Chapter 28

68 4 1
                                    

If Only





Keeyah's Point of View.




"Group yourselves into six. Groups should consist of three girls and three boys..." sabi ni professor nang makompleto kami rito sa may gazebo.



Gusto sana ni Lance na kila Odie sumali kaso mukhang galit pa ata s'ya sa kanyang boyfriend. Hindi ko alam na seseryosohin n'ya ang biro ko kaninang umaga. Ayan tuloy, hindi ko tuluyang matingnan si Lance sa mata n'ya.




"After grouping yourselves, proceed to a quiet place. Start sketching a nature-inspired or nature themed dresses in your sketches. I will give you five hours until you're finish and use nature's resources okay? Good morning and see you before lunch," dinismiss n'ya kami agad at umalis.




Nakatunganga lang ako habang nakaupo sa bench. Ano bang ideya tungkol sa nature? I've seen many inspiring gowns and dresses from Facebook, maybe I should put a twist na lang and finishing touches.




"Key, maglalakad-lakad muna kami. Gusto mong sumama?" Aya ni Lance habang may hawak pa na sketch book.





Umiling ako at ngumiti. "Mamaya na lang ako, Lance."





I prefer to be alone while doing my thing than being with my colleagues. Mas nakakapag-isip ako ng maayos kapag ako lang mag-isa. Bumabaha ng ideya ang utak ko.





Kasama ni Chloe sila Lance at Harold. Si Morisette naman kasama ata si Eric kasi nakita ko silang magkausap kanina. Mukhang may pinagkakasunduan naman pala ang dalawa kahit papaano. I thought they are always fighting over nothing.





Tumayo ako at nagpunta doon sa pathway kung saan nakita namin ang malaki at magandang puno ng acacia. Ewan, pumasok na lang basta sa isip ko na mabibigyan ako ng ideya ng puno na iyon. So I decided to go there even though it's dangerous kasi nasa masukal iyon na part. Anyway, hindi naman siguro ako maliligaw sapagkat maaga pa at tirik na tirik pa ang sikat ng araw.




"Key, sa'n ka?" tanong ni Hailey nang makita ako paalis.




"Sa may puno ng acacia lang. Babalik din ako agad," paalam ko. Tumango lang s'ya, looks like she doesn't know na may puno ng acacia sa masukal na gubat.




Naglakad ako papunta roon. I brought my phone just in case something happens, no need to worry. Tumawid ako sa hanging bridge at nakarating sa pathway. May dalawang daan ito pero naalala ko na dumaan kami sa right side noon. Lumipas ang ilang minuto at narating ko ang acacia tree. Mahangin saka ramdam na ramdam mo ang malamig na ambience mula sa mga puno.




Naupo ako sa lilim nito at agad na pinwesto ang aking sketchbook sa aking paanan. I have to start drawing, I have an idea kaya ayokong mawala iyon sa utak ko. I started sketching a certain dress, sabi ni sir dapat nature inspired kaya naisip ko na lagyan ng ilang acacia leaves para matingkad ang kulay sa mahaba nitong palda.

Falling for the Good Girl | RepostingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon