Chapter 16: Unexpected Pains

61 13 5
                                    

: Unexpected Pains

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

: Unexpected Pains


"Kamusta...April?" she initiated.

I gasped and tried to compose myself as I look through her face. Years had passed, but still, she holds the same features when she left us. Her light complexion that I probably inherited still runs throughout her body. Ang ngiti niya, tulad pa rin ng dati. Mula sa mala-rosas na kulay ng kaniyang labi, matangos na ilong, at ang hulmadong check bones niya, masasabi kong hindi pa rin talaga kumupas ang ganda niya.

It has been quite long time, but her face still remains comforting. She's beautiful. Too beautiful to be the cause of someone's agony...

Napalunok ako at saka bahagyang ngumiti. Wala naman na akong nagawa kundi kunin mula sa kamay ni Doktora Via ang tablet niya. Sa loob-loob ko, gusto kong kwestyunin si Doktora kung tama ba 'tong mga nangyayari. Bahagi pa ba ng medication ko ang kausapin ang isang taong matagal na ring nawala sa buhay ko?

Would having a conversation with my mother ease the pains and sufferings I'm experiencing now?

"April, I'll just have to go out. Kukuhanin ko na ang hapunan mo," biglang pagpapaalam ni Doktora Via. Tinitigan ko na lamang siya nang ibaba niya sa isang tabi ang mga diagnostic papers na dala niya saka tuluyang lumabas na sa kwartong ito.

This is awkward. I maybe physically alone, but virtually, someone is connected with me right now. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung paano ko 'to iha-handle. I don't know why these things have to happen now that I'm in this situation.

Kailangan ko ba talagang pasanin ang lahat ng uri ng sakit? Hindi ba pwedeng pumreno muna? Kailangan ba talaga sabay-sabay at sunod-sunod?

"April..." she called me up again. Dahan-dahan ko namang naibaba ang mukha ko sa harap ng tablet na nakapatong sa magkadikit kong hita. I  tried to look normal and composed. I didn't give any signs of amuzement from her presence now.

"Y-yes?" tipid kong sagot, hindi sigurado kung tama lang ba ang lakas ng boses ko para marinig niya. Sumilay naman ang maikling ngiti sa labi niya kaya't napanatag ako.

"How are you, anak? Are you doing well there?"

The moment she said those words, saka ko lang napansin ang mga mata niya. Her eye color is ranging from dark to light brown. It was also mesmerizing. But aside from the beauty of it, one thing that deeply captured me is the emotion that it envokes to me. Namumula ang mga mata niya at halatang nanunubig. Malungkot ang mga ito...

Imbes na sagutin ang mga tanong niya, napunta ang isipan ko sa sariling mga katanungan ko sa kaniya. "H-how did you know...that I am here? Paano niyo nalaman na—"

She cut me off. "Because I'm your mother. I should know." May diin ang kaniyang boses. Napasinghot pa siya at mukhang nasa verge na ng pag-iyak. Bahagya naman akong nabigla dahil dito.

Am I Dying, Doc?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon