Chapter 17: Voices and Gazes

66 11 12
                                    

: Voices and Gazes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

: Voices and Gazes

I found myself standing on a place I never had been before. Nakatayo ako suot ang damit pang-hospital ko, nakayapak lamang at walang kahit anong bakas ng mga marka ng sakit na dinanas ko sa nagdaang mga linggo.

Nagtataka kong inilibot ang paningin ko sa buong paligid ngunit wala akong anumang bagay na makita. Tanging malawak at walang-katapusang puti lamang ang matatanaw sa kabuuan ng lugar. Nasaan ako? Bakit ako nandito?

Isa-isa at dahan-dahan, inihakbang ko ang mga paa ko. Kakaiba. Wala akong nararamdamang ano mang sakit at panghihina ngayon. Magaling na ba ako?

Tinitigan ko pa ang mga kamay ko hanggang sa isang malawak na ngiti na lamang ang unti-unting kumawala sa labi ko. Magaling na nga ako! Nakakahinga na rin ako nang maayos! Kailangan agad malaman 'to ni Papa at ni Doc Angelo! Pero...nasaan sila? Nasaan ako?

Luminga-linga muli ako sa paligid sa pagbabakasakaling may makikita akong kahit sino. "P-papa?" Nagsimula akong magtatawag habang patuloy sa paglalakad. "Pa?! D-doc Angelo? Doc Via? N-nandito po ba kayo?"

Walang sumagot kahit sino kaya't mas linakasan ko pa ang boses ko. "Doc Angelo!? Nasaan po kayo? Doc Via?! Nurse Mary Jo?! Papa? N-nasaan kayo?!" Umalingawngaw lang ang boses ko sa paligid na siyang ikinagulat ko. Nagmadali ako sa paglalakad at unti-unti na rin nangluluha ang mga mata ko. Nasaan ba ang mga tao?! Bakit ako mag-isa rito?!

"Pa?! D-doc Angelo!?" sigaw ko sa pagitan ng mga paghikbi. Binilisan ko pa ang paglalakad ko hanggang sa maging takbo na ito. "Pa! Doc! Mga nurse!" Hindi ko na naawat ang mga luha ko. Takbo. Iyak. Sigaw. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko. Natatakot ako. Natatakot akong mag-isa sa lugar na ito.

"Doc Angelo! N-nandito ako!" muli kong pagsigaw. "N-nasaan k-kayo?! Papa! Doc Ang—" Bigla na lang akong nadapa saka napasalampak sa sahig. Unti-unti ko muling naramdaman ang pananakit ng katawan ko dahil dito. "P-papa..." iyak ko hahang pilit iniaayos ang sarili ko. Ang lampa-lampa mo April! Ang hina-hina mo! Ano bang nangyayari sa'yo?!

Sa pagitan nang paghikbi ko, natigilan na lamang ako nang biglang makarinig ng isang matinis na sigaw. Umalingawngaw ito sa buong paligid at saka agad na sinundan ng isang tunog ng tila nabasag na mga salamin.

Dali-dali akong napahawak sa magkabilang tengga ko. Saan nanggaling ang mga tunog na 'yon? Nagpaikot-ikot lang ang tingin ko sa paligid pero wala pa rin talaga akong makitang ibang bagay. Puro puti. Walang katapusang puting lugar ang naririto.

"P-please, make everything to save her, Doc..."

Napatungo ulit ako nang marinig ang mga salitang 'yon. Boses 'yon ni Papa! Nakakasiguro akong si Papa 'yon!

"P-pa?! N-nandito po ba kayo? Papa!" Unti-unti akong tumayo subalit muli agad akong natigilan nang sunod-sunod kong marinig ang iba't ibang tunog. Mga tunog na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Pinapaikutan ako nito. May mga boses na nagsasalita. May sigawan. Hindi ko maintindihan ang mga ingay na 'to. Parang unti-unting lumalapit ang mga tunog sa'kin. Nakakabingi. Ang sakit-sakit sa tengga.

Am I Dying, Doc?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon