Eleventh Glitch

22 5 0
                                    

C A N D A R Y

"Bilisan mo kayang kumain!" Reklamo ko sa kasama ko.

Kani-kanina pa ako tapos kumain, pero dahil favorite ni Teffy ang Siomai rice, heto pangalawang order niya na. May naabutan pa kaming pwesto rito sa canteen buti na lang. 'Yon nga lang super init. Lalo na at ang laki-laki ng ribbon ng uniform namin. Palatandaan na, HRM, Tourism, o Hospitality Management ang course mo gaya ko.

"Eh ba't ba nagmamadali ka? May date ka ba?" Pasaring niya at kulang na lang ay ilagay sa tumbler ang sauce ng Siomai at higupin ito.

"Date agad? May kakausapin lang."

Pagkatapos ng klase sa Ethics kanina ay pinaderetso kami ni Sir Thomas sa faculty. Diniscuss niya sa amin ni Vaughn ang mechanics ng debate. May klase pa kami pareho kaya napag-desisyonan namin na after na lang namin mag-lunch mag-usap. Nagpakita raw sa kanya kagabi 'yong Vaughn na nakausap ko. Isang linggo na pala ang nakalipas! Ang bilis talaga ng araw. Curious na curious na ako kung anong sinabi nito sa kanya hmmp! Doon sa car park daw kami magkita para tahimik. Ayaw talaga ni Vaughn sa matataong lugar ano?

"Sino naman?" Kahit puno ang bibig madaldal pa rin.

"Secret." Kunwari inaayos ko na lang 'yong laman ng bag ko. Panigurado tutuksuhin niya na naman ako 'pag nalamang si Vaughn ang ime-meet ko.

"Ay ang daya ah!" Sumibi pa. Parang tanga.

Nag-earphones na lang ako para hindi ko na tuluyang marinig si Teffy. Hindi niya pa kaya ubos ang kinakain niya tapos ang daldal!

Naramdaman kong may kumalabit mula sa likuran ko kaya tinanggal ko 'yong earphone na nasa kanang tenga ko.



"Mas maganda pa ako sa araw Ary!"
Si Vil. Naka-uniform panglalaki, pero pambabae ang ayos ng mukha. Putok na putok pa sa highlights ang mukha. Wala akong masyadong alam sa make-up. Ang sabi ko bakit para siyang kumikinang noon, bago raw kasi highlighter niya. Ewan bakit bigla akong kinabahan.

"Yow! Hallu!" Pinilit kong 'wag maging awkward. Ano kayang magiging reaksyon niya 'pag sinabi kong nakita ko na 'yong matandang version niya?

"Ikaw Ary ah! What's the problem ghorl? Ba't 'di ka nagparamdam sa GC? Ano umamin na ba sa 'yo si Vaughn-Vaughn?" Humagikgik pa siya at pinaghahampas ang balikat ko. Aray hah. Nanlaki tuloy ang mga mata ni Teffy. Baka isumbong ako kay mama sabihin pagbo-boyfriend inaatupag ko.


"Vaughn pala ah!"
At nag-umpisa na nga po si Teffy.


"Yas ghorl! Magkaka-love life na bessywaps mo! Sayang 'di tayo classmates para sana mas ma-educate si Ary paano lumandi! Hihihi! Lumapit pa kay Teffy at nakipag-apir.

Patay na. Magkaklase sina Vil at Teffy noong senior high kaya mas nauna silang naging magkakilala. Pero, hindi naman sila ganoon ka-close.


"Hoy Candiarrhea! Baka naman ipagpalit mo 'ko kay Vaughn!"
Umakto pa si Teffy na nasasaktan at inilagay ang mga kamay sa dibdib.



Mabuti na lang at tinawag na si Vil ng mga kaklase niya 'ata ang mga 'yon, kaya naman nabawasan ang manunukso sa akin.

"Ikaw ah! Sabi sa 'yo may gusto ang Vaughn Voyage na 'yon sa 'yo eh! Haba ng hair sis. Naol." Alam kong hindi titigil 'tong si Teffy. Nagdahilan na lang ako na kakausapin ko 'yong umo-order ng cake sa amin ni mama. Tumango naman siya at nagpatuloy kumain. Hihintayin niya na lang daw ako sa room.

Dumiretso ako sa CR para magmumog ng mouth wash. Nagsuklay din, at naglinis ng mukha. Kahit na karamihan sa mga ka-course ko naka make-up, lipstick lang ang alam kong ilagay. Paano ba kasi mag-drawing ng kilay?! Kahit ano yatang panood ko da YouTube olats ako!


Above HeavensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon