Keeyah's Point of View.
Umuwi kami ni Luke sa bahay na walang imikan. Mukhang hindi sya galit sa akin pero kay Dreyson, oo. Kung bakit ba kasi kailangan nya pa kaming abutan na nag-uusap? Hindi ko kinausap si Luke dahil nararamdaman ko na ayaw nyang makipag-usap sa akin. We're in Cold War since yesterday.
"Hey," sumulpot na parang kabute yung gwapong may dimples. Nakapout pa sya habang may hawak na soccer ball. "Studying?"
"Malapit na kasi ang pre-test namin kaya kailangan kong magreview," sagot ko nang hindi sya tinitignan. Hindi pa sumisikat ng maganda yung araw, sinisira na nya. Sya pa naman ang dakilang stalker ko.
"So... sya pala yung Dreyson?" tanong nya na may halong pang-aasar.
I almost broke my pencil because of that name. Paano ba naman kasi? He says Dreyson's name casually but this guy doesn't know na affected ako sa pangalang binabanggit nya.
"Oo bakit?"
"He's a bit much," nilalaro nya yung bola sa mesa. "What happened last night? You suddenly ran away with him and Luke was really frustrated."
I put my pencil down at hinarap sya. "Wala, may pinag-usapan lang kami."
Akala ko titigilan na nya ako pero humahabol pa sya ng iilang tanong. Nag-iinterogate na sya, parang may planong magpulis in the future.
"So you like him?" he batters.
My pencil broke dahil sa diin ng pagsulat ko. Ano bang sinasabi ng lalaking ito at ayaw nya akong tigilan?
"Hindi ko sya gusto, wala akong gusto sa kanya," kabadong-kabado ako ngayon.
Hindi sya nagsalita, namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Nagpatuloy ako sa pagsusulat ng keywords para sa pre-test next week nang magsalita ulit sya.
"Does he like you?" tanong nya ulit.
Halos mabutas na yung papel na sinusulatan ko dahil sa inis. Nakakainis ang lalaking ito at nakakairita pa, package deal. Gwapo sana, matipuno, at attractive kaso may pagka-abnormal ang loko.
I heaved a sigh before answering his so called survey. "Bakit hindi sya ang tanungin mo?" pagtataray ko upang tumigil sya sa katatanong. Hindi kasi ako makapag-concentrate sa inaaral ko dahil sa kanya.
"Hmm, nope. I'm gonna find out myself," presko nyang sabi tsaka sya tinawag ng isa sa mga players ng soccer team.
Mukhang tapos na ang break nila, mabuti naman kung ganun dahil wala nang mang-iistorbo sa akin.
"I'll see you around miss Tatanga-tanga-na-tinamaan-ng-bola," he smirked, mas lalo ko lang napansin ang dimples nya.
Napabuntong hininga ako at bumalik sa pag-aaral kaso naputol pala yung lapis na ginamit ko kanina. Grr! Kasalanan ito ng lalaking iyon e. Bwisit talaga!
"Saan ka galing, Key? Kanina ka pa namin hinahanap," tanong ni Odette nang makapasok ako sa classroom.
Nagtataka akong umupo upang makinig sa kanya. "Bakit? May problema ba?"
"Wala naman. May sinabi kasi si Prof Hylos kanina tungkol sayo."
Binitiwan ko ang cell phone na kanina ko pa hawak at nakinig sa kwento ni Odette.
"He told me na you should join the competition next three weeks. Nakita ni Prof Hylos ang ginawa mong costume ni Snow White and he loves it kaya pinapapunta ka nya sa office mamayang uwian."

BINABASA MO ANG
Falling for the Good Girl | Reposting
Novela Juvenil[BAD BOY SERIES #2] When Minami Keeyah Fletcher's heart got broken for the second time, she escapes reality and went abroad to finish studying in order to create her name in the fashion industry. She was invited to a friend's wedding party and decid...