Lagnat
Frost's Point of View.
Inihiga namin sya ni Luke pabalik sa kanyang kama. She was sleepwalking kanina kaya nabahala kami. Isa ito sa mga ginagawa nya kapag nilalagnat at hindi pa kami nangangalahati sa maaaring mangyari. *facepalm*
I heaved a sigh when I realized na tulog pala sya habang naglalakad kanina. Halos lumabas na yung puso ko literally dahil sa kaba when I saw her standing. I thought she saw us, yun pala nagssleepwalk lang.
"Let's let her sleep," bulong ni Luke habang papalabas kami ng kwarto.
Napabuntong hininga ako. I felt relieved after knowing na hindi talaga gising si Keeyah. Gosh! Pulang-pula pa rin ako ngayon dahil sa ginawa ni Luke sa akin kanina.
Sabay kaming napatingin sa isa't-isa nung may nagdoorbell mula sa gate. Ang tagal nya pang natapos magpindot-pindot.
"Sino ba yan?" I asked.
Luke shrugged. Parang wala rin syang clue kung sino yung nagdodoorbell. "I'll get it."
I glanced at my watch and it's already 4 PM exactly. Sino naman kayang bibisita kay Keeyah sa mga oras na ito ng ganito kalate?
Naupo ako sa sofa. Bumalik si Luke kasama ang dalawang matatangkad at nakakasilaw sa kagwapuhang lalaki. Kilala ko ang isa sa kanila, but the other guy who's wearing a black leather jacket? I don't know him.
May hawak sila parehong bouquet and pagkain para sa may lagnat. Tinignan ako ni Dreyson at bumati. Ganun din yung isang lalaki pero hindi ko sya kilala.
"You're here too?" Dreyson asked, putting his foods on the table.
Tumango ako. "Kaninang umaga pa." Tinignan ko ang lalaking kinakausap ni Luke. "Sino yan?"
"Fvckin' asshole," malamig nyang tugon. Dreyson hates everybody lalo na sa mga taong may gusto kay Key.
"Selos ka pa dyan," ngisi ko.
Sinamaan nya ako ng tingin at pinuntahan si Key sa kanyang kwarto. Hindi naman sya pinigilan ni Luke kasi may lagnat si Key ngayon, ayaw nya munang manggulo kahit paano.
"Salamat sa pagbisita, Rence," ngiti ni Luke sa kanyang kausap.
"No problem. This is for Key and I bought some healthy vitamin drinks." Ngumiti ito at kapansin-pansin ang napakalalim nitong dimples.
"Key's resting. Just on the second floor, may pangalan naman sa harap ng kanyang pintuan kaya malalaman mo agad."
Tumango lang ito at tinignan ako. "Hi, miss."
I just smiled. He seems nice and handsome pa. Mas mukha syang mabait kesa kay Dreyson. Tinignan ako ng masama ni Luke.
"Tingin-tingin mo dyan?" I raised my brow.
"That's Limerence Buenavista. Instructor sa Claverion University."
"Wala akong tinatanong."
"Your thoughts did," inismidan nya ako.
Kainis!
Dumiretso sya sa kusina para maghanda ng makakain namin tapos bumaba na yung dalawa mula sa kwarto ni Key. Wala naman siguro silang ginawang masama sa loob kasi nafefeel ko yung electric circuit sa pagitan ng dalawa.

BINABASA MO ANG
Falling for the Good Girl | Reposting
Fiksi RemajaWhen Minami Keeyah Fletcher's heart got broken for the second time, she escapes reality and went abroad to finish studying in order to create her name in the fashion industry. She was invited to a friend's wedding party and decided to come back home...