C A N D A R Y
Ang bilis ng panahon. Akalain mong second semester na. Pero parang dumaan lang ang mga araw. Open enrollment pa rin naman pero hindi ko na naging kaklase pa si Vaughn. Si Vil naman parang sinusundan ako dahil mag-kaklase kami sa Art Appreciation.
Kumusta na kaya si Vaughn? Ang huling balita ko tungkol sa kanya ay galing kay Rai- namatayan siya ng daddy. Nalungkot ako para sa kanya. Hindi man lang ako nakapunta sa lamay. Ang huling pag-uusap pa namin ay 'yong gabing nagalit siya sa akin. Sinubukan ko pa rin naman siyang i-reach out. Pero deactivated na ang account niya. Hiningi ko rin ang number niya kay Rai pero wala namang respond. Ang payo ni Rai, bigyan daw muna ng time si Vaughn para makapagpahinga naman sa nangyari. Naiinis ako sa sarili ko at wala akong nagawa. 'Yong papa niya pala ang mawawala. Kung para sa akin ay masakit na, ano pa kaya kay Vaughn na anak nito.
Si Sir Thomas at ang papa ni Vaughn, patunay ngang ang nangyari na sa Foxtrot ay mangyayari pa lamang dito sa Earth. Mas lalo akong natakot nang mag-flashback sa isip ko na posibleng maging mamamatay tao si Vaughn. Higit pa roon, ay mawawala si mama nang dahil sa kanya.
Vaughn, Candary, na mula sa 'di kapani-paniwalang lugar, kung naririnig ni'yo man ako, gabayan ni'yo kami sa mga mangyayari pa.
* * *
Off to Volume II!
Thanks for reading!💙

BINABASA MO ANG
Above Heavens
Science FictionIn a parallel universe, are you the same person or not? Would you like it if you will meet you? If heaven is real, then what lies above it? Join Vaughn and Candary, as they follow the omens given by their future selves, and avert the threads that w...