Chapter 14

142 4 1
                                    

Girlfriend




Keeyah's Point of View.



"Class dismissed!" lumabas si Prof Hylos ng classroom dahilan para mabunutan ako ng tinik kahit papaano. Nakakapressure kasi ang mga sinasabi nya sa akin nung pinasa ko na sa kanya yung form.



-Flashback-



Pinuntahan ko si Prof Hylos kaninang umaga para magpasa ng form. Sobrang aga ko kasi para atleast hindi mag-abot ang landas namin ni Dreyson, kahit na alam kong iniiwasan nya ako. Psh. Like I care uy!


Nadatnan ko si sir na nagkakape at nakaupo ng maayos. Kagaya pa rin ng dati, mas angat talaga sa paningin ang kanyang malaking tiyan at butones nyang pilit humahawak sa sinulid. Nakakaawa yung mga butones, hayst.



"Sir, heto na po pala yung form ko," nilahad ko sa kanyang table yung papel.



"Ah thank you for bringing this, Ms. Fletcher. Tutal naman andito ka na, bakit hindi ka magkape muna?" Inalok nya ako casually na parang isa rin akong instructor dito sa university.



Aba, iba ako kung tratuhin ni sir ngayon ah? Hindi sya ang kilala kong terror na professor ng BS Fashion Designing.



Gustuhin ko man magkape wala na akong oras. Isa pa, takot ako na baka dumating agad si Dreyson kaya nga inagahan ko ang pagpunta dito.



"Wag na po sir. Nakakahiya naman," ngumiti ako ng pilit.



"Ganun ba. Anyways, I have to discuss something," pinaupo nya ako sa kaharap nyang upuan. Ang lalambot ng upuan rito at napakalamig pa ng aircon. Halatang mayaman ang university, hekhek. "Taylor's Chalk is not just a mere contest or event. Alam mo naman siguro yun, Ms. Fletcher?"


Gusto ko syang sagutin ng 'Wala po akong alam sir' kaso baka magalit kaya tumango na lang ako at um-oo.



"Isa ito sa mga contest na may matataas na parangal and besides you're bringing and presenting the university's holy name," tapos dinipa nya pa yung kamay nya na parang winewelcome ang isang panauhin.


Kaloka si sir, muntik ng matamaan ang mukha ko. At kung maka-holy naman ito parang napakabanal ng school namin, juskopo.



"Oo nga po e. Kaya gagalingan ko," ngumiti ako ng pilit. Parang matatanggal yung labi ko kasi pinipilit ko ang hindi naman dapat.



"Mananalo ng isa't kalahating milyon ang tatanghaling champion Ms. Fletcher kaya dapat kang manalo. Bibigyan rin ng parangal sa kung sino man ang naghirang sayo as apprentice kaya importante din ito sa part ko," napapikit sya at hinawakan nag kanyang dibdib na parang kakanta ng Lupang Hinirang. "And lastly, the grand prize will be a scholarship in Paris Hillton University with free trip expenses and allowance." Tapos kumikinang na ang mga mata ni prof Hylos.



P-PARANG HINDI KO NA SYA KILALAAAA!


Atsaka.. I can't believe what I'm hearing right now. May scholarship sa Paris University? Yun ang pangarap kong lugar na pwede kong pagtrabahuan. After I graduate here, doon ko balak magtrabaho para mas lalo pang mahasa ang kakayahan ko as Fashion Designer.


Pinapaliwanag nya lang sa akin ang lahat ng ito nung may sumagi na tanong sa isip ko. "Kung ganun po nakapunta na rin kayo sa Paris?"


Umiling sya ng dahan-dahan. "I've never been to Paris or Paris University. Mas pinili kong iwan na lang ang pangarap ko dito sa Pilipinas kaya gusto kong matupad ang mga pangarap ng estudyante ko," he sips from his coffee. "Because watching my students grow is also a dream come true for me." Ngumiti sya sa akin.


Falling for the Good Girl | RepostingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon