C A N D A R Y
Sabay kaming nag-lunch ni Vaughn kanina. Humiwalay ako ng table kay Teffy, buti at sumabay sa amin 'yong dalawang classmates namin. Sinadya namin ni Vaugh na humiwalay ng seats sa canteen dahil nga may pinag-uusapan kami. Binigyan ako ng mapanuksong tingin ni Teffy Dinahilan ko na lang na may pinapagawa sa amin sa Ethics.
Nagmadali kaming kumain ni Vaughn, nagpaalam kay Teffy at pumunta sa parking lot para tahimik.Ini-stalk namin ang mga social media profiles ng mga kaklase namin. Mabuti talaga sa amin ipinagkatiwala ni Sir ang mga Cattleya notes namin. Nagsilbing basehan ang mga 'to ng mga pangalan. Ang iba sa mga kaklase namin ay hindi active, ang iba puro memes, selfies, quotes, photography, at mga kung anu-ano pa ang mga posts.
Lima sa mga kaklase namin ang pumukaw sa atensyon namin ni Vaughn. Sina Mara, Hendrix, Rina, Lourd, at Picolo. Parang emo-phase ang mga laman ng news feed nila. Pero gaya nga ng sabi ni Vaugh, 'process of elimination'. Parehas kami ni Vaughn ng naiisip na baka mamaya suicide ang dahilan ng pagkamatay. At kung ayon nga, mapipigilan namin ito sa pamamagitan ng pagngde-deduce kung sino ang mga suicidal sa kanila. Oo medyo risky pakinggan na parang ang daling manghusga, o judgemental kami ni Vaughn, minsan kasi hindi natin alam, kung sino pa ang mga madalas magpasaya, ay sila palang naghahanap ng tunay na saya.
Puro shared posts lang si Mara na tungkol sa betrayal. May naka-caption pang 'ahas', 'backstabber'. Siguro tungkol sa kaibigan. Pero mas mukhang nangingibabaw ang galit sa kanya kaysa sa lungkot eh. Ang kay Hendrix naman ay mga quotes na binasted. Napa 'juskopo' ako sa timeline niya. Pero kahit na, hindi natin alam ang tolerance ng isang tao. Bakit ba ang sama ko. 'Yong kay Rina naman about sa mga naudlot na pangarap. May caption pa siya kung bang para sa kanya ang gusto niyang profession. Samantala, si Lourd naman, parang tungkol sa pag-o-out kung sino ka talaga. May unicorn na emoji pa sa bio niya.
Ang pinakahuli naming inobserbahan ay ang kay Picolo. Nang sabihin ni sir na mababa ang mga nakuha niyang scores, at noong parang wala siya sa mood, nakutuban na ako na sa limang ito, siya ang may pinakamabigat na pinagdaraanan.
Tama nga ang hinala ko. Poker face na line art ang display profile niya, black ang cover photo. Tapos puro shared posts. Ang nakagugulat pa rito ay ang mga pangalan ng page. 'depression is life', 'anxiety', 'kill me now'. At halos lahat ng quotations ay suicidal thoughts.Ng mga oras na 'yon ay alam kong parehas ang naiisip namin ni Vaughn. Kaya naman sinadya naming hanapin siya sa IT building. May oras pa kami noon ni Vaughm dahil lunch time pa rin. Nakalagay ang course at section niya sa Cattleya note mabuti na lang. Dahil sa college, walang permanenteng room, pinagtanoong namin sa mga nasa building na 'yon at sa mga nakasuot ng IT lanyard kung may kakilala ba silang Picolo. Tinuro kami ng isa sa mga lalaking napagtungan namin. Barkada raw 'yon ni Picolo. Pero ang sabi, nasa bayan daw ito. Kaya minabuting tanungin na lang namin ang oras ng uwian nila. Alas singko. Matapos noon ay dumiretso kami ni Vaughn sa kanya-kanya naming mga klase at nag-usap na magkita na lang pagkatapos nito.
Heto ako at matiyagang naghihintay sa tapat ng building nila Vaughn. Umupo ako sa bench na nasa ilalim ng puno ng Talisay. Hapon na pero masakit pa rin sa balat ang araw. May mga estudyante na dumaraan, nag-uuwian, ang iba ay papasok palang para sa evening classes. Kinuha ko na lang 'yong notes ko para magbasa-basa. Alas kwatro natapos ang klase ko ngayon. Tumawag naman na ako kay mama, pero sabi ko si Teffy ang kasama ko. Sorry mama, mahal kita pero dapat may gawin kami. Kinulit din ako ni Teffy na sasamahan niya ako, pero nang sinabi kong sasamahan ako ni Vaugh, at tungkol pa rin ito sa Ethics na subject, ang babae ay abot tainga ang ngiti. Ang sabi ko kapag nagsumbong siya, friendship over na kami. Nakakainis. Aasarin na naman ako no'n bukas!
“Sorry if I made you wait.” Bahagyang gumalaw ang inuupuan ko nang umupo rito si Vaughn.
“Okay lang hehe.” Bakit para namang big deal ang paghihintay?
![](https://img.wattpad.com/cover/226531543-288-k530111.jpg)
BINABASA MO ANG
Above Heavens
Science FictionIn a parallel universe, are you the same person or not? Would you like it if you will meet you? If heaven is real, then what lies above it? Join Vaughn and Candary, as they follow the omens given by their future selves, and avert the threads that w...