Chapter 29

85 4 3
                                    

Whatever I Want




Keeyah's Point of View.



Kumalabog ang pintuan dahilan upang mapadilat ako sa gulat. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha, but I could see his silhouette.



"Minami?"



Nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ang kanyang malalim na boses. Umaksyon s'ya ng isang kapa pero agad ko itong hinawi dahil muntikan na n'yang mahawakan ang dibdib ko.




"Lumayo ka."




"So it's you. Thank goodness I finally found you."




May hinablot s'ya mula sa kanyang bulsa saka nagliwanag ng konti ang loob ng cabin. Yung flashlight mula sa kanyang phone.



Nanlaki ang kanyang mga mata nang itutok niya sa akin ang napakaliwanag na ilaw.




"Y-You're naked," nautal pa siya.




Nahihiya kong tinakpan ng kumot ang buo kong katawan. I'm red as hell for God's sake.




"Tumalikod ka kasi!" untag ko na agad n'ya namang ginawa.




Initsa n'ya sa akin ang isang plastic bag. "I brought this for you. You should change."





"Thanks," may laman itong damit, may underwear din... kaninong underwear naman kaya ito? Ah, hindi ko na yun problema.



Nanatili s'yang nakatalikod habang mabilis akong nagbihis. He asked if I'm finished kaya agad din syang humarap sa akin.




"Do you feel cold?"




Umiling ako. "Hindi na masyado. Thank you."





Damn it. I can't look directly in his eyes. What should I do? I should be more careful of what I wish for next time.



He put his phone on the sidetable. Kung bakit ba kasi hindi nakaabot ang Meralco rito tsk.



He took off his raincoat as well as his wet shirt. Napapikit ako agad at baka hubarin din nya ng wala sa oras ang kanyang pantalon. Baka may makita pa akong magandang view. Pero wala naman pala.




"I also brought water and biscuit," sabi n'ya nung napansing nakapikit ako.




Para syang boy scout na handang-handa. "Hulaan ko, boy scout ka dati no?"




Inismidan n'ya lang ako at naupo sya sa maalikabok na sahig. Sinandal nya ang kanyang braso sa kanyang tuhod at huminga ng malalim.



"Just eat, Minami."



Napalunok ako. Tsk, napakapalautos talaga. Shet na abs yan, mas lalo lang gumanda ang hubog ng kanyang katawan after 5 years. Expected ko na tataba s'ya o magkaka-bilbil pero wala. Expect the unexpected.


Falling for the Good Girl | RepostingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon