtrabaho para sa akin?"
"Kung sinasabi mong magiging stay-in katulong o alalay ako sa bahay niyo, hindi 'yun ang ibig sabihin ko." Uminom ako ng kape.
Napatawa siya, "Ano ba ang trabaho na kailangan mo, hijo?"
"Anything that has to do with business management but with a high salary."
Napangiti siya pero hindi muna siya sumagot na parang pinag-iisipan pa kung anong io-offer sa akin.
"Well, I'm hiring a marketing manager right at this moment but I need high credentials." Sabi niya.
"I could provide that,"
"And about sa titirhan mo, pwede ka naman sa mansiyon ko tutal dalawa lang kaming nandoon."
Tinotoo nga niya 'yung tungkol sa bahay?
Malaki naman ang sweldo ng marketing manager, pwede na ako doon.
Pero sayang din naman ang opurtunidad, mansiyon 'yun at hindi rin naman sanay si Reese sa mga apartments.
"About that... hindi lang ako ang titira sa bahay, kasama ko ang kapatid ko."
"Okay." Ang tanging sagot niya.
Ang dali lang pala nitong kausap.
"However, I also have my conditions." Napakunot ang noo ko, ano naman kayang kondisyon niya?
"Besides being a marketing manager, you'll also be a driver of my granddaughter."
"Gagawin mo akong driver ng apo mo?" Tanong ko.
"Dadalhin mo lang naman siya sa opisina kung saan kayo nagtatrabaho pareho at uuwi din sa parehong bahay.
"Don't worry, kung anong oras ng pasok niya ay ganoon din ang sa'yo, ako na ang bahalang umayos." Paliwanag niya.
"Kung dahil 'yan sa pagpapatira mo sa amin sa mansiyon niyo, ayos na ako sa marketing manager." Sagot ko.
Umiling siya at napangiti, "You know, it comes like a package hijo."
"Kung hindi mo tatanggapin ang pagda-drive sa kaniya, hindi mo din makukuha ang pagiging marketing manager ng kumpanya ko." Dagdag niya.
Pinapalabas ba niya na wala akong magagawa kundi tanggapin ang inaalok niya?
"Hindi ba at mayaman naman kayo? Bakig hindi mo na lang ikuha ng sariling driver ang apo niyo?" Tanong ko.
"I'm the one who's giving offers here, masama bang makinabang din naman ako kahit papaano?" Ngisi niya.
"At isa pa, gusto ko ding makatiyak na ligtas ang apo kong uuwi at papasok ng opisina at mukha namang mapagkakatiwalaan ka."
At balak pa ba niya akong gawing bodyguard ng apo niya?
"Ilang taon na ba 'yang apo niyo at parang kung ituring niyo ay batang laging mawawala?"
"I think she's in the same age as you." Sabi niya at hindi ko mapigilang magtaka.
Magkasing-edad lang kami pero kailangan pang bantayan, ano 'yan bata?
"Alam kong iniisip mong matanda na siya, pero hindi ba at pabor sa iyo iyon? Hindi mo na kailangan pang mag-alala kung mag-iinarte pa ba siya na parang bata." Tawa niya.
"Kung ayaw mo naman ay hindi ko na iyon kawalan, ikaw lang ang mahihirapan."
Naiinis ako sa puntong tama ang sinasabi niya.
Kung hindi ko nga naman tatanggapin ang inaalok niya, mag-iintay pa ako sa email ng mga kumpanya.
Kailangan ko ding maghanap pa ng matutuluyan.
Pero kailangan ko munang tanungin si Reese tungkol dito.
Hindi pwedeng ako lang ang madedesisyon para sa aming dalawa dahil ayoko namang hindi siya maging kumportable sa titirhan namin.
"Pwede mo ba akong bigyan hanggang bukas para mag-isip?" Tanong ko.
Tumango siya, "Sige, aantayin ko ang tawag mo bukas." At ibinigay ang calling card sa akin.
Sana ay pumayag si Reese, pansamantala lang naman.
Kapag nakaipon na ako ay maghahanap din ako ng malilipatan namin.
YOU ARE READING
Underneath These Memories
Fiksi RemajaMemories makes all of us up. It helps us to grow and learn from the most of it, and cherish all the happy ones. But will you be the same if some of them fade away? -Between Those Pages Spin-Off Story ©to the rightful owner of the photo.