Twenty-Third Glitch

16 3 0
                                    

C A N D A R Y

Tatlong sunud-sunod na gabi kaming pumunta ni Vaughn sa lamay ni Sir Thomas. 'Yong last night, sumabay sa akin si Vil dahil naging teacher niya raw sa Purposive Communication si sir noong first year.

Araw ng Sabado, bago ang libing, gaya ng nakaugalian ng mga katoliko ay nagdaos muna ng misa. Alam kong nasa kalagitnaan ako ng pagkalito pagdating sa usapang Diyos. Pero bilang respeto, sumama rin ako sa misa ganoon din si Vaughn. Nandoon din ang mga iba naming kaklse sa Ethics at iba pang mga schoolmates. Present din 'ata ang karamihan sa mga professors. Nandoon din ang pamilya ni Picolo.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Na siya ang tinutukoy nila Vaughn na mula sa Foxtrot ang mamamatay mula sa klase namin sa Ethics. Bakit ba kasi hindi namin naisip na ang mismong professor pala? Masyado kaming nalinlang sa kinikilos ni Picolo. Wala naman din siyang kinalaman doonat walang may gusto ng nangyari. Hindi rin naman naghain ng kaso ang pamilya ni sir laban sa real estate company na may ari ng pinapatayong gusali. Ngayon, dapat naming sigiraduhin na kung sinuman ang isang tinutukoy na babawian din ng buhay ay dapat naming masagip. Masyado na yata kaming nanghihimasok. Pero kung sino rin naman siguro ang nasa sitwasyon namin ay susubukan itong kontrolin. Lalo na kung kakilala mo o baka mamaya malapit pa sa 'yo.

Ang palangiting si Threse ay halos maubusan na ng luha sa kaiiyak habang hinahatid sa huling hantungan ang kapatid niya. Ganoon din ang iba nitong kamag-anak. Si sir nga na hindi ko kamag-anak, iniyakan ko rin ang pagkamatay. Paano pa sila? Wala namang namatayan na swerte kahit pa sabihing maraming abuloy. Walang magagawa ang financial assistance kapag emosyon ang naapektuhan. Gaano ba talaga kasakit ang mawalan? Paano kung si mama-- Gusto ko munang ipahinga ang isip ko.



Kagabi, habang nililinis ko ang bag ko, at naalala na wala na palang debate sa matutuloy, chineck ko ang Cattleya note ko sa Ethics. Mami-miss ko si sir. Ang mga kakaiba niyang pananaw sa mga bagay-bagay. Ang mga sarili niyang philosophies, ang mga aral, ang lahat ng natutunan ko sa kanya hindi lang bilang isang estudyante kung hindi bilang tao na rin.

Inilipat-lipat ko lang ang mga pages nito. Nakita ang mga ilang pirma niya dahil siya mismo ang nag-check ng mga essay namin. Tuwing pagkatapos kasi ng isang chapter ay nagpapagawa siya ng reflection na essay. Ikaw ang bahala kung Filipino o English. Madalas Filipino ang gawa ko para mas ma-express ang sarili. Nakita ko rin ang mga matataas kong scores sa activity dahil sinisikap ko talaga na mag-review. Sa lahat kasi talaga ng minor subjects namin, Ethics ang paborito ko. Kung hindi kaya si Sir ang naging teacher namin, magiging paborito ko pa rin ba 'to?

Itatabi ko nasa ang Cattleya note ko nang may mahulog na maliit na papel mula rito. Base sa pagkakaalala ko, hindi ako nag-iipit ng kung anu-ano rito dahil sina-submit namin ito kay sir madalas. Nang pulutin ko ito, nakita kong may mga nakasulat pala. Akala ko scratch paper lang pero nakunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang mga nakasulat. Kakaibang characters at alam kong hindi ito baybayin, hanggeul, o japanese characters. Walang ibang nakasulat sa maliit na papel na halos sinlaki lang ng normal na sticky note, manilaw-nilaw, at may kaunting lukot. Weird. Baka may nakapag-ipit lang napagkamalang kanya ang note ko? Tapos nan-trip gaya noong uso noong elementary na magic words. Psh. Hindi kaya computers code? Pagtatanong ko na lang sa mga IT students. Nakaka-curious eh. Agad ko itong tinabi sa drawer ko.

May kung ano na para bang bumubulong sa akin na alamin ko kung ano ang nakasulat doon. Mukha kasing hindi lang trip-trip eh! Ibinulong ko ito kay Vaughn bago matapos ang burol. Ngunit nang tanungin niya kung nasaan ito, sabi ko nasa bahay hehehe. Hindi ko dinala at nawala sa isip ko na kuhanan ng picture.

Nilapitan din namin si Threse at ang mama niya bago umalis. Magang-maga na ang mga mata niya kahit tumahan na siya sa pag-iyak. Halatang kulang na kulang tulog. Sana makapagpahinga na siya pagkatapos nito.

Above HeavensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon