Nagising ako dahil sa ingay ng katok sa pinto ng aking kwarto. I rubbed my eyes and opened the door, tumambad sa harapan ko ang hitsura ni Kuya Marco at ni Tyler. Kuya's face is serious while Tyler syempre nakangiti na naman.
Tyler tapped my shoulders. "Congrats Chase, nadagdagan pa lalo ang pagka sikat mo." Natatawang sabi nito, I creased my forehead dahil nagtataka ako sa mga sinasabi nito.
"What the hell are you talking Ty?" Tinaasan ko ito ng kilay si kuya naman ay naka krus ang braso nito sa kaniyang dibdib at seryoso ang tingin sa akin.
May inabot sa akin si kuya, agad namang nangunot ang aking noo at binasa iyon.
Famous model, Charlotte Louise Rivera was found drunk at a club in Tagaytay.
Namilog ang aking mata, sa ilalim ng news na iyon ay picture ko habang buhat-buhat ako ni Travis!
"Congrats, you were the headline of that tabloid, panigurado na nakarating na ang balitang yan kay mom at dad." Sermon ni Kuya sa akin. I felt ashamed of what I've done, parang wala na akong mukhang maihaharap sa kanila, at symepre kay Summer. Ano nalang ang sasabihin ng iba kong bakit kami magkasama ng asawa ng pinsan ko!
"It's just a misunderstanding." I tried to explain pero mukhang hindi naman naniniwala si kuya sa mga sinasabi ko.
"Explain it to the family Chase, kasama mo si Travis and you know that Travis and Summer is planning to build their own family, ano nalang ang sasabihin nila ngayong buhat-buhat ka ni Travis?" Parang may nabara sa aking lalamunan dahil sa mga sinasabi ni kuya sa akin.
I took a deep breath at hinilot ang aking sentido. "Kuya, it's not what you think it is, Travis was just helping me, I was drunk kaya tinulungan niya lang ako that's it." Parang nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na nagsalita pa si kuya,
You know what hurts me the most? That my family doesn't even know my past about Travis, at ang masaklap pinsan ko pa ang makakatuluyan nito, even though they aren't yet married, but still naka plano na ang lahat para sa kanila.
Napatingin sa akin si Tyler na parang may iniisip ito. "Nga pala, bakit kayo magkasama ni Travis?"
"He was my partner for the magazine's cover." Namilog ang mata ni kuya at ni Tyler sa sinabi ko, kahit ako ay gulong-gulo sa reaksyon ng dalawa.
"What the fuck?!" Napapitlag ako sa sigaw ni Tyler. "Why the hell would Travis do that? Malaki ang sahod nito bilang engineer at mukhang hindi naman namumulubi yon."
Oh my Goodness! Wala silang ka alam-alam na pumasok si Travis sa modeling industry! Litong-lito na ako sa mga nangyayari at kong bakit ba naging model si Travis.
"Does summer know about this?" Tanong ni kuya kay Tyler, pero umiling lang si Tyler at hindi na nagsalita.
Laking pasalamat ko ng umalis na ang dalawa sa kwarto ko. My mind can't absorb what is really happening between me and Travis. I should stay away from him but my mind and heart screams the opposite. I don't want to betray Summer kahit sabihin na nating malaki ang kasalanan nila ni Travis sa akin, but I don't think revenge is good.
Ilang oras din akong nag pa gulong-gulong sa kama. I realized that I have to clear my name to the public at kailan ko rin kausapin si Travis about sa issue na to. I called Chescka to help me with it at pumayag naman ito na mag kita kami sa isang coffee shop.
BINABASA MO ANG
Edge of Never
RomanceCharlotte Louise Rivera "chase" has everything in life. She is living the life that every girl wants. Masaya na siya na kasama ang mga pinsan araw-araw. Until Travis Damien Navarro came into her life. Ang tahimik nitong buhay ay naging magulo, mag...