C A N D A R Y
Ito na ang last week namin sa university bago ang Christmas break. Ang iba, patuloy pa rin sa pagpapasa ng requirements, pagpapapirma ng clearance, pagmamakaawa sa prof na mai-take ang ibang exams na na-miss nila. Dahil ayaw kong napapabayaan ang pag-aaral ko, kinumpleto ko na ang lahat sa una palang. Kahit pa average student lang ako, sinisikap ko na makapasa. Gusto ko nang magkatrabaho para maipatayo ng mas malaking bakery si mama at magkaroon din ito ng iba pang branch. Nakatapos na rin kami ni Teffy at ng iba ko pang mga classmates sa pagpapapirma ng clearance mula sa masungit na librarian, katakot-takot na dean, at mga nakabusangot na prof.
Nakakainis lang kasi at wala na nga akong iniintindi na academic-related things, pinalista naman ni Teffy ang pangalan ko sa singing contest sa paskuhan. Hindi 'yon nakakatuwa! Kahit pa sinabi niyang libre niya ang ticket sa paskuhan. Pero nakakatuwa na rin pala kasi ang bandang guest ay ang Autotelic! Yey!
Matagal na akong hindi kumakanta at tumutugtog simula nang mawala ang taong inspirasyon ko rito. Wala, siguro masyado akong bumase sa nagturo sa aking mahalin ang musika.
Parte 'yon ng program bago ang live band. Acoustic session, kung saan pwede ang open mic at mag-register bago ang gabi ng paskuhan. At oo mayroong cash prize na tumataginting na limang libo. Naikwento ko 'yon kay mama nang makita niya ako sa sala na tinotono ang may kalumaan kong acoustic guitar. Pinasadya pa namin ito sa Pampanga, may nakaukit na baybayin sa may bandang dulo ng fret— KAN-DA-RI, ang pangalan ko.
Natuwa naman si mama dahil bumabalik na raw ang dati kong hilig. Mama hindi, gusto ko lang pong pagbigyan ang kaibigan ko. At do'n, halos apat na araw yata ako ritong nag-iingay sa bahay. Nagpa-practice. Buong weekends, at halos madaling araw na rin ako natutulog. Kinakabahan kasi ako. Lalo na na-tengga ako ng ilang taon. Natatakot akong magkamali sa strumming, sa chords, sa lyrics, sa tono at sa lahat. Nakakahiya namang ipabura ang pangalan sa mga organizers ng paskuhan—ang student council.
Kahapon, pinalitan ko na ang mga strings ng gitara ko, dahil pasmado ako at may kaunting kalawang na ito. Baka sa mismong performance pa ito mapatid. Sinundo ako ni Teffy sa amin dahil eksaktong 6:30 PM daw ang simula ng acoustic session. Tuwang-tuwa siya dahil pinabaunan pa siya ni mama ng mini cakes.
Dahil haharap ako sa mga tao, pinili kong mag-ayos kahit papaano man lang. Tinirintas ko ang buhok ko magdamag para makulot nang matagal. Naligo naman ako bago 'yon noh! Nagsuot din ako ng simpleng puting dress na may manggas, na bumagay naman sa itim kong combat boots. Kunwari rock and roll pero medyo ballad ang kakantahin ko. Minake-up-an din ako ni Teffy. Sabi niya napanood niya raw sa YouTube at ulzzang girl daw ang tyle ng make up na ginawa niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy sumingkit ang mga mata ko sa eyeliner. Pwede na akong pagkamalang Koreanang hilaw.
"Tara, bilis dito tayo!" Masiglang binatak ni Teffy ang braso ko habang nakasukbit naman sa kaliwang balikat ang gitara ko.
Nandito kami ngayon sa backstage kasama ang ibang contestants. Hinahanap ko naman agad ang mga members ng Autotelic pero narinig ko sa kausap ni Teffy, na student council base sa polo shirt na may tatak, ay mamaya pa ang dating. Medyo na-intimidate ako sa ibang kalahok dahil todo ayos sila at nagvo-vocalization pa. Samantang ako tahimik lang sa isang sulok. Iniwan ako ni Teffy dahil nasabit na naman ang dila niyang madaldal. Kung hindi lang talaga niya ako nilibre ng entrance fee at kung hindiang Autotelic ang guest, wala ako rito ngayon.
BINABASA MO ANG
Above Heavens
Fiksi IlmiahIn a parallel universe, are you the same person or not? Would you like it if you will meet you? If heaven is real, then what lies above it? Join Vaughn and Candary, as they follow the omens given by their future selves, and avert the threads that w...