Why
Keeyah's Point of View.
Hindi ko namalayan na malapit na kami sa sinasabing villa ni sir. Nagising ako dahil sa init na nanggagaling mula sa labas ng bintana and saw a convenience store in front of us. Napalingon ako sa aking gilid and haven't seen Dreyson.
I rubbed my eyes gently and stared at his seat. "Where is he?"
Napatingin ako sa oras mula sa kotse and it's 8:42 AM. Mukhang mas maaga pa sa inaasahan kong oras even though marami ang nalate at hinintay kanina sa school.
I saw Dreyson going out from the convenience store, holding two cups of coffee and a plastic bag na meron pa atang laman na pagkain.
He knocked on my door, without saying anything I opened it. "Let's eat," ngumiti sya.
Tumango lang ako at tinanggap yung cellophane. Lumipat sya sa kabilang seat. "Nagutom ka ba sa byahe?" I asked, staring at my coffee. It's too hot for me to drink it so I prefer drinking it later.
"I just thought that it's still too early so I stopped here," sagot nya at kumain. Nilagyan nya muli ng manhattan dressing yung sausage nung napatingin sya sa akin. "Why aren't you eating? Kargado pa ako ng konsensya ko pag nahimatay ka sa first day mo." Sinabi nya yun na parang ina ko.
I rolled my eyes and eat. "Totoo ba na aalis ka talaga? Diba yun joke ang sinabi mo kanina?"
"If only that was a joke. Why?"
"Wala naman. Bawal ba magtanong?"
"Not unless you're curious or you don't want me to leave you," ngumisi sya ng nakakaloko.
Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. "Siraulo ka talaga! Tsk," inis na inis kong kinagat ang bun na kanina ko pa kinakain. Agad ko ring ininom ang napaka-init na kape dahilan para mapaso ang dila ko.
KALOKA! Nadala kasi ako ng emosyon bwiset.
"Are you okay?" Natataranta nyang nilagay ang kape ko sa ibabaw. "It's hot, Minami. Be careful."
Pagagalitan nya ba ako o tutulungan? Kumuha sya ng tubig sa likuran at agad na pinainom sa akin. Nahimasmasan naman ng konti ang dila ko kahit papaano.
"What would you do if I'm not here with you?" his brows met at the center of his temple. Ghad, looks so cool.
Nagulat ako sa kanyang sinabi. "B-Bakit ka galit?"
Agad din syang bumalik sa dati at kumain ulit. Hindi nya man lang ako nagawang sagutin. Tsk.
After we ate, we decided to hit the road again. Dapat kasi saktong 9:30 AM andun na kami sa Villa Mercedes or else absent na ako sa record ni sir. Dejke. Mahigpit kasi sila sa oras ng dating at alis.
Bumaba agad ako ng kotse at lumapit kila Odette pagkatapos. Niyakap nya ako at ngumiti tsaka n'ya ako pinaulanan ng tanong.
BINABASA MO ANG
Falling for the Good Girl | Reposting
Teen FictionWhen Minami Keeyah Fletcher's heart got broken for the second time, she escapes reality and went abroad to finish studying in order to create her name in the fashion industry. She was invited to a friend's wedding party and decided to come back home...