: Just A Space Out
"Are you feeling any difficulty?"
Napalingon ako kay Doktora Via. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang alisin na nila ang nakakonektang breathing machine sa akin. Ayon sa kanila ni Doc Angelo, ikinonekta raw iyon sa akin matapos bumagsak ang oxygen level ko noong nahimatay ako. The good thing about it now, was that, my breathing already became stable again. Hindi man ganoon kaayos tulad ng normal na paghinga ko, atleast kahit papaano, mas okay na 'to kumpara sa pakiramdam ko noong bago ako mawalan ng malay tatlong araw ang nakakaraan.
Pero...actually, may ikinatataka sa'kin si Doktora Via na maging ako ay itinatanong ko na rin sa sarili ko ngayon...
Paano ko nga ba nagawang makapagsalita kanina habang nasa ventilator?
We all know that once a person is put under a breathing machine, he or she won't be able to eat, swallow, or talk. Alam ko 'to dahil nakabasa na rin naman ako noon ng mga medical articles pero,bakit hindi ko nga ba 'yon napansin kanina? Bakit hindi ko man lang naramdaman na there's something off sa sitwasyon ko?
Am I hallucinating?
Maging si Doc Angelo na kanina'y naririto ay hindi man lang ako pinuna tungkol doon. Bakit ganoon? Bakit parang biglang nawawala sa isip ko ang mga bagay-bagay at biglang nagiging kakaiba sa akin ang karamihan sa mga nangyayari. It's like on some certain degrees and moments, my mind spaces out suddenly and my self-awareness goes distorted.
Bakit gano'n? Bakit pakiramdam ko may mga bagay akong biglang nakakaligtaan? Saka...pakiramdam ko ang bilis din ng paglipas ng mga oras. Weird...
"May problema ba, April?" muling tanong ni Doktora Via.
Napalunok muna ako baga tuluyang sumagot sa kaniya. "I-inisiip ko lang po 'yong sinabi niyo kanina...P-paano ko nga po ba 'yon nagawa? Bakit hindi man lang ako nakaramdam ng kakaiba kanina...As in totally, wala naman po akong naramdaman na difficulty sa pagsasalita. Kung hindi nga lang po ninyo sinabi 'yon pakaalis kanina ni Doc Angelo, hindi ko rin maiiisip... As in...parang nawala talaga sa awareness ko ang bagay na 'yon." Natulala na lang ako sa kawalan habang sinasabi kay Doc Via ang mga bumabagabag sa'kin ngayon.
Nang titigan ko siya pabalik, agad nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang busy na siya sa pag-aayos ng mga ginamit niya kanina sa paghihilamos sa katawan ko. Parang wala man lang siyang naging reaksiyon sa sinabi ko. Teka, narinig niya ba ako?
"D-doc Via..." nag-aalangang pagtawag ko sa kaniya. Agad naman siyang lumingon sa akin na may pagtataka ang mga mata.
"Yes, April? Are you feeling any difficulty?"
Natigilan ako.
The heck... Inulit niya na naman ang sinabi niya sa'kin kanina...
BINABASA MO ANG
Am I Dying, Doc?
Teen FictionWhen the Covid-19 started to surge in the Philippines, April Anne Martinez, 17 years old, unfortunately became one of the thousands Pilipinos who acquired the disease. Being quarantined in a hospital, April will find herself having nothing to do but...