Day 7

9 1 0
                                        

Good day aerasakka!! A chapter for my very best author😊 Happy reading and good luck sa mga stories mo😊

DAY 7

KUNOT-NOO AKONG NAUPO sa upuan sa harap nila tita at Dream.

Kasalukuyan ako ngayong nasa harap nila tita sa loob ng bahay nila. Ipinatawag nila ako kanina habang naglilinis ako ng bahay kaya madumi pa ang damit ko nung pumunta ako dito.

Ang totoo niyan, kanina pa ako nagtataka kung bakit nila ako pinatawag. Hindi naman kasi natural na ipatawag nila ako. Kadalasan ay sila pa mismo ang pumupunta sa akin para lang sabihin ang mga gusto nilang sabihin. Kaya nga hindi ako mapakali ngayon, eh.

Seryoso pati ang mukha nila at mukhang importante ang sasabihin dahil walang kangiti-ngiti ang mga labi nila.

Naiiling na napangiwi ako. "What's going on? Sobrang seryoso naman yata ninyo riyan?" Kunot-noo kong tanong dito.

"Nais kong humingi ng pabor sa iyo, Akie. Kung ayos lamang." Panimula ni tita na kasunod naman ang pagtango ni Dream. Mas lalo lang niyong pinalala ang pagtatakang nararamdaman ko ngayon.

"Ano po yon, tita?" Tanong ko muli dito.

"Si Zetia. Yung babaeng nakatira sa katabing kwarto mo."

"Yeah, I know her," walang buhay kong singit sa pagsasalita niya. Hindi ko pa sana papansinin iyon ng mag-sink in sa akin ang pangalang binanggit niya. Mabilis akong lumingon sa kanila saka kunot noong nagtanong. "What about her?"

"She needs a chaperone for her one week vacation." It's Dream.

"Really? A chaperone? Sa edad niyang 'yon?"

"Yeah. May problema kasi ang p—" natigil ito sa pagsasalita ng hawakan ni Dream ang braso nito at sunod sunod itong inilingan. Napabuntong hininga pa si tita bago muling humarap sa akin. "Gusto sana namin na samahan mo siya at alalayan sa bawat lugar na pupuntahan niya. Huwag kang mag-alala, anak. Babayaran naman niya ang oras at effort mo."

Mukhang ayaw nilang ipaalam ang tunay na dahilan kung bakit kailangang may kasama sa bakasyon niya ang babaeng iyon.

May itinatago ang mag-inang ito sakin.

Sunod-sunod akong umiling sa mga ito. "I don't need money, tita. You know that."

"Pero kailangan mo ng inspirasyon para sa isusulat mong libro ngayon, hindi ba?" Bwelta agad nito pabalik.

Natahimik naman ako sa isinagot niyang iyon. Totoo naman ang bagay na iyon. Kailangan ko talaga ng inspiration ngayong may bago akong istoryang nais isulat.

At nakukuha ko lang iyon sa mga lugar na nakikita ko. Kaya nga madalas pa sa madalas akong wala sa apartment ko eh. Nililibot ko kasi ang buong Laguna para makapaghanap ng magagandang lugar na pwedeng makuhanan ng inspirasyon.

"Why are you doing this? Bakit ako? Bakit hindi si Dream? Siya ang kaibigan nung babaeng iyon, hindi ba?" Kunot-noo kong tanong dito. Hindi ko pa rin kasi makuha ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa harap nila.

Pwede naman kasi talagang si Dream na lang dahil siya naman talaga ang kaibigan ng babae na iyon. Nalaman ko lang iyon nung minsang maikwento sa akin ni Dream na magkaibigan nga sila.

"Alam mo naman na nag-aaral pa ngayon si Dream. Masteral na ang kinukuha niyan at masyado ng delikado kungliliban siya ng isang linggo sa eskwala lalo na at scholar iyang pinsan mo," pagdadahilan ni tita.

Isa pang totoo... Scholar sa isang private university si Dream at masteral na nga ang kinukuha niya.

Haist.

Fourteen-Day Paradise (Completed)Stories to obsess over. Discover now