: Unsung Tales
Another morning came-a sign saying I am still living physically. I don't know if I would hate it. I don't know anymore what to feel about it. Every single hour that passes, it's like my whole system is turning out to be critically numb. Maybe it's a side effect of my condition and of the medicines I'm taking, or maybe my mind just wanted to finally shutdown all the emotions I'm feeling inside and out of me. I don't know. I'm like a clueless robot now that's just waiting for commands and for what could happen next in this uncertain life of mine...I do not know...
It's been hours too since I started to silently space out again inside this empty room. Patuloy lang akong nakahiga at nakatutok ang mga mata sa may paanan ko. Simula nang malaman ko kahapon na lumalala lang pala talaga ang sakit ko, pakiramdam ko ay pinapatungan na ako ng napakarami ngunit hindi ko makitang mabibigat na bagay. Hindi ko ito maipaliwanag pero ang alam ko lang nakakapanghina...nakakapagod...nakakawala ng gana.
Dumako ang tingin ko sa gawing kaliwa nitong kwarto. My eyes fixated at the bronze-colored ukelele standing there against the wall, and I let out a sigh. It was probably the instrument that Doctor Angelo used last night when I was in the pinnacle of my frustration. Tama nga ang hinala ko, tumutugtog siya ng ukelele kagabi kasabay ng pagkanta.
To be honest, nadagdagan na naman ang pagkamangha ko sa kaniya dahil sa ginawa niyang iyon. He's singing voice may not be as the same with the high-pitched renowned veteran singers, but for me it was just manly and soothing likeable for him. Kahit sa pansamantalang sandali, hindi ko maitatangging gumaan kahit papaano ang nararamdaman kong lungkot kagabi. But the regretful thing about it, hindi ko man lang siya kinausap nang maayos at pinasalamatan.
Hays.
This is one thing I hate about myself. Everytime na nadadala ako ng lungkot at emosyon, palagi kong ipinagtatabuyan ang ibang tao sa paligid ko. Palagi kong ipinapamukha na kaya kong harapin ang mga laban ko nang mag-isa pero sa totoo lang...hindi pala talaga.
I need to ask for apology again to Doc Angelo. Ang lakas ng loob kong magalit at maghinanakit, eh sa lahat ng tao, siya ang nangungunang nagtitiwala sa akin. I need to fix this. I need to fix myself. Hindi ko na alam kung gagaling ba ako o hindi, pero...ang tanging gusto ko ngayon ay makahingi ng tawad sa doktor ko.
Muli akong napabuntong-hininga. Akma sana akong babangon mula sa higaan ngunit hindi ko gaanang magawa dahil sa panghihina ng katawan ko. Pakiramdam ko talaga, binabalutan ang buong katawan ko ng hindi ko makitang pwersa. Napapikit na lamang ako saka buong lakas na itinulak ang sarili para makaupo. Nangingilid na rin ang mga luha sa mata ko. Bakit ganito? Sa isang iglap, parang nawawala na nga talaga lahat ng kakayahan ko. Anong susunod? Anong sunod na mawawala? Natatakot ako...
For a couple of seconds, I just let out a long deep breaths as I locked my eyes. Sa sandaling idinidilat ko ang mata ko, pakiramdam ko ano mang sandali babagsak ako muli. Parang nagpapantig ang paligid ko dahil sa ginawa kong biglaang pagbangon mula sa higaan.
BINABASA MO ANG
Am I Dying, Doc?
Teen FictionWhen the Covid-19 started to surge in the Philippines, April Anne Martinez, 17 years old, unfortunately became one of the thousands Pilipinos who acquired the disease. Being quarantined in a hospital, April will find herself having nothing to do but...