Chapter 1: Imperial Affliction

427 38 18
                                    

: Imperial Affliction

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

: Imperial Affliction

Imagine, what if a messenger of death suddenly called and forwarned you that any time from now on you could possibly be in your doom? How would you react and what would you do?

Karamihan, siguro gagamitin ang mga natitira nilang oras para mamaalam, gumawa ng will and testament, o 'di kaya'y magbigay ng mga huling habilin para sa mga taong maiiwan nila at minahal nila.

Mayroon din namang ilalaan ang mga natitirang paghinga nila para gumawa ng mabuti sa iba, mag-bigay ng charities, tumulong, magpatawad, humingi ng tawad, o kaya naman ay pumunta sa simbahan para magbalik-loob kay Lord.

Para naman sa mga sigurista, pipiliin na nilang sila mismo ang magsimulang mag-ayos sa funeral nila kahit na hindi pa naman talaga sila namamatay. Oh 'yung kabaong dapat gold, 'yung theme dapat rainbow, saka dapat may smiley face ang lapida. Parang gano'n.

Mayroon ding ilalaan ang mga natitirang pagkakataon nila para yakapin nang napakhigpit ang mga bagay, tao, o ano mang nilalang na mami-miss nila—kung sakali mang nakaka-miss nga ang mga patay na.

While, there is also a greater chance that some would choose to spend their remaining hours to live at their fullest, give their best shots, and try things they never did before on their existence. For example: travel, take the craziest rides in an amusement park, eat exotic foods, cliff dive, or even search for an intimate night.

Of all those choices I mentioned, wala akong ni isa mang pwedeng piliin. In my state right now, those possible plans dying people could do are prohibited to me...to us...to people who are suffering the same state as where I am—being a Covid-19 patient.

"We're sorry Mr. Martinez, but your daughter tested positive for Covid-19."

Iyon ang mga eksaktong salita na nagpatigil sa mundo namin ni Papa kaninang umaga. 

Kaninang madaling araw lamang, nakangiti pa kami. I was already eager and excited to go home after my almost 3-day of fever finally went off. But in just a snap, my hopes faded.

With that one sentence coming from a doctor, my life suddenly became obliterated.

Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng test na pwede akong pumasa, bakit sa corona virus pa?

I never wished for this. I never imagined myself being the first positive Covid patient of our locality...

It was three days ago when I experienced a heavy fever. Papa sent me here in the hospital, despite the thought na kasagsagan na ng pandemic at pwede akong maging suspect sa corona virus disease. Nang oras na 'yon, confident pa kami ni Papa na hindi Covid ang nararamdaman ko dahil wala naman nang ibang sintomas na lumabas sa akin. Isa pa, I rarely had illnesses before.

Syempre, as we went to this hospital isinalang pa rin ako sa swab testing. It's a protocol daw lalo na't unti unti nang dumarami ang kaso sa bansa. I became a suspected patient lalo na noong nalaman nilang nagkaroon kami ng travel history ni Papa mula sa Metro Manila bago pa sila isalang sa ECQ.

Am I Dying, Doc?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon