: Pinch Of Sufferings
I took a deep breath and fixated my eyes at the back of Doctor Angelo. An inch away from the foot of my bed, he's there, almost kneeling while setting again his laptop on a small white table.
"Dejavu..." I whispered, unconsciously spacing out. Napalingon naman siya nang biglaan sa akin kaya't natigilan ako.
"What was that?"
I instantly shook my head and let out a weak smile. I winced. "N-nothing." My voice almost sounded like a trembling machine. Nangangatal at tila unti-unting nauubusan ng hinihingang hangin.
Ngayon ang ika-walong gabi ko sa hospital na ito. Kung tutuusin, isang linggo pa lang pala ang lumilipas, pero para sa akin, parang isang mahabang panahon na ng pagdurusa ang nararamdaman ko. Pilitin ko mang pagaanin ang kalooban ko gamit ang mga salitang palaging pinapaalala sa'kin ni Doc, tila bumabalik lang lagi ang pakiramdam ko ng kawalan ng pag-asa kasabay sa bawat paglipas ng oras.
It's as if as a cycle-in a circular, bouncing motion, always trageting to hit the frightened and pessimistic part of me. Kahit pilitin kong pigilan, parang mas lumalala lang ang lahat. Gaya nito, habang patagal nang patagal nadadagdagan lang ang mga nararamdaman ko. I'm now like a withering vegetable, so weak that even trying to breath makes me suffocated.
Napailing ako sa naiisip. Napatikhim na lamang ako nang mapansing kanina pa nakatitig sa akin si Doc Angelo. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Hindi ko naman magawang basahin ang mukha niya dahil sa mask at face shield na nakapananggalang dito. The only thing I can assure is that this man standing in front of me is fully aware of what I'm feeling right now. Kahit pa pilitin kong ngumiti at mag-pretend sa kaniya, siguradong sa loob ng isip niya alam niya ang katotohanan sa mga ekspresiyon at pagkilos ko. After all, he is a doctor. Scientifically, anytime, he can make inferences about me for he holds my physical datum starting from the day I've been isolated here.
Sa tingin ko nga...baka mas kilala niya pa ako kumpara sa sarili ko.
I don't even know what I'm feeling. I don't even know why I'm exisiting. While him, he can always makes answers about the things on me that I, myself, cannot already fathom.
"April..." he suddenly called up. Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko bilang pagtugon. "There is this person who wants to talk with you. I know you really miss this person so I set a video call with him tonight."
Natigilan na lang ako sa sinabi niya at wala ng nasabi pa nang umalis siya sa harap ng device na nasa may paanan ko. Naguluhan pa ako sa umpisa ngunit nang mapagtanto ko kung sinong tinutukoy ni Doc, agad kong ibinaling ang tingin ko sa laptop niya. Pilit ko pang iniupo ang sarili ko at sa isang iglap, napaluha na lamang ako...
"P-papa..."
Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol nang makita ang mukha niya. He was lying too in a hospital bed while another doctor is facilitating him. Malamlam ang mga mata niya ngunit nang makita niya rin marahil ang mukha ko sa screen ng gadget na gamit nila, sumilay ang ngiti sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Am I Dying, Doc?
Ficțiune adolescențiWhen the Covid-19 started to surge in the Philippines, April Anne Martinez, 17 years old, unfortunately became one of the thousands Pilipinos who acquired the disease. Being quarantined in a hospital, April will find herself having nothing to do but...