Ulan
Keeyah's Point of View.
"Sa hindi inaasahang panahon, uulan ng malakas mamayang alas tres ng hapon. Pinag-iingat po ang mamamayan para sa maaaring pagdanak ng malakas na ulan at matinding hangin na dulot ng cold front ni Hanging Amihan. Huwag pong kakalimutan ang pagdala ng payong at anumang panangga sa ulan... Dumaan naman po tayo sa chikahan..."
Nakatanggap ako ng isang text message mula kay Dreyson. Magkikita kami 3PM sa Rizal Park. Mamaya nya pa raw ako masusundo because he's trying to finish checking unfinished papers last week. Nakalimutan nya kasing ipasa sa Dean ang mga importanteng papeles na iyon dahil sa pagiging pre-occupied ng utak nya.
Me: okay
Sent...
Hindi naman sya nagreply pagkatapos. Halatang busy talaga. Ayaw nya rin na papuntahin ako ng school, hindi ko alam kung bakit. Tsk.
Kumuha ako ng chichirya at nilipat ang channel sa Star Movies. Simula nung nalaman ko na gusto ito ni Dreyson, hindi ako nagdalawang isip na gustuhin na rin. Besides, magaganda ang classic movies rito, kahit minsan hindi ako nakakarelate.
Niluwa si Luke ng pintuan ng kanyang kwarto at tinignan ako. Nakatopless ang loko at halatang bagong ligo dahil sa black face towel na nakalagay sa kanyang balikat.
"What are you eating?" Kumunot ang kanyang noo.
"Cheeze it, bakit?"
Bumaba sya para kunin yung buong wrapper. "Huy tangina mo, Luke, ibalik mo nga sa akin yan!" Pinilit kong abutin kaso matangkad talaga sya at partida, nakapatong pa sya sa sofa.
"Bleeh, alam mo namang gusto ko nito diba? Favorite ko kaya ito. Babush!" tumakbo sya pabalik sa kanyang kwarto at nilock.
"Pakyu ka, Luke!"
Galit akong umupo pabalik pero naisip ko na kumuha na lang ulit ng junkfood sa ref. Maggrocery naman si mommy bukas sa pagkakaaalam ko, kaya ok na rin siguro ito.
Napapikit ako habang nanonood ng movie. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng mga oras na iyon.
Nagising ako at bumungad sa pinto si Luke na naka-raincoat at basang-basa. Kinusot-kusot ko muna ang aking mga mata bago tuluyang magsalita.
"Saan ka galing?"
"Sa labas, bumili ng pagkain pambawi sa Cheeze it na kinain ko kanina." Tinapon nya sa akin ang isang cellophane na naglalaman ng iba't-ibang chichirya.
"Umuulan ba?"
"Obviously, yes," nagtanggal sya ng sapatos at hinubad ang basang tshirt nyang suot. "Bigla na lang umulan. Mabuti at may raincoat ako sa bike ko." Dagdag pa nito.
Kumakain lang ako ng Moby nung mapatingin ako sa wallclock na nakasabit sa dingding namin. Alas kwatro na pala ng hapon! Juskooo. Agad akong nataranta at hindi mapakali. 3PM kami magkikita ni Dreyson pero 4PM na at hindi pa ako naghahanda. Ang himbing kasi ng tulog ko, pota talaga.
"Sira ba ang orasan natin?"
"Philippine Standard Time yan. Pinapalitan ng batteries kada taon. Kailan pa yan hindi umandar?"
"Shit!"
Napamura na lang ako habang nagmamadaling nagbihis ng damit, kaya sinundan ako ni Luke ng tingin. Agad kong kinuha ang aking cell phone at tinext si Dreyson. Meron syang dalawang messages na di ko pa nabubuksan.
BINABASA MO ANG
Falling for the Good Girl | Reposting
Novela JuvenilWhen Minami Keeyah Fletcher's heart got broken for the second time, she escapes reality and went abroad to finish studying in order to create her name in the fashion industry. She was invited to a friend's wedding party and decided to come back home...