Eighteenth Glitch

22 4 0
                                        

C A N D A R Y


Lunes na naman at heto't pinilit ko si mama na papasukin ako ngayon sa mga klase ko. Nakapagpahinga naman ako buong araw ng linggo.

Hanggang ngayon nagpe-play pa rin sa utak ko 'yong nakita ko noong Sabado. Nagliliyab na truck, durog na ulo, dugong umaagos palapit sa amin ni Kaia. Hays. Ang linaw lahat sa memory ko bakit gano'n? Samantalang kapag lessons agad kong nalilimutan. Siguro nga ganoon ka-active ang mga senses ko noon. Narinig, nakita, sige assume ko na na parang naaamoy ko ang dugo. First time ko makakita ng ganoon karami. Ayon, nahimatay tuloy ako.



Ang kwento ni mama, narinig nila ang ingay at na-curious din sila no'ng owner ng factory. Marami na ring taong nakiki-usyoso noon hanggang makita raw niya ang isa pang kumpulan. Nahimatay raw ako at salu-salo ako ni Kaia sa kalsada. Noong una ay pinaypayan daw ako ng mga residenteng nakakita. Noong dumating na si mama sinabi niya raw na anak niya ako at saka pinag-drive naman siya ni Miss Leiah. 'Yon nga raw na mabait na owner ng factory. Dinala raw ako sa pinakamalapit na ospital dahil takot na takot na si mama dahil wala pa rin akong malay. Siguro dahil nakalanghap na ako ng hangin, medyo nagkakaroon na ako ng malay noon. Naramdaman ko kasi 'yong pagbuhat sa akin para maupo sa wheel chair. Pero ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko. Gusto ko nang gumising noong time na 'yon dahil naririnig ko ang boses ni mama na nag-aalala pero 'di ko magawa.



Hanggang sa makaramdam ako ng sakit sa bandang dibdib ko. Namulat ako bigla. Parang ayon 'ata 'yong paraan ng nurse para gisingin ang mga nahimatay na pasyente. Diniinan niya ang bandang taas ng dibdib ko gamit ang kanyang knuckle yata? Basta ang sakit. Ayon nagising ako. Dehydrated lang daw ako sabi ng doktor. Nagpauwi ng gamot na tinitimpla na 'di ko gusto ang lasa. 'Yong bang kulay dilaw. Ah basta! Ininom ko na lang dahil sa college, 'pag umabsent ka ng isang araw, parang dalawang linggo kang nawala.





Naalala ko lang. Hindi pala ako nakapagpasalamat kay Kaia! Niligtas niya ako o ang ulo ko mula sa pagkabagok kung sakali man. Pero sabi ni mama ay nag-thank you pa rin siya. Pero kahit na iba pa rin kung akong tinulungan niya ang personal na magpapasalamat. Iniabot niya pa nga raw ang cellphone ko kay mama na nahulog. Basag na ang screen nito ngayon at ibibili na lang daw akong bago ni mama. Wala na akong malay kung sinong pumulot ng mga pinamili ko.



Pero kawawa naman 'yong driver ng truck at 'yong nasagasaan niya. Aish! Ayoko nang isipin. Literal na madugong ala-ala. Sumasakit ang ulo ko.




“Sure ka hah? Okay ka na? Baka mamaya mahimatay ka na naman.” Nag-aalalang tanong sa akin ni Teffy habang nandito kami sa university café na medyo sosyal kumpara sa canteen. Maliit nga lang pero de-aircon. Tamang glass wall, may mga upuan na may magagandang designs at magagandang ilaw. Karamihan mga prof ang nandito. May kamahalan kasi ang mga bilihin.



“Okay na nga ako. Nagtatae kasi ako no'n kaya dehydrated.”  Inanunsyo kanina sa intercomm na may meeting daw ang mga instructors ng college namin at ng CEA kaya naman naisipan naming dumito muna at umorder ng hot choco drinks. Tambay muna dahil wala pang klase.  Sabi rin ni Teffy eh para raw 'di ako mainitan.




“Sis 'pag may naramdaman kang kakaiba ah. Nag-text sa akin si tita bantayan daw kita maigi may libre akong cake sa weekend hihi.” Medyo nahihiya niyang sambit habang kumakain ng naka-stick na waffle.



“Ah kaya pala ah. May suhol! Ginamit mo pa ako para sa cravings mo!” Biro ko sa kanya.




“Siyempre utak lang. De joke, love kita ano ba!” Pinitik niya ang noo ko. Magkatapat kami ng upuan. Nangiwi ako dahil medyo masakit.



Above HeavensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon