C A N D A R Y
Miyerkules ngayon. Nag-cancel ng klase 'yong dalawa naming prof na pang-umaga at in-announce sa Google classroom kagabi. Noon ko lang din nalaman na matalik silang mga kaibigan ni Sir Thomas. Si Ma’am Jena, at Sir Ivan. Ang siste tuloy, para akong kinder na alas dos pa ng hapon ang pasok.
Kagabi pag-uwi ko, nang malaman agad na walang klase ngayon at para naman maalis ang kaunting stress na dulot ng sitwasyon naisipan kong mag-bake. Inabot ako ng madaling araw dahil mas matagal ang pag-rest sa mga dough. 'Yong mga hindi ka-komplikadong tinapay lang naman 'to. 'Di gaya ng mga mabibigat at matagal-tagal na proseso na ino-order kay mama gaya ng cake. Simpleng Red Velvet, at Banana Bread lang naman ang binake ko. Nilagay ko ito sa microwavable tupperwares. Balak ko kasing puntahan 'yong si Kaia para personal na magpasalamat sa kanya. Malaking utang na loob 'yon. Baka kung hindi niya ako nasalo, duguan din ang ulo ko.Nagpaalam na rin naman ako kay mama. Una, ayaw pa akong payagan dahil nakaka-trauma naman talaga ang nangyari. Pero sa huli, napilit ko rin siya. Pinahatid niya pa ako kay Kuya Fred hanggang terminal.
Siguro mga ala una na ako makababalik dito sa amin. May time pa naman para magpalit ng uniform no'n. Kaya naman pinili kong magsuot ng pang-alis muna. Fitted na pantalon, white sneakers at off-shoulder na puting blouse. Nilagay ko sa paperbag ang mga tinapay habang nakasukbit naman ang sling bag kong itim sa akin. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko.
Nang makarating ako sa tapat ng convenience store ay 'di ko maiwasang maaalala ang aksidente. Pinilit kong mawala 'yon sa isip ko gamit ang paghinga nang malalim. Dahil maaga-aga akong bumyahe tungo rito sa kabilang lugar, pasado alas otso nang pumarito ako.
Ganoon pa rin, tipikal na highway. May ilan-ilan na tumatawid din na nakasabay ko sa pedestrian lane. Bigla kong naalala na paano kung hindi pala ngayon naka-duty si Kaia? Masasayang ba ang punta ko? O kaya, hihintayin ko na lang siya kahit hanggang alas onse. Basta 'yong kaya pang bumyahe at hindi ako male-late sa klase.
Itinulak ko ang glass door ng convenience store. Lumikha ng tunog ang nakasabit ditong chimes. Tahimik lamang sa loob. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng aircon.
Luminga-linga ako hanggang mapako ang tingin ko sa counter. Dalawang lalaki ang nakatayo roon. Ang isa ay nakasuot ng uniform na may logo ng convenience store. Ang isang lalaki ay nagpaalala sa akin ng pamilyar na pigura. Tipikal na pang-alis ang suot niya. Gray na T-shirt at pantalon. Nag-uusap ang dalawang lalaki nang mapansin ng isa ang presensya ko. Hay bigla tuloy akong nahiya! Wala naman kasi akong bibilhin. Gusto ko lang makausap si Kaia.
"Yes ma'am? Ano pong kailangan ninyo?" Tanong nito habang nakangiti. Nagtaka siguro dahil nakatayo lang ako imbes na kumuha ng mga bibilhin.
Samantala, nakatayo pa rin ako malapit sa glass door. Lumingon din ang lalaking naka-civilian sa akin. Si Kaia nga!
"Ah-eh, si." Oo nga pala hindi ko alam ang pronunciation ng pangalan niya. Ka-ya? O Ka-i-ya? Ngumuso tuloy ako ng bahagya sa lalaking mukhang mas matanda sa akin upang tukuyin si Kaia.
"Ah. Ikaw pala hanap pre." Pabiro niyang tinapik si Kaia na ngayon nakatingin na sa akin. Aba 'wag niya sabihing nakalimutan niya na agad ako!
BINABASA MO ANG
Above Heavens
Science FictionIn a parallel universe, are you the same person or not? Would you like it if you will meet you? If heaven is real, then what lies above it? Join Vaughn and Candary, as they follow the omens given by their future selves, and avert the threads that w...