Nandito kami ngayon ni Amanda sa Cafeteria dahil may 2 hours vacant kami. Pinilit niya pa ko na mag cutting classes ulit at bumalik sa bilyaran but I don't think that's a good idea ngayong nalaman ko na pumupunta din don ang kaibigan ni kuya.
"Sabi ni Sancho may sumundo daw sayong lalaki?" Amy asked while eating her burger.
"You can't call it sundo. Nagkataon lang na nandon din siya." Pag papaliwanag ko.
"Sino ba yun? Sabi ni Sancho mukhang istrikto daw eh." I looked at Amy. She is looking at me nang nakakunot ang noo.
" It's Kuya Travis. Kaibigan ng kuya ko." I said while eating my French fries.
"Wala namang pake yun kung anong gawin mo hindi mo naman pala ka ano-ano."
"Don't mind him lahat naman ng kaibigan ni kuya protective sakin." Pag dadahilan ko kahit ang totoo si Kuya Travis lang naman yung umaktong ganon. Amanda nodded mukhang agree naman siya sa sinasabi ko.
It's already class hours kaya bumalik na kami sa room and as usual sobrang boring nang discussion inaantok na ko. 1 month from now I'll be graduating and I can't wait for that moment.
"Chase." Napamulat ang inaantok kung mata nang kalabitin ako ni Amanda. Inis na niligon ko siya.
"What?!" I whispered in low voice baka mapagalitan kami. Ngumuso siya sa labas ng bintana.
"It's your ate summer." She mouthed. I looked at the window and my eyes widened. May kasamang lalaki si ate summer at hindi yun nag-aaral dito dahil iba ang uniform. I tried to see kung sino yung guy pero nakatalikod ito at natatakpan ng iban estudyanteng dumadaan.
The guy is tall. He seemed so familiar pero hindi ko ma figure out kung sino ito. Naglakad sila palayo ni ate Summer. Magkatabi lang kasi ang building nang senior high at junior kaya makikita ko talaga sila. May boyfriend na si ate!
"Wait." I said to Amy. Nakakunot naman ang mata niya ng bigla akong tumayo at nag paalam na mag c-cr.
I tried finding them pero hindi ko sila naabutan. I decided na pumunta sa likod nang building namin dahil maraming benches dun at baka sakaling dun sila dumiretso. I hid behind the huge tree. Hindi ako nagkamali! Nandito nga sila. I tried to looked at the guy clearly pero malayo sila sa gawi ko kaya hindi ko makita ito dahil nakatalikod ito sa akin. I can see the smiling face of ate Summer na kahit kailan ay hindi niya man lang pinapakita sa akin. I don't know but I can feel that ate Summer hates me.
"Ate chase?" I looked at the person who called me.
"A-athena!" Natatarantang sagot ko.
"Anong ginagawa mo jan sa likod ng puno?" She asked innocently. Hindi niya pwedeng makita si ate summer at ang lalaki na kasama nito! Tiyak magsusumbong yan at pagagalitan si Ate hindi pa naman kami pwedeng mag
boyfriend."A-ah nothing, sige balik kana sa room mo." I smiled sweetly at her at kinurot pa ang pisngi nito. She looked even more confused pero wala na itong nagawa at tumango nalang at sumunod sa sinabi ko.
I have to make a plan para malaman kung sino yung guy nang hindi mag hihinala si ate na sinusundan ko siya. By the looks of her, mukhang masaya naman ito. Ngayon ko lang nakita na grabe yung ngiti niya. I decided na mag kunwaring pupunta sa cr sa pinakadulo kasi ito.
My heart beats so fast nang makapasok ako sa cr! The guy ate Summer is with— is no other done Kuya Travis! I can't believe this. Kaya pala mukhang familiar siya sakin. What is that guy doing here? May something ba sila ni ate? I have to find out bahala na kung chismosa akong tingan or nang hihimasok but that's my cousin even if she hates me, I have to make sure na hindi babaero ang magiging boyfriend nito and knowing Kuya Travis? Makati yan sa babae.
I fixed myself at the mirror and decided to go back sa room dahil nalaman ko naman na kung sino yung guy and I have no right to tell it to anyone it's their business anyway.
Nang makalabas ako ay hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kanila hanggang sa magtama ang mga mata namin ni Kuya Travis. Umiwas ako ng tingin but I can't help na makita sa peripheral view ko na sinusundan niya ko ng tingin and I also saw ate summer gazed at my direction.
"Chase?" Tawag nito sakin at ako naman nag kunwari ako na hindi sila nakita.
"Oh hi ate Summer!" I said and smiled sweetly. I looked at kuya T, nakapangalumbaba ito at nakatingin sa akin, no sa mukha ko talaga nakatingin.
"Hi kuya T" I waved my hand in front of his face dahil mukhang tulala ito. The side of his lips rosed mukhang pinipigilan ang tumawa. May dumi ba sa mukha ko?
"A-anong ginagawa mo dito?" Ate summer looked at me with dagger in her eyes. Inayos nito ang kaniyang glasses at tumingin kay kuya T, na nakatingin pala sa akin.
"Nag cr lang." sa harap nila ay merong mga nakalatag na libro at notebook.
"May cr naman kayo sa kabilang building ah." Asik nito.
"Trip ko lang ang maglakad, you know excercise." Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Kuya T sa sinabi ko while ate Summer's face is a blank and her eyes were as cold as ice.
"Go back to your class." Ate summer said with a hint of coldness in his voice.
"Yes, I will...." I looked at Kuya Travis. I can't help but to appreciate his face mas gwapo pala ito sa malapitan. What the hell Charlotte Louise?!
"What are you doing here Kuya T?" I asked him
"Nothing that concerns you, young lady." Parang pinamulahan ako sa sinabi nito. First, it's not my concern at nagtatanong lang naman ako. Secondly, I'm not young anymore! Baka bukas nga mas malaki na boobs ko compare kay ate Summer.
"O-oh okay I have to go bye!" I waved at them at umalis na rin baka kasi itusok ni ate summer sa tagiliran ko ang ballpen na hawak niya mukhang badtrip kasi naudlot ang kasiyahn nila.
Nang bumalik ako sa room, grabe ang pangungulit na ginawa ni Amanda sakin pero hindi ko sinabi sa kaniya sobrang daldal pa naman non baka masabi bigla kay Kemeniah or kay Athena. The class ended earlier than our supposed to be dismissal and as usual hinihintay na naman namin si kuya at ang mga pinsan ko syempre nagkukulitan na naman. Ang haharot eh. Nang nakarating na si Kuya Marco ay kaniya-kaniya nang sakay at pwesto sa sasakyan.
"Nandito pala kanina si Travis?" Rinig kung tanong ni Kai kay kuya at Tyler. Naramdaman ko naman ang paninigas ng katawan ni ate Summer sa tabi ko.
"Di ko alam wala namang sinabi eh." Sagot ni kuya sa kaniya
I looked at outside the window alam kung tense si ate summer sa topic na ito pano kung malaman nila kuya na siya ang kasama ni kuya Travis tiyak na hindi masasayahan ang mga asungot na yan.
"Baka pinuntahan si Madeline." Sagot ni Tyler. Madeline is taking Civil Engineering same with kuya Travis but ibang school si Kuya T.
"Nililigawan daw niya yon?" I know ate summer's uneasy right now dahil sa mga naririnig nito. Kaming mga girls ay tahimik lang dahil si Athena at Kemeniah nakatulog si Jackson naman tahimik lang and as usual hindi na naman sumabay si kuya Cole at wala rin si Nathan.
"I don't know with Navarro, babaero yun eh." Natatawang sabi ni kuya Marco.
"May tulo na ata yun eh." Humagalpak ng tawa ang boys. Ako naman nanlaki ang mata sa sinabi. Its gross! I looked at ate Summer mukhang nabigla din ito.
Oh my goodness! You are so doomed Ate Summer!
BINABASA MO ANG
Edge of Never
RomanceCharlotte Louise Rivera "chase" has everything in life. She is living the life that every girl wants. Masaya na siya na kasama ang mga pinsan araw-araw. Until Travis Damien Navarro came into her life. Ang tahimik nitong buhay ay naging magulo, mag...