C A N D A R Y
"Doppelgänger! Hala sis moomoo 'yon!" Ang O.A naman nitong si Teffy. Kaya minsan ayokong nagkukwento sa kanya kahit best friend ko pa siya. Nandito kami ngayon sa bench sa football area. Dito na lang naming pinili mag-lunch dahil matao sa canteen. Mahangin, malawak. May mga estudyanteng nasa field mismo at mistulang nagpi-picnic
"Doppelgänger?" Kuryosong tanong ko.
"Oo 'yong multong nanggagaya!" Aniya.
"Hindi ako naniniwala sa multo sorry ka." Imposibleng multo yon noh!
"Sus! Pero sa aliens naniniwala ka!" Pinaningkitan niya ako ng mata.
"Pero seryoso kasi, bakit naman ako lalapitan ni Vaughn ng gano'n" Nagpatuloy kami sa pagkain. Hinigop niya 'pa 'yong sauce ng siomai.
"Baka naman type ka?" Lumaki ang ngiti sa mukha ni Teffy.
Muntik ko tuloy mabuga sa kanya 'yong kinakain ko.
Inalala ko ulit tuloy 'yong nangyari kahapon. Pagkalabas ko ng school, bago tawid-daan bumungad siya sa akin. Sorry siya nang sorry. Tinatanong ko siya kung bakit pero may tumawag sa akin mula sa likod. Nilingon ko 'yon saglit at kumaway sa kakilala ko. Pagkaharap ko kay Vaughn sana, nawala na siya. Weird.
"Hindi ah! Alam mo ba last week tinawag niya akong stalker." Para akong batang nagsusumbong dito.
"Oh?" Patuloy siyang ngumunguya.
"Tapos finallow niya ako sa twitter. O sinong stalker sa 'min ngayon!" Iniabot sa akin ni Teffy 'yong bottled water niya dahil kanina niya pa 'di mabukas.
"Sabi ko sa 'yo bet ka no'n eh!" Tinusok-tusok niya ako sa tagiliran gamit ang hintuturo.
"Hindi nga!" Hindi naman kasi talaga. Ang issue.
"Bakit pogi naman siya ah? O sige may itsura yiiiiie!" At ngayon hinahampas niya ang balikat ko.
"Isa! Itatapon ko sa 'yo 'tong tubig mo!" Pananakot ko kaya nanahimik na lang siya.
Hindi pumasok si Vaughn sa Ethics namin kanina. Gusto ko sana siyang i-message kagabi pa sa Twitter at tanungin kung bakit siya nagso-sorry kaso binura ko 'yong tinype ko. Kung tutuusin ako dapat ang mag-sorry dahil sabi ko nagda-drugs siya. Ang insensitive ko pala sa part na 'yon.
Pagkatapos naming turuan sa food carving sa major subject, nagpaalam na ako kay Teffy. Maaga ang uwian namin tuwing Martes. Alas tres palang. Tinutulungan ko rin si mama sa maliit naming bakery kaya agad akong umuuwi kapag ganito. 20 minutes ang byahe mula sa school pauwi sa bahay. Dahil maaga pa namam, naisip kong lakarin na lang 'yong terminal. Sanay ako sa mahabang lakaran, noong bata pa ako, mano-mano ako kung maghatid ng mga pa-order naming tinapay ni mama.
Nakarating na ako sa may plaza nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko mula sa likod.
"Va-Vaughn?" Nginitian ko siya ng tipid.
Bagong gupit yata. Nakasuot siya ng itim na damit at pantalon.
"Can I walk you home?" Anong niya at saka nangamot ng ulo gamit ang kanang kamay.
"Huh? Malayo bahay ko." Sayang ang romantic sana no'n. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad.
"Gano'n ba? Sige pala. Umm, Can we talk?" Aniya habang sinasabayan ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Above Heavens
Science FictionIn a parallel universe, are you the same person or not? Would you like it if you will meet you? If heaven is real, then what lies above it? Join Vaughn and Candary, as they follow the omens given by their future selves, and avert the threads that w...