Chapter 11: Us Against Us

72 14 11
                                    

: Us Against Us

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

: Us Against Us





Glued on my position, a sweet smile showed up on my face as I thought about the versatility of Doctor Angelo. Bukod sa pagiging doktor, active din pala siya sa pagba-vlog—which I didn't expected. Ayon sa kaniya, hindi naman daw talaga siya masasabing online influencer dahil nagsisilbi lang naman daw na past-time habit niya ang pagti-take ng videos and pagpo-post nito online. As an active medical practioner according to him, most of his media contents are related about travelling, lifestyle as a doctor, or any other stuffs he do—like book reviews and online lectures regarding health.


"This is just a plain video vlog about my stroll to get home at night, April," ani Doc sa akin kaya't naputol naman ako sa pagkakatulala sa kaniya. "Naglalakad lang naman kasi ako pauwi  sa permanent apartment ko ngayon and to kill my boredom while I was strolling last night to go home, I decided to open my phone and did this. I also remembered na nami-miss mo na yata ang labas kaya naisip kong ipakita na lang 'to sa'yo." He gentle shrugged off his arms while still half-kneeling on the floor.


My smile widened. "For real?" Napatango siya at wala man lang bakas ng pag-aalinlangan dito. Kung ako kasi ang nasa pwesto ni Doc, mahihiya talaga akong ipakita ang mga ginagawa ko kapag walang mga tao sa paligid—just like kung paanong kahiya-hiyang nakita niya akong sumasayaw kanina. I mean, hindi ako sanay na isini-share sa iba ang mga pinaggagawa ko just for entertainment purpose. But still, even though I'm not like him who's confident of whatever he do, my admiration for him actually increased because of it. I must admit that I'm finding him kind of a sweet for giving effort on this stuff.

From now on sa utak ko, lagi na sigurong maa-associate ang word na EFFORT sa pangalan ni Doc Angelo.

Maayos akong naupo sa kama ko habang bumalik naman si Doc sa silya niya nang magpatuloy na ang pag-play ng video sa laptop. On the whole time, I was only smiling seeing him there wearing a black polo-shirt, black slacks, face mask on face, and carrying his medium-sized messenger bag as he walks along the sidewalk during the night. Refreshing at magaan sa paningin na makitang hindi siya naka-cover ng pull PPE, unlike sa palaging itsyura niya kapag kasama ko siya sa loob ng isolation room na ito.

"Anong oras 'to Doc?" lingon ko sa kaniya na nakasandal lang sa upuan habang tinititigan ako.

"Mga 11 to 12 pm, I guess?"

Bahagya akong tumango saka napaisip. "Magmamadaling araw na rin talaga pala kayo umuuwi. Hindi ba nakakatakot sa daan?"


He snickered. "On highway naman 'yan April. See, filled with streetlights ang daan? Saka isa pa, marami ring police and barangay officials ang nagpa-patrol diyan sa dinadaanan ko. Tahimik nga lang ang paligid dahil hindi na katulad noong dati na kahit ganiyang mga oras, may mga sasakyan pa ring dumadaan. We're on quarantine eh—curfews everywhere, zero criminal rates pero almost zero rin ang transpo.  Mabuti nga at kayang lakarin 'yung apartment ko and being a frontliner, may special pass kami to walk and go home at night."


Am I Dying, Doc?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon