Chapter 25

101 3 0
                                    

She's Coming With Me



Keeyah's Point of View.


Maybe field trips are not that bad. Nakakatrauma kasi yung kinder moments ko kasama si Luke. Hindi pa kami magkakilala ni Frost noon, super bata pa kasi namin. Si Luke kasi e kainis!


Nagpunta kaming crocodile park kasama yung tour guide na babae. Excited ako nun, super excited the moment na hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya pagod na pagod ako kinabukasan. Pagdating namin sa site, super daming buwaya na pinapakain nung lalaki sa loob. Nakakatakot tignan pero gusto ko ring magpakain nun, kaso hindi pwede dahil bata pa raw ako.


Sunod naming pinuntahan yung Ostrich, allowed silang pakainin pero etong si Luke parang buang na nilagay ang pagkain ng Ostrich sa ulo ko kaya yun ang pinagtripan ng ostrich. Ang sakit nga e, parang nabubunot pati buhok ko. Iyak ako ng iyak nun, hanggang sa nakauwi kami. Hindi ko sya kinausap ng isang buwan bwiset talaga. Salamat sa kanya at ganito ako kabitter kapag may field trip. Pero hindi naman siguro sa Crocodile Park, sa isang villa daw sabi ni Chloe kanina.



Mukhang masaya kaya sige sasama na lang ako. Tsk. Halatang napipilitan ako rito ah. If it's not what prof Hylos said, hindi talaga ako sasama. Kaso part pala ito ng training ko as contestant, no choice ako but to follow my so-called mentor's order.



Nag-impake ako kagabi kahit na sa Sabado pa ang aming byahe papunta sa Villa Mercedes. Pag-aari iyon nang isa sa mga faculty members, it's a family villa daw kaya dapat feel at home kami. Hindi pa ako nakakapunta sa kahit na kaninong villa but I'm pretty sure na malaki at makapangyarihan kung sino man ang nagmamay-ari nun sapagkat sumang-ayon sya sa suhestyun ni prof. Hylos.



"Why are you packing?" tanong ni Luke, sumandal sya sa pader malapit sa aking pintuan at tinitigan ako ng masama.


"Field trip daw namin this Saturday," nilahad ko sa kanya ang isang parent's consent.


Yes, matatanda na kami pero binibigyan pa rin nila kami ng ganito. Ayaw kasi nila na masangkot ang university if ever may nangyari sa aming masama.



"Should I sign this? Wala pa si tita Nami."



Tumango lang ako at nagpatuloy sa pag-iimpake at pagtupi ng damit. Iniayos ko rin ang pagkakalagay ng aking underwears at baka sumilip pa ito sa bagahe ko. Isang backpack lang ang balak kong dalhin and may iilan akong traveling bag na dadalhin ko rin. Wala ako sa mood para magmaleta kasi hindi ko bet. Isa pa, three days and two nights lang daw kami sabi ni Chloe so it's better if iilang damit lang ang dadalhin ko.



"Oh ayan. Malayo ba ang Villa Mercedes na yan?" Inabot nya sa akin pabalik ang consent. Mukhang nabasa nya ang name ng villa mula rito.



I shrugged. "I dunno, hindi pa nga ako nakakapunta. Biglaan kasi ito tsaka once in a blue moon lang daw sabi ng classmates ko."



Tumango lang sya at tinignan akong nag-iimpake. "Magluluto na lang ako. Baka gutom ka na," bumaba sya patungo sa kusina.




Mabuti na lang at bigla nang bumait si Luke. Bumalik na ang dati kong pinsan sa dati nitong ugali. Bumaba rin ako pagkatapos n'yang magluto at sabay na rin kaming kumain. Napa-overtime si mommy sa boutique dahil sa orders ng kanyang client, which were wedding gowns. Yup, our family now owns two branches of boutiques kaya nga ko gustong kumuha ng BS Fashion Designing para matulungan ko si mommy kahit papaano.



Lumipas ang ilang araw at Sabado na nga. Nakahilera isa-isa ang aming mga bagahe sa labas ng bus kung saan kami sasakay. Isa-isa nila itong pinasok sa malaking trunk ng bus and professor Hylos was busy contacting other late students. Mag-aalas sais na kasi ng umaga and the call time was 5AM in the morning.


Falling for the Good Girl | RepostingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon