"Napapadalas ata ang paghatid sa'yo ng Kuya Travis mo, Chase." I don't know what should I tell Mom, madalas kasi nitong maabutan na hinahatid ako ni Kuya T. Mabuti nalang at nasa ibang bansa si dad tiyak na iba ang iisipin noon kapag nalaman nitong palagi akong hinahatid ni Kuya Travis.
Bago pako makapagsalita ay naunahan na ako ni Kuya Marco. "I asked Travis na bantayan sa school si Chase." I was just silent at nakikinig lang sa usapan nila.
Mom laughed at kuya Marco. "Don't be too hard on your sister, Marco."
Nag-angat ako ng tingin at nahuli ko rin na tinititigan ako ni Kuya Marco na parang may alam ito sa nangyayari sa pagitan namin ni Kuya Travis.
"I just want what's best for Chase, mom." He said and heaved a deep sigh. Just so you know kuya, what you're doing is not what's best for me. Mas mabuti na siguro na hindi mo nalang pinakiusapan si Kuya Travis na bantayan ako, 'di sana ay hindi nagagambala ang tahimik kong pamumuhay.
"Nagdadalaga na ang kapatid mo, it's natural for him to have a boyfriend, may nanliligaw na ba sa'yo, anak?" Parang nabulunan ako sa sinabi ni mommy, tila nalunok ko ang aking sariling laway.
Kuya stares at me dangerously, na parang may mali akong masabi ay mapapatay ako nito ng wala sa oras.
"W-wala po." My breathing hitched for a minute. Napailing nalang si mommy at napangiti sa akin. She is really understanding at hindi ito strikto. Si dad lang at si Kuya ang mahigpit sa akin.
Thankfully, mom ended that conversation at umalis na rin ito para sa isang meeting. I kept myself busy with school works. Si kuya naman ay pumunta sa gym. Now, I'm all alone and I felt at peace. My thoughts were interrupted when my phone rang.
[chase..] napatayo ako ng marinig ko ang boses ni Amanda at halatang umiiyak ito.
[Amy! What happened?] I walked towards the window not knowing what to do dahil natataranta na ako.
[may sasabihin ako.. b-but promise me na hindi mo susumbong kahit kanino]
I heard her soft cries at hindi ko mapigilan ang hindi maluha dahil ang bigat sa pakiramdam ko ang marinig na umiiyak ito.
[what's wrong Amy?] I said between my sobs.
[I'm p-pregnant] Her voice shaken, halata sa boses nito ang kaba. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito.
[s-saan ka ngayon? Pupuntahan kita]
[nasa probinsya ako, please huwag mong sabihin kahit kanino.]
[don't worry, hindi ko sasabihin. Pupuntahan kita jan next week or kapag wala akong class.]
I was worried with Amanda. Who ever that bastard is, hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa nito sa kaibigan ko. I have to visit Amanda, naawa na ako sa kaniya, ngayon na nalaman ko pa na namatay pala ang ina nito sa sakit na Kanser at ang kapatid nitong babae ay sumama sa isang foreigner at siya naman ay naiwan sa poder ng kaniya lolo at lola sa probinsya.
"Ate chase, I've miss you!" A smile crept into my face, Niah widened her arms to give me a hug which I obliged.
"Miss you, Niah. Saan si Athena?" Nagtatakang tanong ko dahil mag-isa lang itong pumunta sa bahay.
Nagkibit-balikat ito bago ako sinagot. "I don't know, busy siguro." I didn't bother asking dahil mukhang hindi ok si Kemeniah at Athena. They fought sometimes at ilang beses na rin itong nangyari.
The other day, I can't stop thinking about Amy. Gustuhin ko man ang pumunta sa kaniya ngayon, pero hindi pupwede dahil abala rin ako para sa exams namin.
"What's bothering you?" Nahalata siguro ni kuya Travis na parang may bumabagabag sa akin.
He handed me a cup of iced coffee na binili niya ngayon lang. "Nothing, I'm just thinking of visiting Amy."
"You want me to come with you?" A small smile formed to my lips.
"Wag na, ayoko ng makaabala sa'yo." He looked at me and sighed.
"Hindi ka naman abala sa akin." I chewed my lower lip, parang dudugo na ito sa kaka pigil ko ng ngiti ko.
"Amy has a problem, kailangan nito ang tulong ko." He didn't say a word, but he is all ears listening to me. Tumingin ako sa gitna ng field iniisip ko si Amy.
"I'll go with you." His voice sounded with finality. I sweetly smiled at him.
"Thank you." I mouthed softly. Napansin ko rin na parang natigilan ito. I just need someone to talk to para hindi ko gaanong maisip si Amy, I'm so dire worried and she's my bestfriend after all.
His body stiffened when I leaned my head into his shoulders and tears started to rolled down to my cheeks. I felt his arms encircling in my shoulders, inaalo ako nito. Tiningala ko siya para tingnan naka tingin ito sa malayo and one thing I am sure of, hindi ko na talaga kayang pigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya.
"Let it out, I'll be with you no matter what."
He handed me his handkerchief, amoy na amoy ko pa ang pabango nito. "Thank you kuya." I said in between my sobs.
"Please don't call me kuya." Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi nito.
"You're old, it's a sign if respect." Napabitaw naman ito nang akbay sa akin na ikinatawa ko.
He looked at me seriously. "I'm no longer your kuya, I'll be your lover."
My body stilled, bahagya akong umiwas ng tingin sa kaniya. "I-I don't know what to say."
"You don't have to say anything. Hihintayin kita kapag handa kana." Sana nga sa oras na handa na ako ay nandiyan kapa.
Kinuha nito ang bag ko at tumayo. "It's getting late, hahatid na kita."
Tumayo na rin ako at sumunod sa kaniya. Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang nakasamid sa likuran niya. He is wearing my shoulder-bag and who would've thought that this guy is capable of doing such things.
He drove silently on our way home, ako naman ay nakahilig ang ulo sa upuan at inaantok na dahil siguro sa pag-iyak ko. Ilang minuto pa ay bumagal na rin ang usad ng sasakyan nito at hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin.
"Ah ku— I mean Travis, lalabhan ko muna itong panyo mo." I felt awkward dahil hindi ako sanay na hindi ito tinatawag na kuya.
My breathing hitched when he looked at me intently. Parang hinihigop ako nito papalapit sa kaniya. I stiffened when he held my arms. We are an inch closer at hindi ko mapigilang amuyin ang mabangon hininga nito. He cupped my face and caressed my cheeks gently. Nagtayuan naman ang balahibo ko sa ginawa nito. I was drowned with his eyes.
"Everything will be fine." The next thing I knew , I was lost with his soft kisses. His lips started to move, at unti-unti na rin akong nadadala. For heaven sake, this was my first time to be kissed intimately.
Parang may sariling isip ang mga labi ko at nag paubaya sa halik nito. His kisses were light and gentle. Nakapos na siguro ang hininga nito at bumitaw sa halik. Namumungay ang mata nito and his lips were wet and pinkish.
Parang nagbalik ako sa katinuan at napahawak sa akin labi. A small smile crept into his lips, my face heated and the next thing I knew ay tumakbo ako papasok sa bahay at hindi man lang siya nililingon.
BINABASA MO ANG
Edge of Never
RomanceCharlotte Louise Rivera "chase" has everything in life. She is living the life that every girl wants. Masaya na siya na kasama ang mga pinsan araw-araw. Until Travis Damien Navarro came into her life. Ang tahimik nitong buhay ay naging magulo, mag...